!rFwwssQXDcPigkitUZ:matrix.org

PRWC Newsroom

231 Members
News & updates on the Philippine revolution <philippinerevolution.nu> | <prwc@cpp.ph>9 Servers

You have reached the beginning of time (for this room).


SenderMessageTime
15 Nov 2024
@kabisay:matrix.orgKa BisayMaayong adlaw sa lahat 🥰03:10:07
18 Nov 2024
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoOrdinansang nagpaparusa sa Red-tagging sa Naga City, ikinalugod ng mga demokratikong organisasyon November 15, 2024 Ikinalugod ng mga demokratikong organisasyon sa Naga City at Camarines Sur ang ipinasang ordinansa ng Sangguniang Panlungsod ng Naga noong Nobymebre 13 hinggil sa paglalarawan at pagpaparusa sa Red-tagging sa syudad. Itinuturing ito ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Camarines Sur bilang “bunga ng sama-samang pagkilos ng mga Bikolano.” Ang ordinansang “Defining and Penalizing Red-tagging in Naga City” ay ipinanukala nina City Councilor Jessie Albeus at Youth Councilor Kerwin Ardinazo. Ipinaliwanag sa ordinansa ang saklaw ng Red-tagging at ang pagbabawal na isagawa ito ng mga nasa pampublikong pusisyon at gamit ang pondo ng publiko. Ang naturang ordinansa ang kauna-unahan sa bansa. Ang mga lalabag sa naturang ordinansa ay papatawan ng ₱5,000 multa o pagkakakulong ng 1-30 araw sa unang paglabag o pareho; ₱5,000 o pagkakulong ng 2-3 buwan o pareho sa ikalawnag paglabag; at ₱5,000 o pagkakulong ng 4-6 buwan o pareho sa ikatlong paglabag. Itinalaga rin nito ang upisina ng Naga City Human Rights Action Center para tumulong sa paghahanda at pagsasampa ng reklamo. Ayon sa Bayan-Camarines Sur, natulak ito dahil sa walang humpay na kampanya at paglalantad sa kabulukan ng gubyerno tungkol sa pagpapairal ng Anti-Terror Law at paglabag sa karapatang-tao ng mga indibidwal at mga progresibong grupo sa prubinsya. Dagdag pa ng grupo, dininig ng konseho ang kanilang mga hinaing at mga hinain na mga kaso ng Red-tagging sa prubinsya. “Lantaran sa Camarines Sur ang ginagawang mga pananakot, Red-tagging at pagkampo sa mga kumunidad,” ayon sa grupo. Noong 2021, nagkampo ang 9th ID sa komunidad ng mga magsasaka at maralitang lungsod sa mga barangay ng Concepcion Pequena, Balatas at Mabolo, maging sa ilang mga barangay sa Naga City upang magsagawa ng profiling at nagbahay-bahay para takutin at gipitin ang mga residente. Madalas ang mga “kampanya sa impormasyon” ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa mga komunidad at eskwelahan para i-Red-tag ang mga progresibong organisasyon. Dagdag ng Bayan-Camarines Sur, naitala rin ang pekeng mga livelihood program na ginagawang iskema para sa kanilang programang pagpapasuko di umano sa “300 friends rescued”. “Ang naipasang Ordinansa ay patunay lamang na sa anumang atake ng estado ay magpapatuloy ang laban ng mamamayan para sa ating mga karapatan,” pahayag nito. Kahit mayroong ordinansa, ayon sa grupo, handa at patuloy na titindig at magbabantay ang Bayan-Camarines Sur at mga organisasyon sa ilalim nito para sa karapatang-tao. Sa huli, hinikayat ng Bayan-Camarines Sur ang iba pang mga mambabatas at lokal na mga namumuno sa buong Bicol na gumawa at magpasa rin ng ordinansang tumitindig at nagpaparusa sa Red-tagging at iba pang paglabag sa karapatang-tao. https://philippinerevolution.nu/angbayan/ordinansang-nagpaparusa-sa-red-tagging-sa-naga-city-ikinalugod-ng-mga-demokratikong-organisasyon/05:32:44
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoPaglaban sa red-tagging, paglilinaw sa alituntunin sa social media, naigiit sa dayalogo sa Comelec November 15, 2024 Naigiit ng Koalisyong Makabayan sa dayalogo nito sa Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila noong Nobyembre 12 ang paglaban sa red-tagging at paglilinaw sa mga alituntunin sa social media sa darating na eleksyong 2025. Ang dayalogo ay hiningi ng koalisyon sa isang sulat sa Comelec noong Oktubre 30. Ayon sa Makabayan, maituturing na makasaysayan ang naging komitment ng Comelec na maglabas ng alituntunin laban sa red-tagging sa panahon ng eleksyon. Posible umano itong makatulong para protektahan ang mga kandidato at partido laban sa pampulitikang panggigipit at diskriminasyon. Sa nagdaang mga eleksyon, naging target ang Makabayan at mga partidong pampulitika sa ilalim nito tulad ng Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, Kabataan at ACT Teachers ng red-tagging ng mga pwersa ng estado. Kabilang mga kaso ng red-tagging sa itinatala ng Kontra Daya na mga porma ng pandaraya at karahasan tuwing eleksyon. “Isa itong signipikanteng tagumpay para sa demokratikong mga karapatan at reporma sa eleksyon. Sa unang pagkakataon, magkakaroon tayo ng malinaw na mga alituntunin mula sa Comelec laban sa Red-tagging alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema,” pahayag ng tagapagsalita ng koalisyon na si Reyna Valmores Salinas. Malugod ring tinanggap ng Makabayan ang paglilinaw ng Comelec sa inilabas nitong Resolution 11064 noong Setyembre. Laman ng resolusyon ang mga patnubay sa paggamit ng social media, artificial intelligence at internet sa pangangampanya at pagbabawal sa disimpormasyon at misimpormasyon sa eleksyong 2025. Sang-ayon sa patnubay, inaatasan ang lahat ng mga kandidato, mga partido at kanilang mga kampanyador na irehistro ang lahat ng kanilang upisyal na akawnt at pahina sa social media, mga website, at iba pang platapormang online hanggang Disyembre 13. Gagamitin umano ito para mapigilan ang pagkalat ng pekeng balita at maling impormasyon sa eleksyon. Pangungunahan umano ng Task Force sa Katotohanan, Katapatan, at Katarungan (KKK) sa Halalan ang implementasyon ng patnubay. Natulak ng Makabayan ang Comelec na tanging mga upisyal na akawnt ng mga kandidato ang irerehistro at hindi na ang mga tagasuporta nila. Ayon kay Salinas, kinikilala nila ang pagiging bukas ng Comelec sa dayalogo at kanilang pagtugon sa mga agam-agam at pananaw ng Makabayan. Nauna nang nagpahayag ng pagtutol ang koalisyon sa resolusyon dahil anila, kahit mahalaga ang pagtutol sa pekeng balita at maling impormasyon ay dapat sa paraang hindi makatatapak sa kalayaan sa pagpapahayag, pribasiya at epektibong pangangampanya. “Mahalaga na nalinaw na hindi sapilitan ang registration ng mga individual supporters at hindi ito makakaapekto sa karapatan ng mamamayan na magpahayag ng kanilang political views sa social media,” dagdag pa ni Salinas. Ani Salinas, patuloy na makikipag-ugnayan ang koalisyon sa Comelec para tiyakin ang pagsasapinal ng mga alituntunin para protektahan ang karapatan ng mga mamamayan. https://philippinerevolution.nu/angbayan/paglaban-sa-red-tagging-paglilinaw-sa-alituntunin-sa-social-media-naigiit-sa-dayalogo-sa-comelec/ 05:32:50
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoMga sibilyan sa Guihulngan City, binugbog at tinutukan ng baril ng 62nd IB November 15, 2024 Muling tinarget ng pasistang atake ng 62nd IB ang mga sibilyang magsasaka na pinararatangan nitong may kaugnayan sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga barangay ng Guihulngan City, Negros Oriental. Naitala noong nakaraang linggo ang mga kaso ng pambubugbog, panunutok ng baril at iligal na interogasyon. Sangkot sa mga krimeng ito ang mga sumurender at aktibong aset ng 62nd IB. Noong Nobyembre 8, binugbog ng mga sundalo ng 62nd IB ang 38-anyos na magsasakang si Boyet Ospar sa Sityo Manlibod, Barangay Trinidad. Pinuntahan si Ospar ng mga sundalo kasama ang ahente ng militar na nagngangalang Yuling Landeza. Ayon sa BHB-Central Negros (Leonardo Panaligan Command), paulit-ulit na isinasangkot ni Landeza ang mga sibilyan sa rebolusyonaryong kilusan kapalit ng pabuyang pera mula sa 62nd IB. Itinanggi na rin ng mga residente ang paratang na si Ospar ay Pulang mandirigma at pinatunayang isa lamang siyang sibilyang magsasaka. Noong Nobyembre 5, pinuntahan at ipinailalim sa interogasyon ng 62nd IB ang pamilyang Dayono at Geronimo sa Sityo Ponong sa paratang na mga kasapi sila ng BHB. Kasama rin ng mga sundalo si Landeza na direktang lumahok sa pananakot, interogasyon at iligal na pagpasok sa bahay ng mga pamilya. Tinutukan ng baril ng mga pasistang sundalo si Loring Geronimo habang tinatanong. Isang menor-de-edad naman ang pisikal na inabuso ng mga sundalo na dahilan ng pamamaga ng kanyang tagiliran. Kasama rin ng mga sundalo at ni Landeza ang iba pang mga taksil at tau-tauhan ng 62nd IB na sina Reymart Dayanan, Orlan dela Peña at Junbim Vargasa. Samantala, naitala rin sa nagdaang mga linggo ang iligal na okupasyon at pagkakampo ng mga sundalo sa mga eskwelahan sa Central Negros. Naiulat ang presensyang militar sa mga eskwelahan sa Barangay Trinidad, Guihulngan Cty; sa Sityo Paliran, Barangay Pinocawan, Vallhermoso; at sa Barangay Bucalan, Canlaon City. Ang pagkakampo sa mga sibilyang pasilidad ay lubhang paglabag sa internasyunal na makataong batas. Sa harap nito, nanawagan si Ka JB Regalado, tagapagsalita ng BHB-Central Negros, sa mga residente na huwag matakot at tumindig para sa kanilang mga karapatang-tao. “Sa harap ng grabeng panggigipit at pagsasamantala, kinakailangang itaas ang [militansya],” anang tagapagsalita. https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-sibilyan-sa-guihulngan-city-binugbog-at-tinutukan-ng-baril-ng-62nd-ib/05:37:12
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoMary Jane Veloso, posibleng malipat ang kustodiya mula Indonesia tungong Pilipinas November 15, 2024 Itinuring ng Migrante International bilang positibong hakbang ang posibleng paglilipat ng kustodiya ni Mary Jane Veloso mula sa Indonesia tungo sa Pilipinas. Lumitaw ang posibilidad na ito kasunod ng pagbisita ng ambassador ng Pilipinas sa Indonesia sa Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction ng bansa noong Nobyembre 11. “Tinatanaw namin ito bilang isang positibong pag-unlad at isang malugod na pagkakataon para tugunan ang sitwasyon ni Mary Jane na nasa death row prison sa Indonesia sa nagdaang 14 na buwan,” pahayag ng Migrante International. Si Veloso ay nakakulong sa Indonesia mula pa noong 2010 dahil sa kasong drug trafficking. Malaon nang napatunayan na siya ay biktima lamang din ng human at drug trafficking ng kanyang rekruter. Noong 2015, nailigtas sa parusang pagbitay si Veloso dulot ng paggigiit ng mamamayang Pilipino. Nananatili siyang nakapiit sa Jakarta, Indonesia sa kabila ng pag-usig sa mga iligal na rekruter niya at matagal nang panawagang palayain siya. Iginiit ng Migrante International na dapat maluwag na tratuhin ng rehimeng Marcos ang kaso ni Veloso dahil siya mismo ang biktima ng human trafficking. Anila dapat itong gawin sa makataong batayan, at dahil walang parusang pagbitay sa Pilipinas. Ayon sa upisyal ng ministro ng Indonesia na si Yusril Ihza Mahendra, tinalakay na sa bagong-halal na pangulo ng bansa na si President Prabowo Subianto Djojohadikusumo ang panukalang paglilipat at gumagawa na ng mga hakbang para buuin ang patakaran. Kaugnay nito, itinutulak ng Migrante International na kunin ang sinumpaang salaysay ni Veloso na siya ay biktima ng human trafficking. Isinampa ang kasong human trafficking laban sa mga nadakip na rekruter ni Veloso sa isang korte sa Nueva Ecija. “Sa nagdaang siyam na taon ay ipinaglalaban ni Mary Jane at kanyang pamilya ang pagpapanagot sa korte sa mga [iligal na nagrekrut] sa kanya at karapat-dapat lamang na makamtan nila ang buong hustisya,” pahayag ng grupo. Nanawagan ang Migrante International sa mga Pilipino at tagasuporta ng kampanyang Free Mary Jane Campaign na makilahok sa mga isasagawa nitong kilos protesta, mga martsa, petisyon at sulat at iba pang mga aksyon para itulak ang rehimeng Marcos na kaagad tumugon sa hinihinging katarungan ni Veloso. “Ang kanyang kalagayan ay simbolo ng pagsasamantala at pagdurusa ng hindi mabilang na mga migranteng manggagawang Pilipino, na araw-araw ay nagiging biktima ng human trafficking bilang resulta ng labor export program ng administrasyon Marcos Jr,” pahayag pa ng grupo. Itinuring din ng mga abugado ni Veloso at ng National Union of People’s Lawyers ang balitang ito bilang pinakamalaking pagkakataon para maiuwi siya sa Pilipinas at tiyakin ang kanyang kalayaan. https://philippinerevolution.nu/angbayan/mary-jane-veloso-posibleng-malipat-ang-kustodiya-mula-indonesia-tungong-pilipinas/ 05:38:00
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoKaso ng panggigipit laban sa mga lider sa transportasyon at maralita, ipinababasura November 16, 2024 Nagpiket ang mga demokratikong organisasyon sa harap ng Quezon City Hall of Justice noong Nobyembre 14 kasabay ng pagharap sa korte ng mga lider sa transportasyon at maralita na sinampahan ng kasong paglabag sa BP 880 o Public Assembly Act. Kinasuhan sila kaugnay sa tigil-pasada at martsa na isinagawa noong Agosto 14 laban sa makadayuhan at maka-negosyong Public Transport Modernization Program (PTMP, dating PUVMP). Sinampahan ng nabanggit na kaso sina Mimi Doringo ng Kadamay, Mar Valbuena at Regie Manlapig ng Manibela, Mody Floranda at Ruben Baylon ng Piston. Ang BP 880 na naglalaman ng patakarang “No Permit, No Rally” ay mapanupil na batas na ipinasa sa ilalim ng diktadurang Marcos Sr. Dati nang ipinahayag ng mga lider na dapat nang ibasura ang katulad na mga atrasadong batas na labag sa batayang karapatang-tao. Anila, walang permit na kailangan para isiwalat at labanan ang makadayuhan at negosyong programa ng modernisasyon. “Nakababahalang makita kung paano ginagamit ng estado ang mga batas para gawing krimen ang pagtutol sa mga hindi maktarungang polisya ng pamahalaan,” pahayag ng Piston. Higit din umanong inilalantad ng kasong ito ang tunay na pasistang mukha ng rehimeng Marcos. Sina Doringo, Floranda at Valbuena ay pawang mga kandidato sa pagkasenador sa darating na eleksyong 2025. Tatakbo sina Doringo at Floranda sa ilalim ng Koalisyong Makabayan habang si Valbuena ay independent. https://philippinerevolution.nu/angbayan/kaso-ng-panggigipit-laban-sa-mga-lider-sa-transportasyon-at-maralita-ipinababasura/05:38:46
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoMga kabataang bilanggong pulitikal sa Negros Occidental, nakalaya November 16, 2024 Nakalaya ang mga kabataang aktibista na sina Carmen Jonahville (CJ) Matarlo at John Michael Tecson mula sa higit dalawang taong pagkakakulong matapos ibasura ng korte sa Negros Occidental noong Nobyembre 13 ang mga kasong illegal possession of firearms and explosives na nakasampa laban sa kanila. Inaresto ang dalawa noong Marso 18, 2022 kasama ang konsultant pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Ramon Patriarca sa Barangay Suay, Himamaylan City. Napawalang-sala ang dalawa kasunod ng kabiguan ng mga pulis na ihapag sa korte ang sinasabi nilang bidyo na nakunan ng kanilang mga “body camera.” Taliwas ito sa alegasyon ng pulis na makikita sa natuarng bidyo na nasamsam sa paanan nina Tecson at Matarlo ang mga armas at granada na ipinakita nito sa korte. Ayon kay Atty. Kristian Jacob Casas-Abad Lora, abugado ng dalawa, ilang ulit silang naghain ng mosyon para ipakita ito sa korte ngunit kalaunan ay inamin din ng upisyal ng pulis na walang gayong bidyo. Palusot ng pulis na umano’y nakasuot ng “body camera” sa operasyon na hindi niya nakunan ang naturang insidente dahil “nagtago siya dahil sa takot.” Si Matarlo ay nagtapos sa University of the Philippines Cebu noong 2016. Habang nasa unibersidad ay nagsilbi siyang lider-estudyante. Pagkalabas sa pamantasan, naging bise presidente siya para sa Visayas ng Kabataan Party-list. Naging biktima siya ng tangkang pagpatay nang paulanan ng bala ang kanilang fact-finding mission sa Bayawan, Negros Oriental noong 2017. Kasama nina Tecson at Matarlo si Patriarca sa naturang barangay dahil sa isinasagawa nilang malalimang pag-aaral sa magkakanugnog na asyenda sa lugar na pag-aari ng mga Cojuangco. Inaalam nila noon kung bakit hindi isinali ang asyenda sa pamamahagi ng lupa ng gubyerno at ano ang naging epekto nito sa mga magsasaka at manggagawang-bukid sa komunidad. Si Tecson ay isang tagapagtanggol ng kalikasan at organisador. Anak siya ng pinaslang na tagapangulo ng Pamalakaya sa Guihulngan City na si Alberto Tecson. https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-kabataang-bilanggong-pulitikal-sa-negros-occidental-nakalaya/05:39:15
@prwc_info:matrix.orgprwc_info6 na aktibista sa Chhattisgarh, dinukot ng mga pwersa ng estado ng India November 16, 2024 Kinundena ng Forum Against Corporatization and Militarization (FACAM) ang pagdukot ng mga pwersa ng estado ng India sa anim na aktibista ng Moolvasi Bachao Manch noong Nobyembre 8 sa estado ng Chhattisgarh. Ang mga aktibista ay nagpapahinga noon sa komunidad ng Girgundi at papunta sa isang demonstrasyon sa katabing komunidad. Sa impormasyon ng FACAM, sumugod ang mga pwersa ng pulis sa Girgundi kung saan dinukot ang mga aktibistang sina Arjun Soni, Muya Hemla, Nagesh Banse, Joga Midiyam, Gillu Katam, at Bhima Kunjam, na pawang mga Adivasi o mga katutubo. Anang grupo, hindi pa rin natutunton ang kinaroroonan ng anim. “Ang insidenteng ito ay isang kasuklam-suklam na pagpapakita ng kawalang pakundagan ng estado na nagpapatampok sa kalupitan ng terorismo ng estado,” pahayag ng FACAM. Naniniwala itong hindi isang “hiwalay na insidente” ang pagdukot kundi isang sadya at sistematikong kampanya para takutin ang mga Adivasi sa Chhattisgarh. Dagdag ng grupo, karaniwang binabansagan ng mga pwersa ng estado na mga “Maoista” ang mga Adivasi para takasan ang karumal-dumal na mga krimen laban sa kanila. Isinasagawa ang mga pagdukot, pagpaslang at iba pang paglabag sa karapatan ng mga Adivasi para bigyang daan ang pagpasok ng mga mapandambong na korporasyon sa lupain at kagubatan ng mga katutubo, anito. Naniniwala ang FACAM na ang tumintindi at dumadalas na mga kasong ito ay kaugnay ng anunsyo ni Home Minister Amit Shah na target “burahin” ang Naxalismo (karaniwang katawagan sa Maoismo sa India) sa Marso 2026. “Ang sinasabing dedlayn na ito ay walang iba kundi isang hudyat para sa papatinding karahasan at panunupil,” ayon sa grupo. Samantala, kinundena ng Campaign Against State Repression (CASR) ang pag-aresto sa limang lider unyon mula sa distrito ng Kishtwar at isa pang aktibista sa distrito ng Doda sa estado ng Jammu at Kashmir sa hilagang-silangan ng India. Nangyari ang mga pang-aaresto sa nagdaang linggo. Binansagan silang “anti-nasyunal” sa bisa ng Public Safety Act (PSA) dahil sa pagtindig nila para sa kalikasan at kagubatan. Katulad na kaso rin umano ang ginamit laban sa mga estudyanteng inaresto sa estado ng Assam sa hilagang-kanluran ng India. “Sa buong bansa, ang ‘kaunlaran’ ay ginagamit lamang bilang panabing sa malawakang pagpapalayas sa mga lokal, walang tigil na pagsasamantala sa likas na yaman at pagwasak sa kalikasan,” pahayag ng CASR. Nanawagan ang CASR na ibasura ang PSA at ang mapanupil na Unlawful Activities Prevention Act (UAPA) na ginagamit laban sa mga aktibista at progresibo. “Mahalaga ang pagbabasura sa mga kasong ito para sa panunumbalik ng demokrasya sa mga rehiyong ito,” pahayag ng CASR. https://philippinerevolution.nu/angbayan/6-na-aktibsita-sa-chhattisgarh-dinukot-ng-mga-pwersa-ng-estado-ng-india/05:39:41
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoHigit 600 estudyante, nagprotesta sa UP Visayas November 16, 2024 Nagmartsa ang higit 600 estudyante ng University of the Philippines (UP) Visayas sa kampus nito sa Miag-ao, Iloilo noong Nobyembre 15 upang iparating sa administrasyon ng unibersidad ang kanilang mga hinaing at kahingian. Sigaw ng iba’t ibang mga grupo, organisasyon at konseho sa martsa: “Do better UPV!” Ang pagkilos ng mga estudyante ay itinaon sa nalalapit na paggunita sa National Students’ Day (NSD) sa Nobyembre 17. Binuo ng mga konseho ng mag-aaral, partidong pampulitika, publikasyon, mga organisasyon at samahan sa loob ng UP Visayas ang tinawag nitong NSD Student Walkout Agenda na inihapag sa administrasyon. Ayon sa komite ng NSD, ang adyenda ay resulta ng puspusang konsultasyon at pakikipagpulong sa mga estudyante ng UP Visayas. Kabilang sa mga isyung tinalakay sa adyenda ang mga espasyo sa kampus, pagpapalakas sa awtonomiya ng mga estudyante, sapat na pasilidad at rekurso, pagtindig laban sa UP Declaration of Cooperation sa AFP, pagtutol sa kaltas badyet at pagkontra sa mandatory ROTC. Isinali rin sa adyenda ang panawagan ng mga empleyado at guro ng uniberisdad. Kaugnay nito, ipinanawagan ng mga estudyante sa administrasyon na magkaroon ng isang dayalogo para pakinggan ang kanilang mga hinaing. “Naniniwala kami na sa pamamagitan ng bukas na dayalogo at kahandaang makipag-usap sa mga estudyante, posibleng matugunan ang mga mahahalagang isyu na ito,” ayon sa kanilang pahayag. Sa pagtatapos ng pagkilos, sama-samang inihatid ng mga lider-estudyante ng UP Visayas ang adyenda ng mga kabataan sa upisina ng tsanselor. Ayon sa komite ng NSD, malinaw na ipinamalas ng kanilang pagkilos ang “numero sa likod ng mga apela, [ang] numero na paulit-ulit [na] binibigo.” Pahayag naman ni UP Visayas USC Chairperson Anton Quilantang, patunay ang pagkilos ng kolektibong lakas ng mga estudyante. “Naipakita natin na dapat tayo ay pakinggan bilang pinakamalaking sektor ng pamantasan. Nawa’y ang nabuo nating mga alliances, demands, at calls ay magpapatuloy at patuloy nating bitbitin hanggang sa maipanalo natin ang mga ito,” aniya. Samantala, nagkaroon din ng pagkilos ang mga estudyante ng West Visayas State University sa kampus nito sa La Paz, Iloilo City noong hapon. Sinundan ito ng isang martsa ng iba’t ibang grupo ng mga estudyante at kabataan tungo sa kapitolyo ng Iloilo para ihayag ang paglaban para sa kanilang mga demokratikong karapatan. Pinangunahan ang pagkilos ng Western Visayas Youth and Students Alliance. https://philippinerevolution.nu/angbayan/higit-600-estudyante-nagprotesta-sa-up-visayas/05:40:20
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoCBA sa PhilFoods, nilalabag ng kapitalista November 16, 2024 Nagprotesta noong Nobyembre 11 ng umaga ang mga manggagawa ng Philfoods Fresh Baked Product Inc sa Laguna International Industrial Park (LIIP) sa Biñan, Laguna. Sa pangunguna ng kanilang unyon na PPFBPI-OLALIA-KMU, nanawagan sila sa kapitalista na tuparin ang napagkasunduang mga probisyon sa napirmahan na collective bargaining agreement (CBA). Ayon sa Pamantik, panrehiyong balangay ng Kilusang Mayo Uno sa Southern Tagalog, partikular sa itinulak ng mga manggagawa ang pagbibigay ng retroactivity at meal allowance. Anito, nagtungo ang unyon sa upisina ng National Conciliation and Mediation Board para panagutin ang kapitalistang PhilFoods sa naturang mga paglabag. Mula nang maitayo ang unyon noong Setyembre 2023, naging tuluy-tuloy ang mga pakikibaka ng mga mangagagawa dito. Noong unang hati ng 2024, nanindigan ang unyon laban sa paulit-ulit na deadlock sa negosasyon para sa CBA na nagsimula noong Enero. Ang Philfoods Fresh Baked Product Inc ay kapatid na pagawaan ng Gardenia Bakeries, isang multinasyunal na kumpanya. Nagmamanupaktura ito ng tinapay at iba pang baked goods. https://philippinerevolution.nu/angbayan/cba-sa-philfoods-nilalabag-ng-kapitalista/05:40:49
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoPetisyon para sa writ of amparo at habeas data, inihain ng mga kaanak ng 2 dinukot sa Albay November 16, 2024 Naghain ng petisyon para sa writ of amparo at habeas data ang mga pamilya nina James Jazmines at Felix Salaveria Jr at kanilang mga abugado sa Korte Suprema noong Nobyembre 14. Ang 66-anyos na si Salaveria ay dinukot noong Agosto 28 habang si Jazmines naman ay dinampot ng mga ahente ng estado noong Agosto 23, pareho sa Tabaco City, Albay. Ang writ of amparo ay isang ligal na remedyo para sa mga taong nilabag ang karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad o may banta ng “labag sa batas na aksyon o kawalang aksyon ng pampublikong upisyal o empleyado, o ng pribadong inidibidwal o entidad.” Kung kakatigan ng korte ang petisyon, ipagkakaloob ang pansamantalang proteksyon sa mga kaanak at kapamilya ng mga biktima. Pagbabawalan ng korte ang mga pinangalangan na mga respondent sa petisyon na lumapit sa kanila nang isang kilometro. Samantala, ang writ of habeas data naman ang magtutulak sa mga pwersa ng estado na isiwalat ang lahat ng impormasyon na hawak nito kaugnay ng mga dinukot. Sa petisyon ng mga kaanak nina Jazmines at Salaveria Jr, pinangalanan nila bilang respondent sina Philippine National Police (PNP) Chief Francisco D. Marbil, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Romeo S. Brawner, CIDG Director PBGen. Nicolas D. Torre III, Regional Director of Police Regional Office V PBGen. Andre Perez Dizon, Albay Police Provincial Director PCol. Julius C. Añonuevo, Chief of the CIDG Regional Field Unit 5 PCol. Ivy Castillo at Chief of Tabaco City Police Station PLt. Col. Edmundo A. Cerillo (OIC). Kauna-unahang pagkakaton rin na tahasang pinangalanan sa petisyon sina Ferdinand Marcos Jr at Executive Secretary Lucas Bersamin. Ayon sa mga kaanak, naghain na sila ng petisyon dahil ginawa na nila ang lahat ng makakaya at paraan para subukang tuntunin ang lokasyon ng mga dinukot na aktibista. Kabilang dito ang pagbisita sa mga kampo militar at istasyon ng pulis. Sa imbestigasyon ng mga abugado at grupo sa karapatang-tao, natunton nila ang isang bidyo na kuha ng CCTV kung saan kitang-kita ang pagdukot kay Salaveria habang nakamanman ang iba pa. Kumbinsido sila na sistematiko at organisado ang pagdukot at gawa ito ng mga pwersa ng estado. Hindi nalalayo ang manera sa iba pang katulad na pagdukot ng mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatang-tao. “Hindi pupwedeng manahimik lamang si Marcos Jr at maghugas-kamay sa lahat ng mga padukot na ito,” pahayag ng ikalawang pangkalahatang kalihim ng Karapatan na si Atty. Maria Sol Taule. Aniya, malinaw na isinagawa ang mga sapilitang pagwawala batay sa mga patakaran ng rehimeng Marcos. https://philippinerevolution.nu/angbayan/petisyon-para-sa-writ-of-amparo-at-habeas-data-inihain-ng-mga-kaanak-ng-2-dinukot-sa-albay/05:41:28
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoBagong CBA, naipanalo ng mga manggagawa sa Daiwa Seiko Philippines November 17, 2024 Isang araw matapos ang nag-anunsyo ng planong welga ang mga manggagawa ng Daiwa Seiko Philippines Corporation, kaagad nakipagkasundo ang kapitalista ng kumpanya sa Malayang Unyon ng DSPC-Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture-Kilusang Mayo Uno (MUDSPC-OLALIA-KMU) sa isang bagong collective bargaining agreement (CBA) na naunang inantala at binarat ng kumpanya. Bumoto pabor sa welga ang unyon noong Nobyembre 12 at pinirmahan ang CBA noong Nobyembre 13. Nakakuha ng 179 na botong “yes” ang unyon at isang “no” para sa welga dahil sa pambabarat ng kapitalista sa kanilang CBA. Nagkaroon rin ng kilos protesta sa pagawaan ang unyon sa araw na iyon. Bago nito, halos linggo-linggo ang sama-samang pagkilos ng mga manggagawa sa pangunguna ng unyon. Bunga ng mga pagkilos, nakamtan nila ang dagdag-sahod, iba pang mga benepisyo at karapatan. Nakuha nila ang tig-₱50 umento para sa 2024 at 2025 habang tiniyak rin ang ₱21 dagdag sahod alinsunod sa pagtaas ng minimum na sahod sa Region IV-A na atas ng gubyerno. Naipanalo ng unyon ang ₱47,000 signing bonus. Natiyak rin ng unyon ang seguro sa pagreretiro, pagkakasakit, at kamatayan ng manggagawa. Nakasaad rin sa kasunduan na ipatutupad sa CBA ang iba pang mga napag-usapan sa antas ng planta at sa National Conciliation and Mediation Board. Sa pagkakabuo ng CBA, nalutas na rin ang inihain na Notice of Strike at pagboto para sa welga ng unyon. “Tagumpay ‘pag sama-sama at nasa tamang pag[panawagan] sa kapitalista,” pahayag ng isang manggagawa ng kumpanya. Ang Daiwa Seiko ay lumilikha ng mga pyesang plastik at mga parte ng sasakyan. Ang pagawaan ng mga kumpanya ay matatagpuan sa loob ng Laguna International Industrial Park sa Biñan, Laguna. https://philippinerevolution.nu/angbayan/bagong-cba-naipanalo-ng-mga-manggagawa-sa-daiwa-seiko-philippines/ 05:42:27
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoPaaralang Jose Maria Sison, lumalarga sa pambansang kabisera November 17, 2024 Patuloy ang pagsisikap ng mga pambansa-demokratikong organisasyon sa National Capital Region (NCR) para ipalaganap ang Paaralang Jose Maria Sison (JMS) at iba pang katulad na programa sa pag-aaral upang abutin ang mas maraming mamamayan. Muling inilunsad noong Oktubre ang Paaralang JMS. Noong Nobyembre 12, naging paksa ng ikalawang serye ng pag-aaral ang Espesyal na Kurso para sa Manggagawa (ESKUM Manggagawa) na isinagawa sa Novaliches, Quezon City kung saan dumalo ang mga kabataan-estudyante at mga manggagawa. Ayon sa ulat ng Manila Today, naging katuwang ng Paaralang JMS sa paglulunsad ng pag-aaral ang Paaralang Crispin Beltran (PCB). Napapanahong tinalakay ang kalagayan ng mga manggagawa at kanilang pakikibaka sa pag-aaral dahil sa nalalapit na paggunita sa araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio sa Nobyembre 30. Tinatawag ring Araw ng Anakpawis ang araw na iyon. Sa ulat ng Manila Today, binuksan ni Andrea Trinidad, ang prinsipal at pangunahing instruktor ng PCB, ang pag-aaral. Kabilang sa dumalo sa pag-aaral ang mga kasapi ng University Hotel Workers Union ng University of the Philippines-Diliman. Nagbahagi ang pangulo ng unyon na si Boying Samonte ng kanilang karanasan bilang mga manggagawa at kasalukuyan nilang pakikibaka laban sa maneydsment ng hotel. “Sa amin malala ang flexible working time at pati yung mga trabaho kasi nagiging all-rounder ka…konti ang hina-hire kahit sa peak time na maraming customer ang dumadagsa,” pahayag ni Samonte sa panayam ng Manila Today. Ipinaliwanag niya ang kawalan ng kabayaran para sa kanilang obertaym at iba pang mga karapatan. Nakiisa sa naturang pag-aaral ang mga myembro ng Defend Jobs Philippines, Kilusang Mayo Uno, Kabataan Partylist-NCR, League of Filipino Students-NCR at Sining Bugkos. Samantala, tinalakay ng Paaralang JMS noong Oktubre 19 ang usapin sa tunay na reporma sa lupa bilang bahagi ng paggunita sa Buwan ng mga Magsasaka. Inilunsad ito sa isang komunidad sa North Caloocan. https://philippinerevolution.nu/angbayan/paaralang-jose-maria-sison-lumalarga-sa-pambansang-kabisera/05:42:55
@andressilang:matrix.orgAndres SilangFLORIDA SIBAYAN: TRAITOR TO THE PEASANTRY AND FILIPINO PEOPLE! Florida Sibayan, former Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Hacienda Luisita, accompanied by elements of the AFP and NTF-ELCAC conducted a targeted visit against peasant leaders in the Hacienda Luisita. Florida "Pong" Sibayan was arrested November 15, 2017 during a protest commemoration of the Hacienda Luisita Massacre. While national-democratic groups were calling for her release, she betrayed the peasant cause to support the reactionary government making her a traitor to the Filipino people. According to national-democratic youth group Anakbayan, she was along with 6 military elements who wanted to talk to a Samahan ng mga Kabataang Demokratiko sa Asyenda Luisita (SAKDAL) member who was profiled during this year's demonstration. AFP elements also conducted intimidation drills on other peasant leaders who joined in the Hacienda Luisita Massacre commemoration. https://bsky.app/profile/kaliwaph.bsky.social/post/3lbaayu5usk2k15:46:14
20 Nov 2024
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoDownload your copy of the latest Agham Bayan! https://philippinerevolution.nu/2024/11/18/agham-bayan-november-2024/01:22:40
@kabisay:matrix.orgKa BisayMaayong buntag sa lahat 🥰22:26:14
23 Nov 2024
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoR4, pistola at 14 na bakpak ng militar, nasamsam ng BHB sa Bukidnon, Agusan del Sur November 23, 2024 Nasamsam ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Bukidnon ang isang R4, pistola at iba pang mga kagamitang pandigma sa dalawang armadong aksyon noong Oktubre. Naisagawa ang mga aksyong ito sa kasagsagan ng mga focused military operations ng mga batalyon ng Armed Forces of the Philippines sa rehiyon. Noong Oktubre 24, inambus ng mga mandirigma ng BHB ang nag-ooperasyong tropa ng AFP sa Namnam River, Purok 7, Sityo Mahayag, Barangay St. Peter, Malaybalay City, Bukidnon. Tatlo ang napatay sa mga pasistang sundalo at nasamsam sa kanila ang isang R4, vest at mga magasin, pistola, 10 bakpak ng militar, mga bala at iba pang suplay. Noong Oktubre 14, inatake ng BHB ang tropa ng 26th IB sa Sityo Kimam, Barangay Binicalan, San Luis, Agusan del sur. Nasamsam sa mga sundalo ang apat na bakpak at mga kagamitang militar. Sa panahon na iyon, papasok ang mga pwersa ng 26th IB sa lugar para salakayin ang inalisang kampo BHB ng mga Pulang mandirigma. Sa halip, ang mga sundalo ang natambangan. Sa parehong barangay, na-engkwentro ng BHB ang 26th IB noong Oktubre 22. Namartir sa naturang labanan si Ike Dahonay (Ka Tres). Hindi bababa sa limang sundalo ng 26th IB ang tinatayang napaslang habang marami pang ibang nasugatan ayon sa yunit ng BHB. Sa ulat ng 4th ID, kabilang sa mga nasugatan si Sergeant Rene S. Mansulonay at CAA Faith Seith C. Pinadanag. https://philippinerevolution.nu/angbayan/r4-pistola-at-14-na-bakpak-ng-militar-nasamsam-ng-bhb-sa-bukidnon-agusan-del-sur/04:11:48
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoAng Bayan November 21, 2024 Videos Sa madaling salita: https://philippinerevolution.nu/wp-content/uploads/2024/11/20241121.ang-bayan-sa-madaling-salita.mp4 AB Headlines: https://philippinerevolution.nu/wp-content/uploads/2024/11/20241121.ang-bayan-headlines.mp4 AB Editorial: https://philippinerevolution.nu/wp-content/uploads/2024/11/20241121.ang-bayan-editoryal.mp405:06:07
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoGinang, pinaslang ng militar at CAFGU sa Sorsogon November 23, 2024 Sapilitang pinasok ng dalawang armadong lalaki na hinihinalang mga tauhan ng Armed Forces of the Philipippines (AF) ang bahay ng pamilya Herrera noong Nobyembre 2 ng gabi sa Sityo Balogo, Barangay Cristo, Donsol, Sorsogon. Pinagbabaril at pinatay ng mga berdugo si Honeylet Herrera sa loob ng kanyang bahay sa paratang na may kaugnayan siya sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ayon sa BHB-Sorsogon (Celso Minguez Command), posibleng ganting salakay ito ng militar sa komunidad kasunod ng pagparusa sa ahente sa paniktik na si Darius Laya noong huling linggo ng Oktubre. Sangkot si Laya sa pagkakanulo sa mga kababaryo at pagtuturo sa mga sibilyan, kabilang si Herrera, na may ugnayan sa hukbong bayan. Naulila ni Herrera ang kanyang asawa at isang anak. “Ang mga militar at CAFGU ang may malinaw na intensyong paslangin si [Herrera] na may layuning maghasik ng takot sa mamamayan,” ayon kay Ka Samuel Guerrero, tagapagsalita ng BHB-Sorsogon. Ani Ka Samuel, dapat kundenahin ang pagbaling ng militar at CAFGU sa mga sibilyan tuwing may napapaslang sa kanilang hanay sa mga lehitimong operasyong militar. Ang aksyong ito ay lubhang paglabag sa internasyunal na makataong batas. “Ipinapaabot ng BHB-Sorsogon at buong rebolusyonaryong kilusan ang taos-pusong pakikiramay sa pamilyang naiwan ni [Herrera],” aniya. Nangako rin ang yunit na ipagpapatuloy nito ang paghahanap ng hustisya para kay Herrera at sa laksa-laksang biktima ng terorismo ng estado. Hinikayat ng yunit ang masang Sorsoganon na pahigpitin ang pagkakaisa para tutulan at ilantad ang mga krimen ng berdugong AFP-CAFGU. Nanawagan din sila sa mga residenteng may nalalamang impormasyon sa mga salarin sa pagpatay para sa ikalulutas ng kaso at upang mapabilis ang pagkakamit ng hustisya. Samantala, tusong nagsagawa ng rali ang 31st IB sa Batangay Cristo laban sa rebolusyonaryong kilusan noong Nobyembre 3 para tabunan ang kanilang krimen. Pinilit nito ang mga upisyal ng barangay at residente na lumahok sa “rali para sa kapayapaan.” https://philippinerevolution.nu/angbayan/ginang-pinaslang-ng-militar-at-cafgu-sa-sorsogon/15:33:32
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoMga mambabatas mula sa 70 bansa, dumalo sa pandaigdigang porum kontra pasismo November 23, 2024 Higit 300 mambabatas mula sa 70 bansa ang nagtipun-tipon at nakiisa sa World Anti-Fascist Parliamentary Forum na inilunsad sa Caracas, Venezuela noong Nobyembre 4-5. Ipinatawag at pinangunahan ang aktibidad ng Pambansang Asembleya ng Venezuela. Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan at mambabatas mula sa Algeria, Mexico, Belize, the Netherlands, Barbados, Bolivia, Ecuador, Panama at Colombia, Cuba, China, Russia, Iran, Palestine, at iba pang mga bansa mula sa Africa, Latin America at Europe. Dumalo rin ang mambabatas mula Pilipinas na si Rep. France Castro ng ACT Teacher’s Party-list. Idineklarang mayor na layunin ng pagtitipon ang likhain ang masaklaw na pandaigdigang diskusyon sa pagtatanggol sa soberanya ng mga bansa at pagbubuo ng isang higit na makatarungan at patas na daigdig. Nagbuo ang mga delegado ng kongkretong mga plano para tugunan ang kasalukuyang mga suliranin na kinahaharap sa buong daigdig at ipagtanggol ang mga prinsipyo ng demokrasya at karapatang-tao. Naging paksa sa mga talakayan ang parlamentaryong demokrasya para sa kapayapaan; ang ugnayan sa pagitan ng imperyalismo, pasismo at Zionismo; blokeyong ipinapantaw sa maraming bansa; ang pagtatanggol sa karapatang-tao; at iba pang kaugnay na paksa. Ibinahagi ni Rep. Castro sa kanyang talumpati sa pagtitipon ang karanasan sa pasismo ng estado sa Pilipinas. Naging target si Rep. Castro ng iba’t ibang tipo ng pasistang panunupil mula noong organisador siya ng Alliance of Concerned Teachers hanggang ngayong kinakatawan na niya ng ACT Teachers Partylist sa Kongreso. Si Castro at 14 na iba pa ay di makatarungang hinatulang maysala ng isang korte sa Tagum City noong Hulyo 2024 sa kaso ng pagsasapanganib sa mga menor de edad. Kaugnay ito sa pagsaklolo nila, kasama ng iba pa, sa mga guro at 14 estudyante sa Sityo Dulyan, Barangay Palma Gil, Talaingod Davao del Norte, na naipit sa militarisasyon at panggigipit sa kanilang komunidad. Malaon nang binatikos ang hatol ng mga grupo sa karapatang-tao bilang gawa-gawa at tahasang panunupil sa kanyang mga adbokasiya. Ang pagtitipon ng mga mambabatas ay kaugnay ng inilunsad ng mamamayan at gubyerno ng Venezuela ang Pandaigdigang Kongreso laban sa Pasismo, Neopasismo at Katulad na mga Ekspresyon noong Setyembre. Hindi bababa sa 1,200 mga delegado, kabilang ang 500 internasyunal na delegado, mula sa 95 mga bansa ang lumahok sa kongreso. Dumalo dito ang kinatawan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-mambabatas-mula-sa-70-bansa-dumalo-sa-pandaigdigang-porum-kontra-pasismo/15:33:59
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoSerye ng mga aktibidad laban sa mga base militar ng US, inilunsad sa Japan November 23, 2024 Matagumpay na naisagawa ng Asia-Wide Campaign against U.S.-Japanese Domination and Aggression in Asia o AWC-Japan at mga kaanib nitong organisasyon ang dalawang araw na aktibidadd laban sa base militar ng US sa Iwakuni, Yamaguchi prefecture noong Nobyembre 16-17. Dinaluhan ito ng mga lider ng mga progresibong unyon na naniniwalang dapat labanan ng mga manggagawang Japanese ang mga patakaran ng kanilang gubyerno na may kaugnayan sa digmaan kabilang ang pagpapalakas ng mga base militar. Sa unang araw, nagkaroon ng porum kung saan ibinahagi ng mga manggagawa ang kaugnay na mga kampanya ng iba’t ibang mga unyon. Dumalo rin sa porum ang aktibista mula sa Okinawa Island, Miyako at Iwakuni, mga lugar na tinayuan ng US ng masasaklaw na base militar. Sa ulat ng AWC, ibinahagi ng mga taga-Okinawa ang araw-araw na protesta ng mamamayan dito laban sa pagtatayo ng bagong base ng US Marine. Ang mamamayan naman sa Miyako Island, na malapit sa Taiwan, ay patuloy na lumalaban sa malawakang pagtatalaga ng Japanese Self-Defense Forces sa isla. Samantala, isang aktibista sa kapayapaan mula sa Soseong-ri, South Korea ang nagbahagi ng kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pakikibaka laban sa base ng US THAAD doon sa pamamagitan ng Zoom. Sa pangalawang araw, ayon sa ulat, isinagawa ng mga grupo ang isang pagkilos sa harap ng US Marine Air Station Iwakun. Isa ito sa pinakamalaking base miliar ng US sa Japan, kung saan nakabase ang humigit-kumulang 130 US fighter jets. “Nagdurusa ang mga lokal na residente (dito) sa sobrang ingay at mga krimen ng mga sundalong Amerikano, kabilang ang sekswal na pang-aatake ng mga ito,” ayon sa AWS. Mula pa 2016, taun-taong nagsasagawa ang mga residente ng protesta laban sa baseng. Kasalukuyan nilang tinututulan ang pagpapalawak ng US sa naturang base nang 1.4 beses para ilatag ang bagong lapagan sa paliparan at pagtatayo ng isang malaking kompleks sa loob nito. Nakiisa sa pagkilos ang AWS-Korea na nanawagan para sa koordinadong kampaya laban sa tatluhang alyansang militar ng US-Japan-South Korea. Lumahok din sa pagkilos ang MIGRANTE-Japan na nagsalita kaugnay sa kahalagahan ng pakikibaka laban sa Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement (RAA) at pagpapadala ng mga tropang Japanese sa ibang bansa. Panawagan nila ang “Ibasura ang alyansang militar ng US-Japan!”, “Itigil ang pagpapalawak ng militar sa buong bansa!” at “Palayasin ang mga tropang US sa Iwakuni, Okinawa at sa lahat ng lugar!” Tinuligsa rin nila ang papel ng US sa henosidyo sa Israel at nakiisa sa mamamayan ng Palestine. Samantala, idinaos ang taunang protesta laban sa US X-band radar base sa Kyotango city, Kyoto prefecture noong Nobyembre 19. Nilahukan ito ng Kinki Coalition against the US X-band Radar Base. https://philippinerevolution.nu/angbayan/serye-ng-mga-aktibidad-laban-sa-mga-base-militar-ng-us-inilunsad-sa-japan/15:34:28
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoMga grupong maka-kapayapaan, nagtipon sa unang taong anibersaryo ng GRP-NDFP Oslo Joint Declaration People's Struggles, Politics Ang Bayan Ngayon | November 23, 2024 Nagsagawa ng isang kumperensyang pang-Luzon ang mga grupo at indibidwal sa pangunguna ng Council of Leaders for Peace Initiatives (CLPI) noong Nobyembre 21 sa Philippine Christian University sa Maynila. Ginunita sa pagtitipon ang isang taong anibersaryo ng Oslo Joint Statement ng Gubyerno ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of Philippines (NDFP) na nilagdaan noong Nobyemre 23, 2023. Inilunsad ang aktibidad sa pakikipagtulunga sa Citizens Alliance for Just Peace, na binubuo ng Philippine Ecumenical Peace Platform, Pilgrims for Peace at Waging Peace. Layunin ng pagtitipon, na pinangalanang “PISTOKS: People’s Initiative and Solidarity Towards Kapayapaan,” ang pagsusulong ng karapatang-tao, katarungan at kalayaan. “Patuloy kaming umaasa sa pangunahing mga punto ng Joint Statement kaugnay sa kaseryosohan ng dalawang Partido na tugunan ang mga ugat ng armadong tunggalian, at …makamit ang pinal na kasunduan sa kapayapaan sa pamamagitan ng negosasyon,” pahayag ng grupo. Mula sa kaisahang ito, umaasa ang CLPI na “magkaisa sa isang balangkas (ang dalawang Partido) para simulan muli ang mga negosasyon” at “malampasan ang natitirang mga balakid.” Sa parehong panahon, nag-aalala sila sa na may “ilang bahagi ng GRP” na naniniwalang ang pinatinding operasyon laban sa insurhensya at mga proyektong “kaunlaran” sa mga barangay, kasabay ang programa ng pekeng pagpapasuko, ay sapat para wakasan ang armadong tunggalian. “Sa halip, ang ganitong mga operasyon, proyekto, at programa ay nagreresulta sa higit pang paglabag sa karapatang-tao, agresyon sa kabuhayan, katiwalian, at pagtaas ng hidwaan sa lipunan sa mga kanayunan at kalunsuran,” ayon sa grupo. Ang tinutukoy rito ang Barangay Development Program ng NTF-Elcac, at E-CLIP ng Armed Forces of the Philippines. Magkatuwang ang AFP at NTF-Elcac sa pasistang pananalasa sa daan-daang baryo sa kanayunan, kahit sa gitna ng mga kalamidad. Batid ng grupo na ang panlipunang ligalig, kasama na ang armadong paglaban, ay di maikakailang bunga ng di pagkakapantay-pantay, kawalan ng panlipunang hustisya at hindi gumaganang demokrasya. Panawagan nila sa parehong Partido na “doblehin ang mga pagsisikap at pabilsiin ang proseso ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.” Nanawagan sila para sa mga hakbang para mabuo ang tiwala at kumpyansa sa pagitan ng dalawang Partido para masimulan ang proseso. “Nababahala kami sa kamakailang mga pag-aresto sa tatlong NDFP consultant na saklaw ng mga garantiya sa kaligtasan at immunity na kinakailangan at susi para makabalik ang dalawang Partido sa negosasyon,” pahayag pa ng grupo. Panawagan nilang kagyat na palayin ang tatlo at iba pang mga konsultant na inaresto at ikinulong mula nang itigil ng rehimeng Duterte ang usapang pangkapayapaan noong 2017. “Nababahala rin kami sa mga kamakailang insidente ng sapilitang pagkawala ng mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatang pantao at kalikasan,” anito. “Ito ay salungat sa kapayapaan.” Iminungkahi ng grupo ang pagtigil ng mga operasyong militar laluna sa gitna ng mga sakuna. https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-grupong-maka-kapayapaan-nagtipon-sa-unang-taong-anibersaryo-ng-grp-ndfp-oslo-joint-declaration/ 15:36:12
@prwc_info:matrix.orgprwc_info * Mga grupong maka-kapayapaan, nagtipon sa unang taong anibersaryo ng GRP-NDFP Oslo Joint Declaration Ang Bayan Ngayon | November 23, 2024 Nagsagawa ng isang kumperensyang pang-Luzon ang mga grupo at indibidwal sa pangunguna ng Council of Leaders for Peace Initiatives (CLPI) noong Nobyembre 21 sa Philippine Christian University sa Maynila. Ginunita sa pagtitipon ang isang taong anibersaryo ng Oslo Joint Statement ng Gubyerno ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of Philippines (NDFP) na nilagdaan noong Nobyemre 23, 2023. Inilunsad ang aktibidad sa pakikipagtulunga sa Citizens Alliance for Just Peace, na binubuo ng Philippine Ecumenical Peace Platform, Pilgrims for Peace at Waging Peace. Layunin ng pagtitipon, na pinangalanang “PISTOKS: People’s Initiative and Solidarity Towards Kapayapaan,” ang pagsusulong ng karapatang-tao, katarungan at kalayaan. “Patuloy kaming umaasa sa pangunahing mga punto ng Joint Statement kaugnay sa kaseryosohan ng dalawang Partido na tugunan ang mga ugat ng armadong tunggalian, at …makamit ang pinal na kasunduan sa kapayapaan sa pamamagitan ng negosasyon,” pahayag ng grupo. Mula sa kaisahang ito, umaasa ang CLPI na “magkaisa sa isang balangkas (ang dalawang Partido) para simulan muli ang mga negosasyon” at “malampasan ang natitirang mga balakid.” Sa parehong panahon, nag-aalala sila sa na may “ilang bahagi ng GRP” na naniniwalang ang pinatinding operasyon laban sa insurhensya at mga proyektong “kaunlaran” sa mga barangay, kasabay ang programa ng pekeng pagpapasuko, ay sapat para wakasan ang armadong tunggalian. “Sa halip, ang ganitong mga operasyon, proyekto, at programa ay nagreresulta sa higit pang paglabag sa karapatang-tao, agresyon sa kabuhayan, katiwalian, at pagtaas ng hidwaan sa lipunan sa mga kanayunan at kalunsuran,” ayon sa grupo. Ang tinutukoy rito ang Barangay Development Program ng NTF-Elcac, at E-CLIP ng Armed Forces of the Philippines. Magkatuwang ang AFP at NTF-Elcac sa pasistang pananalasa sa daan-daang baryo sa kanayunan, kahit sa gitna ng mga kalamidad. Batid ng grupo na ang panlipunang ligalig, kasama na ang armadong paglaban, ay di maikakailang bunga ng di pagkakapantay-pantay, kawalan ng panlipunang hustisya at hindi gumaganang demokrasya. Panawagan nila sa parehong Partido na “doblehin ang mga pagsisikap at pabilsiin ang proseso ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.” Nanawagan sila para sa mga hakbang para mabuo ang tiwala at kumpyansa sa pagitan ng dalawang Partido para masimulan ang proseso. “Nababahala kami sa kamakailang mga pag-aresto sa tatlong NDFP consultant na saklaw ng mga garantiya sa kaligtasan at immunity na kinakailangan at susi para makabalik ang dalawang Partido sa negosasyon,” pahayag pa ng grupo. Panawagan nilang kagyat na palayin ang tatlo at iba pang mga konsultant na inaresto at ikinulong mula nang itigil ng rehimeng Duterte ang usapang pangkapayapaan noong 2017. “Nababahala rin kami sa mga kamakailang insidente ng sapilitang pagkawala ng mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatang pantao at kalikasan,” anito. “Ito ay salungat sa kapayapaan.” Iminungkahi ng grupo ang pagtigil ng mga operasyong militar laluna sa gitna ng mga sakuna. https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-grupong-maka-kapayapaan-nagtipon-sa-unang-taong-anibersaryo-ng-grp-ndfp-oslo-joint-declaration/ 15:36:21
24 Nov 2024
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoNPA ambush in Bukidnon nets firearms, packs Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines November 23, 2024 With the boundless support of the peasant and indigenous minorities of Bukidnon, a unit of the New People’s Army (NPA) staged a successful ambush against the fascist troops of the Armed Forces of the Philippines last October 24 in Purok 7, Sitio Mahayag, Barangay Saint Peter, Malaybalay City, Bukidnon. According to a belated report, the NPA was able to seize an R4 high-powered rifle, a vest and magazines, a glock pistol, 10 military packs, scores of ammunition and other supplies. At least three enemy forces were killed in action. Other soldiers scampered away. The Communist Party of the Philippines (CPP) hails and commends the Red fighters for their bravery and guerrilla prowess. The ambush is a strong response to the people’s demand for justice and an end to the AFP’s reign of unmitigated terrorism in Bukidnon and other parts of the country. The tactical offensive is an clear demonstration of the NPA’s determination to wage armed resistance against the superior enemy force. The NPA is ever committed to fight with the people to defend the economic, political and cultural rights of the peasant and minority masses, especially against the all-out aggression by multinational corporations that are grabbing farmlands and ancestral lands, accompanied by the fascist militarization of local communities. In another report, an NPA unit successfully foiled an attempted raid by combat troops of the AFP’s 26th Infantry Battalion against an NPA camp in Sitio Kimam, Barangay Binicalan, San Luis, Agusan del Sur last October 14. Alerted by the local masses, the NPA Red fighters quickly packed-up the camp and took position for an ambush. The raiding soldiers were forced to retreat and abandon four military packs. In another encounter in the same barangay last October 22, the same rampaging battalion of the AFP suffered heavy casualties, with five killed in action. The Party and NPA mourn the loss of Red fighter Ike Dahonay (Ka Tres), who made the ultimate sacrifice for the people’s struggle for national democracy. https://philippinerevolution.nu/statements/npa-ambush-in-bukidnon-nets-firearms-packs/ 10:00:06
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoUS-orchestrated Ukraine strikes in Russia escalate war and threaten wider conflict Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines November 24, 2024 The Communist Party of the Philippines (CPP) condemns in the strongest terms the imperialist US government for further escalating the war in Ukraine when it ordered last week the use of Army Tactical Missile System (ATACMs) supplied by the US to strike deep into Russia. The order, veiled in the euphemism of “authorizing” the use of US weapons, was swiftly carried out by the Zelensky government when it fired at least six long-range missiles against a military facility in the Bryansk region, more than 110 kilometers within the Russian territory. Russia claims to have intercepted five of the six missiles. The following day, Ukraine fired a number of UK-supplied Storm Shadow (SCALP) long-range missiles which struck Russia’s Kurtsk region. The UK had also previously been “authorized” by the US to permit Ukraine to use the SCALP shadows. Also on November 20, the Biden government approved Ukraine’s use of anti-personnel land mines, weapons banned under the Ottawa Treaty. The US-orchestrated missile strikes last November 19 and 20 prompted Russia to retaliate by firing its “Oreshnik” missiles, a medium-range multi-warhead hypersonic missile last November 21, which struck an industrial complex in Ukraine’s Dnipro region that was producing missiles. Military analysts believe that by launching the nuclear-capable Oreshnik missile with only a conventional warhead, Russia wanted only to demonstrate its capacity as a warning to the US against further escalation. By directing Ukraine to carry out the missile strikes, the US imperialists revealed in no uncertain terms that the war in Ukraine is a proxy war that it is directing against its imperialist adversary Russia. The war obsession of the US imperialists is recklessly escalating the conflict in Ukraine and is increasing the risk of pulling more countries, including the US itself and its NATO allies, directly into the conflict. The US continues to prolong the war and prevent a peaceful resolution by supplying Ukraine with weapons and directing it to strike Russia. The war in Ukraine has already caused widespread devastation and large numbers of deaths and injuries to the working class and people of Ukraine and Russia, who are being pushed to the frontlines on both sides of the conflict. The Party and the Filipino people express solidarity with their common desire for a peaceful resolution to be immediately put into place. Both sides must revisit the 2015 Minsk agreement (the Minsk II which was negotiated with the participation of Germany and France) which, among others, calls for recognition of the autonomy of the Donbass region, in order to allow the peaceful existence of Ukraine and Russia. The Party calls on the peoples of the world to stand firm against the US imperialists for fueling the war in Ukraine, as well as in the Middle East, and for provoking armed conflicts in Asia, risking a more widespread conflagration that will bring immense suffering to peoples around the world. https://philippinerevolution.nu/statements/us-orchestrated-ukraine-strikes-in-russia-escalate-war-and-threaten-wider-conflict/23:40:20
25 Nov 2024
@anarky163:matrix.orgChuột Cống joined the room.17:17:30
26 Nov 2024
@stalin.07:matrix.orgThe Russian joined the room.11:54:44
@kobamolotov:matrix.orgkobamolotovRedacted or Malformed Event15:57:59
@kobamolotov:matrix.orgkobamolotov

Hello comrades

I have a question

If a foreigner wants to come to the Philippines and communicate with the various organizations of the Democratic Front, what capabilities should he have?
Like for example Poster design, graphic design, office experience…?

What do they need?

16:00:19
27 Nov 2024
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoIpagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng Kabataang Makabayan! Narito ang kopya ng logo para sa paggunita sa anibersrayo ng KM: https://postimg.cc/gallery/JzG0w6y11:20:59

Show newer messages


Back to Room ListRoom Version: 9