!rFwwssQXDcPigkitUZ:matrix.org

PRWC Newsroom

231 Members
News & updates on the Philippine revolution <philippinerevolution.nu> | <prwc@cpp.ph>9 Servers

Load older messages


SenderMessageTime
9 Jan 2025
@prwc_info:matrix.orgprwc_info Desisyon ng Korte Suprema laban sa iligal na pangrerekisa, kinilala ng mga tagapagtanggol sa karapatang-tao Ang Bayan Ngayon | January 08, 2025 Kinilala ng mga grupo at abugado sa karapatang-tao ang desisyon kamakailan ng Korte Suprema na nagpatibay sa konstitusyunal na karapatan laban sa iligal na pangrerekisa at pagkumpiska (unlawful search and seizure). Ayon sa desisyon, dapat nakalagay sa search warrant ang eksaktong lugar na hahalughugin. Kung wala ang impormasyong ito, maituturing na “general warrant” ang isang kautusan, at sa gayon ay labag ito sa konstitusyon. “Ang desisyong ito ay napakahalaga laluna bantog ang mga pwersa ng estado, kabilang ang mga husgadong walang prinsipyo, sa paglabag sa karapatang ito sa pamamagitan ng paglalabas at paghahain ng mga search warrant sa mga aktibistang target nilang gipitin,” pahayag ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan. Kabilang sa mga husgadong ito si Judge Jason Zapanta, na naglabas ng search warrant laban kay Erlindo Baez, isang lider-magsasaka, nang hindi man lamang nag-usisa sa mga pulis na humingi nito. Isa pa si Judge Cecilyn Burgos-Villavert, na tinaguriang “pabrika” ng mga depektibong mandamyento. Kabilang sa mga mandamyentong ito ang ginamit sa pangrerekisa sa upisina ng Bayan-Manila sa Tondo noong 2019. Ayon sa Karapatan, ang address na nakasaad sa warrant Barangay 183 pero ang nireyd ng mga pulis na upisina ay nasa Barangay 178. Gayundin, nakapangalan lamang ang warrant kay Ram Carlo Bautista, ang kampanyador ng Bayan-Maynila, pero nirekisa at kinumpiska pati ang gamit nina Alma Moran at Reina Mae Nacino. Silang tatlo ay inaresto sa gawa-gawang kaso. Matapos ang limang taong pagkakabilanggo, ibinasura ng korte ang kaso laban sa tatlo noong nakaraang taon. “Bilang isang organisasyon na humarap sa maraming kasong may kaugnayan sa gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms, ammunition at eksplosibo–mga kasong naisampa dahil sa itinanim na ebidensya–kinikilala namin ang kritikal na kahalagahan ng istriktong pagpapatupad ng mga konstitusyunal na pamantayan sa paglalabas ng mga search warrant,” pahayag ng National Union of People’s Lawyers. “Inaasahan naming masinsing maipatutupad ang desisyong ito.” Ang naturang desisyon ay kaugnay sa isang kaso ng pag-aresto ng isang suspek ng Philippine Drug Enforcement Agency noong 2017, kung saan ang nakalagay lamang sa search warrant ay “Informal Settler’s Compound” sa isang barangay sa Quezon City, at hindi ang address ng suspek. Sa gayon, ipinawalambisa ng Korte Suprema ang pag-aresto ng suspek na kunwa’y nakuhanan ng iligal na droga nang hinalughog ang kanyang bahay. Ayon sa Korte Suprema, masyadong malawak ang nakalagay sa mandamyento na “compound.” Gayundin, sinabi ng korte na maaari lamang pwersahang pumasok ang mga ahente ng gubyerno sa target nilang halughugin kung naipresenta sa suspek ang search warrant at tumanggi ito, para iwasan ang posibleng karahasan na maaaring sumiklab mula sa isang “unannounced entry” o walang pagpapaalam na pagpasok. https://philippinerevolution.nu/angbayan/desisyon-ng-korte-suprema-laban-sa-iligal-na-pangrerekisa-kinilala-ng-mga-tagapagtanggol-sa-karapatang-tao/01:00:23
@prwc_info:matrix.orgprwc_infoIka-56 na anibersaryo ng PKP, ipinagdiwang sa South Quezon Bondoc Peninsula Ang Bayan Ngayon | January 08, 2025 Simple, pero makabuluhan ang matagumpay na paglulunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon (Apolonio Mendoza Command) ang isang istilong kapehan na pagdiriwang ng ika-56 na anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas sa isang larangan sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP). Nagsilbi rin itong pagkakataon para parangalan ang mga martir ng Quezon sa nakaraang taon partikular si Divine “Ka Zoe” Sureta at Paolo “Ka Isko” Cruz na nagbuwis ng kanilang buhay noong Marso 28, 2024 sa bayan ng Guinayangan. Nagbigay ng pahayag ng pakikiisa ang mga bisitang dumalo na nagmula sa mga alyadong samahan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) kagaya ng Kabataang Makabayan at Artista at Manunulat para sa Sambayanan. Bago pa ang Kapehan ay nagbasa at nag-aral ang Pulang hukbo ng pahayag ng Komite Sentral at mensahe ng Kalihiman ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Southern Tagalog sa anibersaryo ng Partido. Pinagtibay ng mga pahayag at mensahe ang panawagang Magwasto at Sumulong! na siya ring tema ng Kapehan. Parte rin ng selebrasyon ang pagsasalo-salo sa kaunting handang pagkain, bahaginan ng karanasan sa nagdaang taon, pagbuburda, pagdodrowing, kantahan at pagbabasa ng ilang librong Marxista-Leninista-Maoista. Sa matagumpay na pagdiriwang ng anibersaryo ng PKP, napabulaanan muli ang deklarasyon ng rehimeng US-Marcos II na may iisa na lamang na mahinang larangang gerilya sa bansa. Nabigo ang patuloy na nag-ooperasyong tropa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa itinuturing nilang “insurgency-free” na lalawigan ng Quezon. https://philippinerevolution.nu/angbayan/ika-56-na-anibersaryo-ng-pkp-ipinagdiwang-sa-south-quezon-bondoc-peninsula/01:00:50
@prwc_info:matrix.orgprwc_info militopopolo: Good day! If you are online, we sent you a message on the private chat. Thank you. 02:21:50
@meowsayasijhuds:matrix.orgjamel
In reply to @prwc_info:matrix.org

Ika-56 na anibersaryo ng PKP, ipinagdiwang sa South Quezon Bondoc Peninsula
Ang Bayan Ngayon | January 08, 2025

Simple, pero makabuluhan ang matagumpay na paglulunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon (Apolonio Mendoza Command) ang isang istilong kapehan na pagdiriwang ng ika-56 na anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas sa isang larangan sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP).

Nagsilbi rin itong pagkakataon para parangalan ang mga martir ng Quezon sa nakaraang taon partikular si Divine “Ka Zoe” Sureta at Paolo “Ka Isko” Cruz na nagbuwis ng kanilang buhay noong Marso 28, 2024 sa bayan ng Guinayangan. Nagbigay ng pahayag ng pakikiisa ang mga bisitang dumalo na nagmula sa mga alyadong samahan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) kagaya ng Kabataang Makabayan at Artista at Manunulat para sa Sambayanan.

Bago pa ang Kapehan ay nagbasa at nag-aral ang Pulang hukbo ng pahayag ng Komite Sentral at mensahe ng Kalihiman ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Southern Tagalog sa anibersaryo ng Partido. Pinagtibay ng mga pahayag at mensahe ang panawagang Magwasto at Sumulong! na siya ring tema ng Kapehan.

Parte rin ng selebrasyon ang pagsasalo-salo sa kaunting handang pagkain, bahaginan ng karanasan sa nagdaang taon, pagbuburda, pagdodrowing, kantahan at pagbabasa ng ilang librong Marxista-Leninista-Maoista.

Sa matagumpay na pagdiriwang ng anibersaryo ng PKP, napabulaanan muli ang deklarasyon ng rehimeng US-Marcos II na may iisa na lamang na mahinang larangang gerilya sa bansa. Nabigo ang patuloy na nag-ooperasyong tropa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa itinuturing nilang “insurgency-free” na lalawigan ng Quezon.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/ika-56-na-anibersaryo-ng-pkp-ipinagdiwang-sa-south-quezon-bondoc-peninsula/

bangis! happy anib mga kazams!
06:41:51
@kabading:matrix.org@kabading:matrix.org joined the room.16:42:04
@kabading:matrix.org@kabading:matrix.org 16:44:40
@drsbaitso:matrix.orgdrsbaitso joined the room.17:23:47
13 Jan 2025
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

ICYMI: Ligal na mga kaso, patuloy na ginagamit ng NTF-Elcac para gipitin ang Karapatan, RMP at Gabriela
Ang Bayan Ngayon | January 09, 2025

Tinuligsa ng Karapatan ang patuloy na tinawag nitong “judicial harassment” ng National Task Force (NTF)-Elcac laban sa kanilang mga upisyal at sa mga lider ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) at Gabriela. Kaugnay ito ng panibagong tangka ni Ret. Gen. Hermogenes Esperon Jr at ng NTF-Elcac na mag-apela sa Court of Appeals noong Disyembre 2024 para baligatin ang pagbasura ng mga korte sa mga kasong perjury na isinampa sa kanila noon pang 2019.

Noong Enero 2023, apat na taon mula nang isinampa ang kaso, ipinawalang-sala ni Judge Aimee Marie B. Alcera ng Quezon City Metropolitan Court Branch 139 sa kasong perjury ang 10 na mula sa Karapatan, RMP, at Gabriela. Ang kasong perjury ay pumapatungkol sa pagsisinungaling o pagsasabi ng hindi totoo sa isang sinumpaang salaysay.

Tumanggi si Esperon na kilalanin ang desisyon ng korte at inakusahan ang huwes na “umabuso sa kanyang diskresyon.” Nagsampa ng motion for reconsideration si Esperon at NTF-Elcac noong Marso 2023 na sa katapusan ay pinagtibay ang naunang desisyon ng korte. Kasunod na dinala ni Esperon ang kaso sa Regional Trial Court noong Pebrero 2024 at muling pinagtibay ng korte ang desisyon. Noong Disyembre 2024, muli silang nag-apela.

“Matapos mahadlangan sa kanilang mga pagtatangka na baligtarin ang pagwawalang-sala sa antas ng MTC at RTC, nagtungo na sila sa Court of Appeals,” pahayag ng Karapatan. Tinawag ng pangkalahatang kalihim ng Karapatan na si Cristina Palabay ang hakbang bilang “desperasyon.”

“[Si Esperon] at ang kanyang kabal sa NTF-Elcac ay mayroong obsesyon na usigin kami, at hibang sa pag-iisip na magtatagumpay sila, sa kabila nang pagkatalo nila sa bawat hakbang sa kawalan ng merito,” ayon pa kay Palabay. Pagdidiin pa ng grupo, paglulustay lamang ito sa pondo ng publiko at pagsasayang ng oras ng korte.

Tinuligsa ni Palabay ang nagpapatuloy na panggigipit na ito laban sa kanilang mga tagapagtanggol ng karapatang-tao. “Ipinapanawagan namin na wakasan ang mga pag-atakeng ito at idinidiin ang panawagan na buwagin ang NTF-Elcac,” pahayag ni Palabay.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/ligal-na-mga-kaso-patuloy-na-ginagamit-ng-ntf-elcac-para-gipitin-ang-karapatan-rmp-at-gabriela/

01:25:26
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Panibagong pagtaas ng pamasahe sa LRT, pinahihinto
Ang Bayan Ngayon | January 09, 2025

Dagdag sa patong-patong nang pagtaas ng singil at presyo pagpasok ng taon ang plano ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang kumpanyang nagpapatakbo sa serbisyong LRT sa Maynila, na itaas ang pamasahe dito nang hanggang ₱12.50 kada byahe. Tinawag ang planong pagtaas na “walang puso” ni Ferdinand Gaite ng Bayan Muna sa gitna ng laganap na kahirapan ng mamamayan. Aniya, malinaw na walang pakialam ang kumpanya sa kalagayan ng mamamayan.

“Humihingi ito (LMRC) ng pagtaas ng pamasahe na aabot hanggang ₱12.50 bawat biyahe habang 63% ng mga pamilyang Pilipino ay nahihirapang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin,” ayon kay Gaite.

Sa panukala ng LRMC, tataas nang ₱8.65 ang pamasahe para sa maiiksing byahe, ₱6.02 para sa katamtamang byahe at ₱12.50 para sa malayuang byahe. Sa gayon, tataas mula ₱45 tungong ₱60 ang maksimum na pamasahe sa LRT.

“Hindi ito mga simpleng numero,” ayon sa mambabatas. “Para sa mga sumasahod ng minimum na umaasa sa LRT araw-araw, nangangahulugan ito ng mas kaunting pagkain sa mesa, mas kaunting pera para sa mga pangunahing pangangailangan.” Noong nakaraang taon, nagtaas rin ng singil ang LRMC.

Lumahok si Gaite, kasama ang mga kandidato pagkasenador ng Makabayan na sina Jerome Adonis, Mimi Doringo at Mody Floranda sa pagdinig ng Department of Transportation na isinagawa ngayong araw kaugnay sa plano ng LMRC.

“Nanawagan kami sa DOTr na tanggihan ang kontra-mahirap na petisyong ito. Dapat naghahanap ang gubyerno ng paraan para pagaanin ang pasanin ng mamamayang Pilipino, hindi dinaragdagan ang kanilang kahirapan. Ang pampublikong transportasyon ay serbisyo, hindi luho,” aniya.

Ang tantos na 63% na kahirapan ay batay sa sarbey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) noong Disyembre. Ayon sa SWS, tuluy-tuloy na tumaas ang “self-rated poverty” noong 2024, mula 46% noong Marso 2024, tungong 58% noong Hunyo at humantong sa 63% sa Disyembre, na pinakamataas mula 2009. Ang abereyds na tantos para sa buong 2024 ay 57%, mas mataas nang 9% sa 48% noong 2023 at 2022.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/panibagong-pagtaas-ng-pamasahe-sa-lrt-pinahihinto/

01:27:04
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Mga manggagawa ng Handyman-Robinsons, nagwelga
Ang Bayan Ngayon | January 11, 2025

Nagkasa ng welga ang mga manggagawa ng Handyman-True Value-Pet Lovers Empowered Workers Union (HANEP) noong Enero 6 sa pangunahing depot ng Handyman sa Manila Bay Spinning Mills Compound sa Marikina City. Natulak silang lumipat at itayo ang piket sa hedkwarters ng Robinsons Retail Holdings Inc. (RRHI), may-ari ng Handyman, sa Barangay Libis, Quezon City dahil sa iligal na pagbuwag sa kanilang welga.

Ang welga ay tugon ng unyon sa iligal na tanggalan sa hindi bababa sa 122 manggagawa ng Handyman-Robinsons noong Nobyembre 2024. Umaabot sa 4 hanggang 22 taon nang nagtatrabaho ang mga manggagawang tinanggal. Tinanggal sila ng RRHI dahil sa pagtataguyod sa kanilang unyon.

Nagmula ang panggigipit at union busting ng RRHI noong Mayo 2024 nang magdesisyon ang labor arbiter, sa pagtutulak ng unyon, na ang mga myembro ng HANEP ay mga regular na manggagawa ng kumpanya. Tutol dito ang kapitalista at iginigiit na sila ay mga manggagawang kontraktwal dahil diumano’y ineempleyo sila ng manpower agency.

Kaugnay nito, nag-apela ang RHHI sa National Labor Relations Commission (NLRC) laban sa desisyon at itinulak rin ang pagkansela sa rehistro ng unyon. Noong Nobyembre 2024 ay binaligtad ng NLRC ang desisyon ng labor arbiter kaugnay ng pagiging regular ng mga manggagawa na ginamit na dahilan ng RHHI para sisantehin ang 122 manggagawa.

Kasabay ng pagsasampa ng unyon ng motion for reconsideration, nagsampa rin ito ng “Notice of Strike” dahil sa “unfair labor practice” sa anyo ng pagbuwag sa unyon. Samantala, ibinasura ng NLRC ang petisyon ng RHHI na ipakansela ang rehistro ng unyon noong Disyembre 2024.

Sa kasalukuyan, mag-iisang linggo nang nakatirik ang welga at piket ng mga manggagawa. Inaasahan ng mga manggagawa na haharapin muli sila ng ahensya at maneydsment ng Robinsons sa Enero 14 para pag-usapan ang kanilang mga kahingian.

Nagpaabot na ng suporta at pakikiisa sa unyon ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa at kabataan kabilang ang Anakbayan. “Nakikiisa ang Anakbayan sa lahat ng manggagawang Pilipino para sa kanilang laban para sa regular na trabaho at nakabubuhay na sahod,” ayon sa grupo.

Ang RRHI ay pag-aari ng burgesyang kumprador na pamilyang Gokongwei ($3.2 billion net worth noong 2024). Ang mga Gokongwei ay kabilang sa mga kroni ng pamilyang Marcos at kasalukuyang nagsisilbing Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs ni Marcos Jr si Frederick Go, parte ng pamilya.

Ang HANEP ay isang lokal na unyon sa ilalim ng Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER). Isa ito sa dalawang pederasyon ng manggagawa sa ilalim ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), grupong binuo ng dating mga lider na bumaklas sa Kilusang Mayo Uno (KMU) noong 1993.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-manggagawa-ng-handyman-robinsons-nagwelga/

01:32:31
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Mag-asawa sa Himamaylan City, pinagbantaang babarilin ng 94th IB
Ang Bayan Ngayon | January 11, 2025

Pinagbantaan ng mga sundalo ng 94th IB na babarilin ang mag-asawang Tasi at kanilang mga kapitbahay sa Sityo Kambudlis, Barangay Mahalang, Himamaylan City, Negros Occidental noong Enero 3. Ang yunit ng 94th IB na nasa naturang barangay ay nakahimpil at nag-ooperasyon sa erya mula pa huling bahagi ng Disyembre 2024.

Ayon sa ulat ng mga residente, matapos pagbantaan ang mag-asawa ay pinalabas ng 94th IB na nakumpiska sa kanila ang maiiksing armas. Pinaratangan silang mga tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Hindi pa nakukumpirma kung inaresto ang mag-asawa at sinampahan ng mga kasong kriminal gamit ang itinanim na ebidensya.

Samantala, noong Disyembre 2024 ay pinagbabaril ang kubo ni Jesse Talaban sa parehong lugar. Pinag-interesan ng mga sundalo ang tanim na buyo na pinagkukunan ng kabuhayan ni Talaban. Ang buyo ay sangkap ng nga-nga, na nginunguya ng matatanda sa baryo.

Binatikos ni Ka Dionesio Magbuelas, tagapagsalita ng BHB-South Central Negros (Romeo Nanta Command), ang modus na ito ng 94th IB. Aniya, ipinakikita lamang ng panggigipit na ito at operasyong kombat ng 94th IB na peke ang deklarasyon nitong “dismantled” o nabuwag na ang larangang gerilya ng BHB sa South Central Negros.

Nanawagan si Ka Dionesio sa mamamayan ng Himamaylan City na magkaisa at matapang na ilantad ang mga krimen ng 94th IB para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan, seguridad at kabuhayan.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/mag-asawa-sa-himamaylan-city-pinagbantaang-babarilin-ng-94th-ib/

01:33:45
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Mga kandidato pagkasenador ng Koalisyong Makabayan, kinasuhan ng iligal na asembliya
Ang Bayan Ngayon | January 11, 2025

Arbitraryong sinampahan ng Philippine National Police (PNP) ang 10 kandidato sa pagkasenador ng Koalisyong Makabayan at iba pang mga lider-masa sa kasong iligal na asembliya kaugnay ng kilos protesta noong Nobyembre 30, 2024, Araw ni Bonifacio, sa Mendiola sa Maynila. Ginamit ng pulis ang Public Assembly Act o Batas Pambansa 880 para gipitin ang mga kandidato at lider.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Kilusang Mayo Uno (KMU) Secretary General Jerome Adonis, Makabayan President Liza Maza, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, Piston President Mody Floranda, Kadamay Secretary General Mimi Doringo, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairperson Danilo Ramos, Pamalakaya Vice Chair Ronnel Arambulo, Sandugo Co-Chair Amirah Lidasan, at Filipino Nurses United Secretary General Alyn Andamo. Kinasuhan rin sina former Bayan Muna Partylist Rep. Ferdie Gaite, Alliance of Concerned Teachers Chair Vladimer Quetua at Alliance of Health Workers Secretary General Cristy Donguines.

Matatandaang nauna nang kinasuhan sina KMU Chairperson Elmer “Ka Bong” Labog at Nilo Mortifero, kasapi ng Bayan Muna na iligal na inaresto ng mga pulis sa araw ng protesta.

“Malinaw na ito’y panggigipit sa kalayaang magtipon at sa mamamayang naggigiit ng karapatan at kapakanan. Nag-aaksaya ng pondo at oras ang Manila Police District sa pagdidiin sa mga nagpoprotesta,” pahayag ng KMU, grupong nanguna sa protesta. Dagdag pa ng grupo, inililihis ng sirkus na pagkakaso ang nagpapatuloy na katiwalian at pagnanakaw ng mga nasa gubyerno habang patuloy na naghihirap ang karaniwang tao.

Ayon sa Makabayan, karaniwan nang taktika ng mga pwersa ng estado ang pagsasampa ng mga “shotgun” o basta-bastang kaso laban sa mga lider-masa. Binanggit pa ng koalisyon na sa pagmamadali at arbitraryong pagkakaso nito ay tinukoy pa nito bilang “babae” ang lider ng Piston na si Floranda at si Lidasan bilang kasapi ng organisasyon ng mga guro na ACT.

“Kami ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa mga kinasuhang lider at kanilang mga abugado at maghahanda ng isang matibay na depensang ligal laban sa pinakabagong kaso ng panghaharas mula sa PNP,” ayon sa Makabayan. Dapat umanong matigil na ang pagsasampa ng gawa-gawang mga kaso ng iligal na asembliya at pagturing sa protesta bilang isang krimen.

Nakatakda ang paunang imbestigasyon sa kaso sa darating na Enero 15 sa Maynila.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-kandidato-pagkasenador-ng-koalisyong-makabayan-kinasuhan-ng-iligal-na-asembliya/

01:34:16
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

ICYMI: Hungkag, walang katuturan ang ipinagmamalaki ng NTF-Elcac sa harap ng papalalang kahirapan
Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines
January 09, 2025

Ang lumalaking bilang ng naghihirap at lumulubhang kalagayang panlipunan ng mamamayang Pilipino, lalo na sa kanayunan, ay matinding puna sa malinaw na kawalang katuturan at kahungkagan ng “kapayapaan at kaunlaran” na ipinagmamalaki ng NTF-Elcac at ng Barangay Development Program (BDP) nito.

Ang pagturing ng 63% ng mga pamilyang Pilipino sa kanilang sarili na naghihirap, ayon sa isang sarbey na isinapubliko kamakailan, ay patunay ng kalunos-lunos na kalagayan ng ekonomya at lumalalang krisis sa ilalim ng rehimeng Marcos. Inamin kahit sa pag-aaral ng Bangko Sentral na higit sa 75% ng mga Pilipino ay naghihirap at nawiwindang. Higit 80% ng mga pamilyang Pilipino, na pawang mga manggagawa, magsasaka, at gitnang uri hanggang sa mababang petiburgesya, ay walang ipon at nabubuhay nang isang kahig, isang tuka.

Lalong malubha ang kalagayan sa kanayunan kung saan puu-puong milyong Pilipino ang naghihirap sa gitna ng kawalang-trabaho at kabuhayan dahil walang reporma sa lupa at industriyalisasyon. Lalo pa itong sumidhi noong nakaraang taon dahil sa mga pangklimang kalamidad, at dulot ng pagpapalawak ng mga operasyon sa pagmimina at plantasyon, na nagreresulta sa dislokasyon ng milyun-milyong magsasaka.

Sa harap ng malawak na kagutuman, kawalan ng lupa, kawalan ng trabaho, mababang sahod, at pagtaas ng presyo, ang mga pahayag ng NTF-Elcac na ang mga proyekto nito sa ilalim ng BDP ay “tumutugon sa pangangailangan ng mga tao” sa pamamagitan ng “pag-unlad sa imprastruktura” ay hungkag at ganap na walang kredibilidad.

Ang mga proyektong pang-imprastruktura ng NTF-Elcac, tulad ng mga kalsada, paaralan, istasyon pangkalusugan, elektrisidad, at sistema ng tubig, ay hindi lumulutas sa mga pangunahing kahingian ng mga magsasaka, kabilang ang tunay na reporma sa lupa, pagpapababa ng upa sa lupa, makabuluhang pagtaas sa sahod ng mga manggagawang-bukid at mga manggagawa sa agrikultura, at ang pagpawi sa usura.

Ang mga tinatawag na “flagship initiative” ng NTF-Elcac ay nagpapatuloy at lumalabusaw sa nagpapatuloy na pagpapabaya ng estado at pagsasamantala ng pyudal at malapyudal na sistema sa kanayunan. Sa ilalim ng badyet ni Marcos para sa 2025, ang badyet para sa kalusugan at edukasyon ay lalong binawasan para paboran ang maaanomalyang proyekto sa imprastruktura.

Ang mga proyekto ng BDP ng NTF-Elcac ay burak ng katiwalian. Inamin mismo nito na noong nakaraang taon, naglaan si Marcos ng karagdagang ₱5 milyon para sa higit 800 proyekto ng BDP na kinuha mula sa “unprogrammed funds.” Ito ay taliwas sa desisyon ng kongreso noong nakaraang taon na bawasan ang pondo para sa NTF-Elcac tungong ₱2.5 milyon bawat proyekto. Ang karagdagang pondo na ibinigay ni Marcos ay nagkakahalaga ng higit sa ₱4 bilyong pork barrel ng militar na bumibili sa katapatan ng mga upisyal ng AFP.

Ang kabiguan ng rehimeng Marcos na tugunan ang mga pangunahing kahingian ng mga magsasaka ay patuloy na gumagatong sa kanilang paglaban para sa tunay na reporma sa lupa. Lalong nagiging mataba ang lupa sa kanayunan para sa pagsusulong ng digmang bayan. Patuloy ang determinasyon ng mga magsasaka na suportahan at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan, bilang sarili nilang hukbo, upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at mga hangarin.

https://philippinerevolution.nu/statements/hungkag-walang-katuturan-ang-ipinagmamalaki-ng-ntf-elcac-sa-harap-ng-papalalang-kahirapan/

01:47:36
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

[English Statement] Worsening poverty shows NTF-Elcac's claims are hollow, ineffective
Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines
January 09, 2025

Escalating numbers of poverty and worsening socioeconomic conditions of the Filipino people, especially in the rural areas, are a scathing indictment to the glaring ineffectiveness and hollow claims of “peace and development” by the NTF-Elcac and its so-called Barangay Development Program (BDP).

Recent publicized surveys showing that more than 63% of families rate themselves as poor confirm the gross state of the economy and deepening crisis under the Marcos regime. Even the Central Bank admitted in its study that more than 75% of Filipinos are poor and distressed. More than 80% of Filipino families, representing workers, peasants and the middle to lower petty-bourgeoisie, are without savings and toil daily to provide food for their children.

The situation is especially dire in the countryside where tens of millions of Filipinos suffer from the lack of jobs and livelihood resulting from the absence of land reform and industrialization. The situation was worsened last year by recent climate disasters, as well as by expansion of mining and plantation operations, causing the economic displacement of millions of peasant masses.

In the face of widespread hunger, landlessness, joblessness, low wages and skyrocketing prices, the NTF-Elcac’s statements that its projects under the BDP “addresses the concerns of the people” through “infrastructure developments” ring hollow and totally lack credibility.

The NTF-Elcac infrastructure projects, consisting of roads, school building, health station, electrification, and water system, utterly fail to address the fundamental demands of the peasant masses, including genuine land reform, lower land rent, substantial wage increases for farm-workers and agricultural laborers, and the eradication of usury.

These so-called “flagship initiative” of the NTF-Elcac merely perpetuate and obscure the continuing vicious cycle of state neglect and exploitative feudal and semifeudal system in the countryside. Under the Marcos 2025 budget, the budget for health and education were further reduced in favor of corruption-laden infrastructure projects.

The NTF-Elcac’s BDP projects are a cesspool of corruption. In its own statement, it revealed that last year, Marcos allocated an additional ₱5 million for more than 800 BDP projects sourced from “unprogrammed funds.” This went against the decision of the congress last year to reduce the funds for the NTF-Elcac to ₱2.5 million per project. The additional funds provided by Marcos rounds up more than ₱4 billion of military pork barrel that buys the loyalty of the AFP’s officers.

The failure of the Marcos regime to address the basic demands of the peasant masses continue to fuel their resistance to advance their cause for genuine land reform. The conditions in the countryside continue to become even more fertile for waging people’s war. The peasant masses are determined as ever to support and join the New People’s Army, as their own army to fight for their rights and aspirations.

https://philippinerevolution.nu/statements/worsening-poverty-shows-ntf-elcacs-claims-are-hollow-ineffective/

02:04:46
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Leaders of Luneta rally cannot derail people's quest for justice
Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines
January 13, 2025

The Luneta rally today is a brazen attempt by its leaders and organizers to derail the Filipino people’s quest to attain justice for high crimes of corruption and mass killings perpetrated by former President Rodrigo Duterte and current Vice President Sara Duterte.

They raised the deceptive call for “peace” to obscure their real intention of using the rally as political leverage to intimidate those seeking to impeach Sara Duterte, while trying to curry favors from candidates in the upcoming midterm elections.

The rally organizers spent hundreds of millions of pesos to provide transportation, as well as overnight hotel and other accommodations to the participants. Participants are obligated by their religious affiliation to join the rally, although many among them are aware how they are being exploited as pawns in this cynical game of power and corruption being played by big bureaucrat capitalists.

Leaders of the Iglesia ni Cristo are notorious political opportunists who support and connive with bureaucrat capitalists. They have a history of colluding with the Duterte tyranny and were favored by Duterte. Similarly, they supported the Marcos Sr martial law regime and received vast favors from the dictatorship. They also staged demonstrations in 2001 as a show of force for ousted president Joseph Estrada.

By expressing his support for the Luneta rally, Marcos Jr—who has been consolidating power to push the Dutertes out of power—reiterated his position against the plan by various democratic groups to push the impeachment of Sara Duterte. In doing so, he has further isolated his regime from the broad masses of the people, who are growing increasingly restless over constantly rising prices, low wages and widespread joblessness under his regime.

In the face of these attempts by the big corrupt politicians and their cronies to drown the demand for justice, the Filipino people must strengthen their unity to raise their voices and push for their demand to impeach Sara Duterte, and to arrest and try Rodrigo Duterte, in order to hold them accountable to the people.

https://philippinerevolution.nu/statements/leaders-of-luneta-rally-cannot-derail-peoples-quest-for-justice/

11:11:57
15 Jan 2025
@daithanh67:matrix.orgTài Đỗ removed their profile picture.15:20:05
17 Jan 2025
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Amid reactionary polls, NPA must enforce policies to protect people's welfare
Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines
January 16, 2025

The reactionary mid-term election campaign is now underway with big warlords and political dynasties locking each other’s horns, trampling on the people’s welfare with their armed goons, police and military forces, as they fight for the spoils of the bureaucrat capitalist regime.

In the face of the reactionary election campaign, the Communist Party of the Philippines (CPP) directs the New People’s Army (NPA) to ensure protection of the people’s rights and interests. Commands of the NPA at different levels across various regions must strictly enforce standing policies of the people’s democratic government in relation to the conduct of the reactionary elections within their areas of operation.

All candidates vying for seats in the reactionary government are to be reminded of these policies to ensure that the people’s welfare will be strictly enforced by the NPA within its revolutionary areas of operation. These candidates and their supporters will be allowed to conduct their election campaigns in accordance with established guidelines.

Among others, politicians are prohibited from bringing armed goons and police and military escorts that usually serve to intimidate the people. Other forms of coercion, use of armed violence will not be tolerated, especially by bureaucrat capitalists who use public funds against the people. The NPA has standing orders to seize the weapons of candidates and their armed goons.

The NPA is directed to target AFP and PNP units, as well as armed goons of reactionary politicians, who will use the election campaign in the guerrilla zones as cover for conducting surveillance operations against the Party, the NPA, the people’s democratic government and the revolutionary masses.

Before conducting their campaigns in the revolutionary areas, politicians are required to inform and coordinate with local NPA units. This coordination is crucial to avoid any incidents, including confrontations between armed goons of rival politicians.

We strongly condemn the scheme of the AFP to use the upcoming elections as cover for intensifying counterinsurgency operations marked by heightening political repression and reinforcing military control of rural villages. The objective of these operations is to suppress the people’s resistance and protect the interests of big landlords, big business and foreign mining corporations and plantations. In the past years, these operations have also been used to help the campaign of politicians favored by the military, especially those who have connived in the fascist campaign of suppression.

Despite repeatedly declaring that the NPA has only a single “weakened guerilla front,” the Philippine Army declared yesterday that its field units “remain on alert and will still conduct internal security operations” to ensure the election’s “peace and order.” These operations institutionalize the “guns, goons and gold” tactics that characterize past elections campaigns.

We strongly urge candidates to reject the offers of armed security by the AFP, as these are only being used by the military to carry out political repression. Combat units of the AFP are legitimate targets of the NPA.

The CPP, NPA and mass organizations affiliated with the NDF do not take part in the elections. The revolutionary forces will continue to wage people’s war against the reactionary neocolonial government of the ruling classes of big bourgeois compradors and big landlords.

From their revolutionary vantage, the Party provides critical analyses and insights into the reactionary elections, while highlighting the outstanding economic and political issues of the people and underscoring the need for them to collectively fight for their national and democratic interests, especially their demand for land reform and national industrialization.

These analyses help guide the people in their actions. Raising the people’s consciousness and strengthening their organized ranks are key in pushing for their demands, as they face, confront and challenge the reactionary elections, and intensify their fight against the fascist and corrupt US-Marcos regime, especially amid the worsening political and economic crisis.

https://philippinerevolution.nu/statements/amid-reactionary-polls-npa-must-enforce-policies-to-protect-peoples-welfare/

02:01:56
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

[PILIPINO] Sa gitna ng reaksyunaryong halalan, dapat ipatupad ng BHB ang mga patakaran para pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan

Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines
January 16, 2025

Nagsimula na ang kampanya para sa reaksyunaryong halalang mid-term kung saan nagsusuwagan ang malalaking warlord at mga dinastiya sa pulitika, habang nilalapastangan ang kapakanan ng mamamayan gamit ang kanilang mga armadong maton, pulis at pwersang militar, sa kanilang pag-aagawan sa pakinabang ng burukrata-kapitalistang rehimen.

Sa harap ng reaksyunaryong kampanya sa halalan, inaatasan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) na tiyakin ang pangangalaga sa mga karapatan at interes ng mamamayan. Dapat mahigpit na ipatupad ng mga kumand ng BHB sa iba’t ibang antas at sa iba’t ibang rehiyon ang mga umiiral na patakaran ng demokratikong gubyernong bayan kaugnay sa pagsasagawa ng reaksyunaryong halalan sa lugar na saklaw ng kanilang operasyon.

Marapat na ipaalala sa lahat ng mga naghahabol ng pwesto sa reaksyunaryong gubyerno na ang mga patakarang ito na nagtitiyak sa kapakanan ng mamamayan ay mahigpit na ipatutupad ng BHB sa loob ng kanilang mga rebolusyonaryong erya ng operasyon. Ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta ay pahihintulutang mangampanya alinsunod sa mga umiiral na alituntunin.

Pinagbabawalan ang mga pulitiko na magdala ng mga armadong maton at mga eskort na pulis at militar na karaniwang ginagamit para sindakin ang taumbayan. Ang iba pang anyo ng pamimilit, paggamit ng armadong karahasan ay hindi palalampasin, lalo na ng mga burukrata-kapitalista na gumagamit sa pondo ng bayan laban sa mamamayan. May bisa ang mga atas sa BHB na samsamin ang mga armas ng mga kandidato at kanilang mga armadong maton.

Inaatasan ang BHB na targetin ang mga yunit ng AFP at PNP, pati na rin ang mga armadong maton ng mga reaksyunaryong pulitiko, na gagamitin ang kampanya sa halalan sa mga larangang gerilya bilang pantabing sa mga operasyong paniniktik laban sa Partido, sa BHB, sa demokratikong gubyernong bayan at sa rebolusyonaryong masa.

Bago mangampanya sa mga rebolusyonaryong erya, kinakailangang magpabatid ang mga pulitiko at makipag-ugnayan sa mga lokal na yunit ng BHB. Mahalaga ang koordinasyong ito upang maiwasan ang anumang insidente, kabilang ang mga komprontasyon sa pagitan ng mga armadong maton ng magkakalabang pulitiko.

Mahigpit naming kinukundena ang plano ng AFP na gamitin ang nalalapit na halalan bilang panabing sa pagpapatindi ng mga operasyong kontra-insurhensya na kinatatampukan ng sumisidhing pampulitikang panunupil at papahigpit na kontrol ng militar sa mga kanayunan. Layunin ng mga operasyong ito na supilin ang paglaban ng mamamayan at protektahan ang interes ng mga malalaking panginoong maylupa, malalaking negosyo at mga dayuhang kumpanya sa pagmimina at plantasyon. Sa mga nakaraang taon, ang mga operasyong ito ay ginamit din upang tulungan ang kampanya ng mga pulitikong pinapaboran ng militar, lalo na ang mga nakipagsabwatan sa pasistang kampanya ng panunupil.

Sa kabila ng paulit-ulit na pagdeklara na ang BHB ay may isa na lamang “mahinang larangang gerilya,” inihayag ng Philippine Army kahapon na ang kanilang mga yunit ay “nanatiling alerto at patuloy na magsasagawa ng mga operasyon para sa internal na seguridad” upang matiyak ang “kapayapaan at kaayusan” ng halalan. Ang mga operasyong ito ay nagtataguyod ng mga taktika ng “guns, goons and gold” na tampok sa mga nakaraang kampanya sa halalan.

Mahigpit naming hinihimok ang mga kandidato na tanggihan ang mga alok ng armadong seguridad mula sa AFP, dahil ito ay ginagamit lamang ng militar upang isagawa ang pampulitikang panunupil. Ang mga yunit pangkombat ng AFP ay lehitimong target ng BHB.

Ang PKP, BHB at mga organisasyong masa na kaanib sa NDF ay hindi nakikilahok sa halalan. Magpapatuloy ang mga rebolusyonaryong pwersa sa paglulunsad ng digmang bayan laban sa reaksyunaryong gubyernong neokolonyal ng mga naghaharing-uri ng malalaking burgesyang komprador at malalaking panginoong maylupa.

Mula sa rebolusyonaryong perspektiba nito, nagbibigay ang Partido ng kritikal na mga pagsusuri at pananaw sa reaksyunaryong halalan, habang binibigyang diin ang mga pangunahing isyu sa ekonomya at pulitika ng mga mamamayan, at itinatampok ang pangangailangang sama-samang ipaglaban ang kanilang pambansa at demokratikong interes, lalo na ang kanilang kahingian para sa reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

Ang mga pagsusuring ito ay tumutulong na gabayan ang taumbayan sa kanilang pagkilos. Ang pagpapataas ng kamalayan ng mamamayan at pagpapalakas ng kanilang organisadong hanay ay susi sa pagtulak nila ng kanilang mga kahingian, habang sila ay humaharap, nakikipaglaban at humahamon sa reaksyunaryong halalan, at pinatitindi ang kanilang laban sa pasista at korap na rehimeng US-Marcos, lalo na sa gitna ng lumalalang krisis sa pulitika at ekonomya.

05:39:24
@prwc_info:matrix.orgprwc_infohttps://philippinerevolution.nu/statements/sa-gitna-ng-reaksyunaryong-halalan-dapat-ipatupad-ng-bhb-ang-mga-patakaran-para-pangalagaan-ang-kapakanan-ng-mamamayan/05:39:31
@longlivemaoism:matrix.orgLongLiveMaoism joined the room.18:35:22
18 Jan 2025
@muy1:matrix.orgmuy1 joined the room.15:54:00
@longlivemaoism:matrix.orgLongLiveMaoism changed their display name from longlivemaoism to LongLiveMaoism.17:06:20
@longlivemaoism0:matrix.orgLongLiveMaoism joined the room.17:50:19
20 Jan 2025
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Gaza ceasefire is victory for the Palestinian people's struggle
Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines
January 19, 2025

The Communist Party of the Philippines (CPP), the New People’s Army (NPA) and all the Filipino people’s revolutionary forces extend militant solidarity to the Palestinian people and their revolutionary freedom fighters, as the ceasefire agreement with Israel takes effect today.

The ceasefire agreement is a triumph for the Palestinian people who have remained firm in their resistance to the genocidal war waged by the Zionist state of Israel. We are certain that this victory will bolster the Palestinian people’s resolve to stand even more firmly and fight more fiercely in greater struggles in the future.

There is reason to celebrate the ceasefire agreement, most notably because it brings a pause to the Zionist state of Israel’s relentless aerial bombing and shelling of Gaza Strip over the past 460 days, which has resulted in the killing of more than 46,000 Palestinians, including close to 20,000 children.

The ceasefire agreement also requires Israel to withdraw its occupying forces from the population centers of the Gaza Strip. It also sets the stage for the release of more than 2,000 Palestinian political prisoners and 33 Israeli citizens held by the Palestinian forces. It will also allow for the entry of humanitarian aid, and allow the Palestinian people to return to their communities and rebuild their homes.

We join the Palestinian people in remembering and honoring all their martyrs. Their memories will forever inspire the struggle of the Palestinian people for national self-determination.

The Party congratulates the heroic fighters of the Popular Front for the Liberation of Palestine, the Islamic Resistance Movement (Hamas), the Palestinian Islamic Jihad and other revolutionary forces of the Palestinian people. They displayed unwavering commitment to wage armed struggle against the Israeli war machine, backed by billions of dollars from the imperialist US.

Let us extol all their fighters whose bravery and brilliance in fighting secured victories for the Palestinian people on both the battlefield and negotiating table. The Palestinian people and their freedom fighters showed that no amount of terrorism by the Zionist state of Israel can break their will to fight and their determination to attain their aspiration for freedom.

We call on the Filipino people to celebrate this victory of the Palestinian people and reaffirm their commitment to support their continuing struggle for national liberation. We urge the Filipino people to stand in solidarity with all peace- and freedom-loving peoples around the world. Together, they must remain vigilant and continue to push the Zionist state of Israel to fulfill its ceasefire obligations, while also supporting the Palestinian people’s continuing resistance.

We support the Palestinian people’s demand for justice and reparation for all the death and destruction inflicted by the Israeli state. We also support the demand that Israel’s Zionist leaders be held accountable for the war crimes and crimes against humanity, and that they be brought to trial and punished accordingly.

We stand with the Palestinian people in their continuing struggle for national self-determination. The Palestinian people’s resistance for national liberation, like that of the centuries-long struggle of the Filipino people, will ultimately achieve complete victory, no matter how long it takes.

https://philippinerevolution.nu/statements/gaza-ceasefire-is-victory-for-the-palestinian-peoples-struggle/

01:51:01
21 Jan 2025
@prwc_info:matrix.orgprwc_infohttps://philippinerevolution.nu/2025/01/20/agham-bayan-january-2025/00:09:05
23 Jan 2025
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Pagtatanggal ng upisina ng pahayagan ng mga estudyante sa University of San Carlos, binatikos
Ang Bayan Ngayon | January 22, 2025

Nagprotesta ang mga myembro ng Today’s Carolinian (TC) at mga grupong nagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag sa University of San Carlos (USC)-Talamban Campus sa Cebu noong Enero 21 para batikusin ang pagpapaalis ng pahayagan sa kanilang upisina. Sinipa ng administrasyon ng USC ang pahayagang pangkampus na TC sa upisina nito sa USC-Downtown Campus noong Enero 15.

Ayon sa TC, walang dayalogo at biglaan silang pinalayas sa bisa ng isang ipinaskil na “pabatid” noong Enero 17 sa labas ng ginagamit nilang upisina ng pahayagan. Nakasaad dito na papalitan sila ng Alumni Office simula Enero 15. Noong Agosto 2024 ay ipinasara rin ang upisina nito sa USC-Talamban Campus.

“Ang pagtatanggal sa upisina ng TC sa gitna ng matapang na pagtatanong ng mga estudyante hinggil sa pagtataas ng matrikula at iba pang mga bayarin ay malinaw na paglabag sa demokratikong karapatan ng mga estudyante at mga komunidad,” pahayag ni Brell Lacerna, pambansang tagapagsalita ng CEGP. Ayon sa CEGP, hindi ito ang unang pagkakataon na ginipit ng administrasyon ng USC ang TC.

Noong 2019, tinanggalan ng pondo ang pahayagan kasunod ng kanilang kritikal na paglalathala ng mga balita hinggil sa pagpapataw ng USC ng dagdag-singil sa matrikula. Pinipilit rin ng USC Office of Student Formation and Activities (OSFA) ang TC na magrehistro bilang isang “organisasyon sa paaralan” sa halip na kilalanin bilang isang pahayagan ng mga mag-aaral. Marami pang mga mapanupil na mga patakaran at pagbabawal na ipinataw ang USC sa TC at iba pang mga pahayagan sa unibersidad.

Nagpahayag ng mahigpit na suporta sa TC ang mga organisasyon sa loob ng USC. Kinilala nila ang boses ng TC at sinabing lagi itong nasa unahan ng pababalita ng katotohanan para sa mga estudyante na pinaglilingkuran nito. “Ang isang malaya at independyenteng pahayagan ay mahalaga sa pagkakamit ng katotohanan at pangangalaga sa pananagutan,” pahayag ng CEGP-Cebu.

Nakiisa rin sa TC ang mga mamamahayag ng Cebu. Hinimok ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)-Cebu ang USC na ibalik ang mga espasyo sa TC at isabuhay ang itinataguyod na mga “core value” ng institusyon.

“Dapat nang matugunan ang matagal nang mga hinaing ng mga estudyante ng USC ngayon, at nakasalalay ito sa ating kolektibong pagtindig laban sa mapanupil na sistema ng edukasyon,” ayon kay Lacerna. Hamon niya sa administrasyon ng USC na makipagtulungan ito sa mga estudyante at iba pang sektor ng uniberisdad laluna sa usapin ng pagtataas ng matrikula, at pagkilala sa mga konseho ng mag-aaral at mga publikasyon bilang mga kinatawan ng komunidad nito.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagtatanggal-ng-upisina-ng-pahayagan-ng-mga-estudyante-sa-university-of-san-carlos-binatikos/

00:06:28
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

61-anyos na lalaki, nasugatan sa walang patumanggang pamamaril ng 2nd IB sa Masbate
Ang Bayan Ngayon | January 22, 2025

Pananagutan at hustisya ang sigaw ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Masbate sa walang patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 2nd IB sa Sityo Balunos, Barangay Rizal, Dimasalang, Masbate noong Enero 19, alas-3:30 ng hapon. Natamaan at nasugatan sa likod ang 61-anyos na dating barangay kagawad at magsasaka na si Marcial Detalo dahil sa insidenteng ito.

Para pagtakpan ang krimen at pagsasapanganib sa mga sibilyan, maling ipinahayag sa midya ng 2nd IB na natamaan ng bala ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate si Detalo sa gitna ng pinalalabas na isang engkwentro sa lugar. Muhing-muhi ang mga residente sa pagpapamahak sa kanila ng mga sundalo at sa kasinungalingan nito.

Hindi nakaligtas mula sa mga residente ang paskil sa Facebook ng 2nd IB hinggil sa insidente. Binatikos nila ang yunit sa pagpapalaganap ng kasinungalingan at sinabihan na mahiya sila sa kanilang ginawa. Ayon pa sa komento ng isa, ang ganitong mga aksyon ng 2nd IB ang dahilan “kaya nawawala ang respeto at tiwala ng mamamayan sa [kanila.]”

Sa ulat ng PKM-Masbate, kaagad ding nagbuhos ng karagdagang mga sundalo ang 2nd IB sa lugar noong gabi ng insidente. Kinabukasan, tinipon ng mga berdugo ang mga residente at inamin ng mga sundalo na sila ang nakabaril sa matandang magsasaka. Pinagbantaan din umano ang mga ito na huwag makikipag-ugnayan sa BHB-Masbate.

Matapos nito, nagkalat ng kasinungalingan ang ang 2nd IB sa midya na mga Pulang mandirigma ng BHB-Masbate ang maysala. Tuso ring sinamantala ng mga sundalo ang insidente para palabasin na sila ay “mabubuting” sundalo nang dalhin ang biktima sa Masbate Provincial Hospital para ipagamot ang biktima ng kanilang pamamaril.

“Galit na galit ang mga residente sa lugar. Ayon sa kanila, madali lang sa militar na ilagay sa peligro ang kanilang mga buhay at patayin. Patunay rito ang hindi pagsaalang-alang sa kanilang kaligtasan bago niratrat ang kanilang kabahayan,” pahayag ng PKM-Masbate.

Nanawagan ang rebolusyonaryong samahan ng mga magsasaka sa mga grupo sa karapatang-tao at iba pang mga organisasyong nagtatanggol at nangangalaga sa karapatan na imbestigahan ang sunud-sunod nang mga krimeng kinasasangkutan ng militar sa prubinsya. “Higit sa lahat, tulungan ang mga biktima na mapanagot ang mga kriminal na militar at makamit ang hustisyang nararapat sa kanila,” anang grupo.

Hinamon rin ng grupo ang mga residente at mamamayang Masbatenyo na magkaisa upang ilantad at labanan ang mga militar na walang ibang ginagawa kundi maghasik ng karahasan sa prubinsya ng Masbate. “At singilin ang rehimeng US-Marcos Jr sa pagpapailalim sa prubinsya sa batas militar na nagbigay-laya sa mga militar at pulis upang lapastanganin ang karapatan ng mamamayang Masbatenyo,” pagtatapos nito.

Nagsisilbing kumander ng 2nd IB si Lt. Col. Dennis Santos. Nakapailalim ang yunit sa kontrol ng 9th ID na pinamumunuan ni Maj. Gen. Noe Alberto Peñafiel.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/61-anyos-na-lalaki-nasugatan-sa-walang-patumanggang-pamamaril-ng-2nd-ib-sa-masbate/

00:07:12
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Anibersaryo ng LAB at PKP, ipinagdiwang ng mga rebolusyonaryong siyentista't inhinyero
Ang Bayan Ngayon | January 22, 2025

Magkasabay na ipinagdiwang ng mga rebolusyonaryong siyentista’t inhinyero ang ika-49 anibersrayo ng Liga ng Agham para sa Bayan (LAB) at ika-56 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 2024. Sa ulat ng pahagayan ng LAB na Agham Bayan ngayong Enero, nagtipon ang mga kasapi nila sa isang sikretong lokasyon sa National Capital Region para sa isang pagdiriwang.

Nagkaroon ng isang simpleng handaan ang LAB sa kanilang pagtitipon. Binalikan nila at ipinagdiwang ang iba’t ibang mga tagumpay na nakamit ng mga balangay nito at naranasang pagsubok sa taong 2024, laluna sa panahon ng unang taon ng kilusang pagwawasto.

“Naging tampok ang mga tagumpay sa mga kampanya, sa muling pagsibol ng pag-oorganisa sa hanay ng batayang masa, at sa pagpapaunlad ng suporta para sa Bagong Hukbong Bayan (BHB),” ayon sa pahayagan. Sa kabila nito, ipinahayag ng LAB na malaki pa ang kailangan nitong pangibabawan kabilang ang konserbatismo sa pagrerekrut ng bagong mga kasapi.

Ayon sa editoryal ng Agham Bayan, “dapat malinaw sa atin, bilang mga rebolusyonaryo, na ang pangunahing layunin natin sa paglulunsad ng kampanya ay ang pagtugon sa interes ng masa at pagpaparami at pagpapalakas ng ating rebolusyonaryong pwersa.” Ngayong 2025, isinaad ng LAB na tuluy-tuloy nitong itataguyod ang mga tungkulin para makatulong sa pagsusulong at pagpapalakas ng rebolusyong Pilipino.

Pinarangalan din LAB ang lahat ng mga rebolusyonaryong martir mula sa sektor ng agham at teknolohiya na nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan at sa rebolusyon. “Tumatayong inspirasyon para sa siyentista’t inhinyero sa Pilipinas ang mga buhay nila Aloysius Baes, Engr. Mon Ramirez, JM “Ka Simon” Ayuste, at marami pang iba,” ayon sa editoryal.

Dagdag pa ng LAB, ipinakita nito sa kanila na posibleng gampanan ng isang siyentista ang rebolusyonaryong tungkulin na isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba, sa mga laboratoryo at silid-aralan ng kalunsuran hanggang sa armadong pakikibaka sa kanayunan.

“Itutuluy-tuloy ng mga rebolusyonaryong siyentista, inhinyero, propesyunal, at estudyante ang kilusang pagwawasto para makamit ang ibayong tagumpay,” anito. Maghahanda rin ang LAB para sa ginintuang anibersaryo nito sa Disyembre.

Sa programa ng pagdidiriwang, nagpakitang-gilas din ang mga kinatawan ng LAB sa kanilang mga inihandang kultural na pagtatanghal. Upisyal nilang isinara ang pagtitipon sa sabayang pag-awit ng Internationale na pinamunuan ng LAB Chorale.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/anibersaryo-ng-lab-at-pkp-ipinagdiwang-ng-mga-rebolusyonaryong-siyentistat-inhinyero/

00:07:46
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Militarisasyon at pwersahang pagpapasuko ng militar sa mga kasapi ng samahang mangingisda sa La Union, kinundena
Ang Bayan Ngayon | January 22, 2025

Kinundena ng Ilocos Human Rights Alliance (IHRA)-Karapatan ang panibagong serye ng militarisasyon at pwersahang “pagpaparehistro” ng Philippine Army sa mga mangingisdang kasapi ng Timek ken Namnama Dagiti Babassit a Mangngalap ti La Union (TIMEK La Union) sa Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union. Ayon sa IHRA, malinaw sa mga mangingisda na modus lamang ang pagpaparehistro at sa katunayan ito ay “pwersahang pagpapasuko” sa kanila sa paratang na mga sumusuporta o kasapi ng mga rebolusyonaryong organisasyon.

Noong Enero 20, naiulat ang pag-iikot ng nakasibilyan na pitong tauhan ng Philippine Army sa nabanggit na barangay sa pangunguna ng isang “Captain Fernandez.” Dala-dala ng mga sundalo ang isang listahan na naglalaman ng 30 pangalan ng mga kasalukuyan at dating kasapi ng TIMEK La Union at pinaghahanap sila para “irehistro” ang kanilang samahan.

Bago nito, isang kilalang aset ng militar na nagngangalang Benjoe Trisinio ang iniulat na nagpapabalik-balik sa komunidad para pilitin ang mga myembro ng TIMEK La Union na pumunta sa barangay hall para kumuha ng “ayuda.” Ayon sa IHRA, si Trisinio ay notoryus sa panlalansi at pamimilit sa mga resdiente ng Barangay San Manuel Norte at iba pang baybay na barangay sa Agoo na “sumuko” sa balangkas ng “Balik-Loob Program” ng gubyerno.

Itinuturo ring sangkot si Trinsinio sa sapilitang “pagpapasuko” kay Teresita Miranda Villanueva, 41, residente ng Barangay San Manuel Norte at myembro ng TIMEK La Union. Nauna nang binatikos ng TIMEK La Union ang ganitong modus ng mga pwersa ng estado at kanilang ahente.

“Sa mga nakaraang taon ay naranasan ng aming organisasyon ang ganitong harassment kung saan pinipilit papirmahin ang mga myembro ng TIMEK sa oath of allegiance na animo’y nagkasala sila para sa pagtindig sa kanilang mga karapatan bilang mangingisda,” pagkukumpara ng grupo.

Idiniin ng grupo na walang batayan upang pasukuin ang mga myembro nila at iba pang pang-adbokasiyang organisasyon dahil karapatan ng mamamayan ang mag-organisa ng kanilang mga sarili ayon sa kanilang interes. Dagdag nila, isinasapanganib ng ganitong kalakaran ang buhay at kaligtasan ng katulad nilang karaniwang mamamayan.

“Nananawagan kami sa Commission on Human Rights na imbestigahan ang nagpapatuloy na pwersahan at pekeng kampanya ng pagpapasuko ng mga pwersa ng estado at kanilang mga ahente,” pahayag ng IHRA. Dapat umanong mapanagot at sampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang mga sangkot sa paglabag sa karapatang-tao na ito.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/militarisasyon-at-pwersahang-pagpapasuko-ng-militar-sa-mga-kasapi-ng-samahang-mangingisda-sa-la-union-kinundena/

00:10:00
@prwc_info:matrix.orgprwc_info

Press Release CPP denounces 2nd IB indiscriminate firing; wounding of civilian in Dimasalang, Masbate
CPP Information Bureau | Communist Party of the Philippines
January 23, 2025

The Communist Party of the Philippines (CPP) today denounced the indiscriminate firing of the 2nd Infantry Battalion in Dimasalang, Masbate on the afternoon of January 19. Farmer and former village official Marcial Detalo, 61, was hit from behind as soldiers fired shots in Sitio Balunos, Barangay Rizal.

Immediately after its crime, the 2nd IB through its commander Lt. Col. Dennis Santos concocted a story that Detalo was wounded by a stray bullet from the New People’s Army (NPA) during a supposed 5-minute firefight in the village.

“The residents of Barangay Rizal are outraged over the crime perpetrated by the soldiers of the 2nd IB,” CPP Chief Information Officer Marco Valbuena remarked. “They are infuriated over how the commander of the 2nd IB lied through his and peddled concocted stories to the media.”

The revolutionary peasant group Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Masbate reported that the 2nd IB deployed additional troops in the village the night of the incident. In an attempt to further cover-up its crime, the 2nd IB “assisted” and brought their victim to the Masbate Provincial Hospital for medical treatment.

The PKM-Masbate further said that the military unit called for a compulsory meeting among residents the following morning where they admitted to committing the crime and threatened residents against exposing it to the public. The PKM is an allied organization of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP),

Despite threats, angry residents went on social media to belie the news release of the 2nd IB. They bombarded the Facebook post with comments condemning the lies and distortion of facts by the military unit.

“The people of Masbate are clearly fed up with the drama of the 2nd IB. They know the truth and they demand justice,” Valbuena added. “The Party expresses its solidarity with the people of Barangay Rizal as they defend their rights and demand accountability from the 2nd IB for its crimes against the people.”

“This crime committed by the 2nd IB in Barangay Rizal is only the latest case of military violence directed against civilians by the Armed Forces of Philippines (AFP) across Masbate,” said Valbuena. “The fascist soldiers of the AFP has committed a string of fascist crimes to terrorize the people and suppress their resistance to land grabbing by big landlords and mining companies.”

Valbuena further called on the people to unite, expose and demand an end to de facto martial law in the province as well as in different parts of the country.

https://philippinerevolution.nu/statements/cpp-denounces-2nd-ib-indiscriminate-firing-wounding-of-civilian-in-dimasalang-masbate/

10:08:18

There are no newer messages yet.


Back to Room ListRoom Version: 9