Sender | Message | Time |
---|---|---|
29 Nov 2024 | ||
Scarlet Witch | Hello, prwc_info ! Ask ko lang po kung meron kayong November 7, 2011 issue ng Ang Bayan in Filipino or English | 13:03:25 |
Scarlet Witch | Download image.png | 13:03:45 |
Scarlet Witch | Hindi ho kasi siya available sa bannedthought.net or prwc web page | 13:04:11 |
Scarlet Witch | Thanks in advance po | 13:04:16 |
Scarlet Witch | Redacted or Malformed Event | 13:15:56 |
Scarlet Witch | Download image.png | 13:26:31 |
GB | Hello, here's the link of the AB issue you are looking for: https://archive.org/details/ang-bayan-archives-2011/20111107pi | 13:31:36 |
Scarlet Witch | Download image.png | 13:36:22 |
GB | Sorry, can't see the image, it's not loading. There's still a problem with the client-server of matrix. | 13:37:53 |
Scarlet Witch | In reply to @gbautistaaa:matrix.orgIt's just a photo of Claudine Barreto you can hear | 13:38:32 |
Scarlet Witch | It means "Thank you so much" | 13:38:43 |
GB | Ay okayy meme pala, haha! Welcome! | 13:41:05 |
prwc_info | Pag-alabin ang rebolusyonaryong diwa ni Bonifacio at mga kabataang Pilipino Komite Sentral, Partido Komunista ng Pilipinas Kaisa ng bayang inaapi at pinagsasamantalahan ang Partido Komunista ng Pilipinas at lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa paggunita ngayong araw ng ika-151 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, dakilang bayani ng sambayanang Pilipino na namuno sa sandatahang pag-aaklas para sa pambansang kalayaan. Sa araw na na ito, gunitain din natin ang ika-60 taong anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM) at ipagdiwang ang anim na dekada nitong walang kapagurang pagbalikat ng tungkuling pukawin, organisahin at pakilusin ang mga kabataang Pilipino sa landas ng pambansa-demokratikong rebolusyon at matagalang digmang bayan. Sa okasyon ding ito, muling nagbibigay-pugay ang Partido kay Kasamang Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Kabataang Makabayan at ng Komite Sentral ng PKP, sa kanyang dakilang mga nagawa sa muling pagsindi ng diwang patriyotiko ng sambayanan at kabataang Pilipino. Utang ng kasalukuyan at darating pang mga salinlahi ng kabataan kay Ka Joma ang pamana niya ng walang pag-iimbot na pagmamahal at pag-aalay ng sariling buhay para sa pambasang kalayaan at tunay na demokrasya. Ang pagtatatag ng KM noong 1964 ang nagbigay-anyo sa naiipong poot ng mga kabataang Pilipino laban sa imperyalismong US at sa tiraniya ng reaksyunaryong mga naghaharing uri. Pinangunahan ng KM ang malalaking rali laban sa mga hindi pantay na tratado sa US noong 1965, ang mga welgang estudyante sa buong bansa noong 1967, ang paglahaok sa mga raling magsasaka noong 1969 at ang mga kilos protesta laban sa digmang agresyon ng US sa Vietnam. Tinuligsa nila ang pagpapakatuta ng papet na rehimen, binatikos ang katiwalian ng bulok na burukratang kapitalistang estado at nilabanan ang pasistang pang-aapi. Itinanghal nila ang watawat ng pambansang demokrasya at pinalaganap ang mga panawagan para sa tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, kulturang siyentipiko at pangmasang, demokrasyang bayan at iba pang mga kagyat na kahingian ng sambayanang Pilipino. Noong 1970, pinangunahan ng Kabataang Makabayan ang Sigwa ng Unang Kwarto kung saan nayanig ang buong naghaharing sistema sa dumadagundong na yabag ng laksang kabataang nagmamartsa at umaalingawngaw na sigaw na Rebolusyon! Ang Kabataang Makabayan ay nagsilbing malaking paaralan na nagturo sa kanilang suriin ang kalagayan ng lipunang Pilipino, yakapin ang hinaing at adhikain ng masang mga manggagawa at magsasaka, at makiisa sa kanilang pakikibaka para baguhin ang kanilang kalagayang inaapi at pinagsasamantalahan. Sa pangunguna ng mga proletaryong kadre sa hanay ng KM, hinikayat ang mga kabataan na magbasa at mag-aral ng mga libro at sulatin ni Marx, Engels, Lenin, Stalin, Mao at iba pang mga dakilang komunistang paham upang hasain ang siyentipiko, kritikal at pangkasaysayang pag-iisip ng mga kabataang Pilipino, at gamitin ang rebolusyonaryong teorya bilang gabay sa kanilang pagkilos para isulong ang rebolusyonaryong pagbabagong panlipunan. Sa pamamagitan ng KM, umusbong ang isang bagong salinlahi ng mga proletaryong rebolusyonaryong kadre na kalaunan ay naging bahagi sa muling pagtatatag ng PKP noong 1968. Ang mga aktibista ng KM na pinakatapat sa rebolusyonaryong adhikain ay sumapi sa Bagong Hukbong Bayan na itinatag noong 1969. Sa mga sumunod na taon, ang KM ay nagsilbing isang bukal ng mga kabataang proletaryong kadre, dahilan kung bakit ang Partido Komunista ng Pilipinas ay nananatiling masigla at masigasig. Sa nagdaang mga dekada, tuluy-tuloy na dumaloy mula sa KM ang mga rebolusyonaryong nagtungo sa kanayunan, at lumahok sa digmang bayan bilang mga Pulang mandirigma at mga kumander, at mga opisyal ng pulitika ng hukbong bayan. Kahit napilitang maging lihim na organisasyon ang KM kasunod ng pagpataw ng batas militar noong 1972, nagpatuloy pa rin sa landas ng rebolusyonaryong paglaban. Nagpunyagi ito sa propaganda-edukasyon at pag-oorganisa sa mga kabataan upang gabayan sila sa pagbagtas sa landas ng pambansang demokrasya. Nagsilbi itong matibay na gulugod sa paglaban para pabagsakin ang diktadurang Marcos, at sa paglaban sa sunud-sunod na pseudo-demokratikong rehimen simula noong 1986. Sa mahigit lima't kalahating dekada, ang KM ay mahigpit na katuwang ng Partido sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Ginugunita natin ngayon ang pangkasaysayang anibersaryo ng KM sa panahong isinusulong ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan ang isang kilusang pagwawasto upang ituwid ang mga pagkakamali at kahinaan sa ideolohiya, pulitika at organisasyon, at pangibabawan ang idinulot nitong mga pinsala at pag-atras sa larangan ng pagsusulong ng armadong pakikibaka at rebolusyonaryong kilusang masa. Kasalukuyang binabaka ng Partido ang iba't ibang mga hibo ng kaisipang petiburges na nanuot at nagpahina sa Partido, laluna sa harap ng walang habas na paghahasik ng terorismo ng pasistang estado sa ilalim ni Marcos. Humahalaw ang Partido ng inspirasyon mula sa una at ikalawang dakilang kilusang pagwawasto na pinamunuan ni Ka Joma para isulong ang puspusang pakikibakang pang-ideolohiya para muling palakasin ang Partido at rebolusyonaryong kilusan. Hinihikayat namin ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan na puspusang mag-aral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, upang kritikal na lagumin ang sariling mga karanasan sa nagdaang mga taon at dekada, tukuyin at iwasto ang mga pagkakamali't kahinaan at lahatang-panig na itaas ang kakayahang isabalikat ang kanyang rebolusyonaryong tungkulin. Dapat na matalas na kilalanin at labanan ang iba't ibang tipo ng kaisipang petiburges na nagpapalaganap ng repormismo, liberalismo, ultrademokrasya, anarkismo, pseudo-radikalismo at iba pang tipo ng kaisipang naglalayo sa kanila sa landas ng rebolusyon. Dapat puspusan nilang kontrahin ang mga kaisipang indibidwalista, kawalang pakialam sa lipunan at karuwagan na itinatanim ng mga imperyalista sa kanilang kamalayan sa pamamagitan ng masmidya, social media at ng kolonyal na sistema ng edukasyon. Layunin ng mga naghaharing uri na sirain o pahinain ang diwa ng sama-samang pagkilos ng mga kabataan at ilayo ang kanilang isip sa mga komun na inaadhika ng bayan na kalayaan at demokrasya. Tulad nina Bonifacio, dapat gawin ng KM ang lahat upang tuluy-tuloy na ilimbag ang Kalayaan bilang pahayagan na naglalaman ng bagong kritikal na mga artikulong matalas na nagsusuri sa napapanahong mga isyu at naglalatag ng rebolusyonaryong mga panawagan. Dapat kontrahin ang imperyalistang pagkontrol sa isip at kamalayan ng mga kabataang Pilipino at gisingin ang kanilang diwang rebolusyonaryo sa pamamagitan ng muling pagpapasigla ng rebolusyong pangkultura at kilusang propaganda para sa pambansang demokrasya. Ang mga kabataang intelektwal, laluna, na nakaluklok sa kanilang mga akademikong tore ay dapat himuking bumaba sa lupa, upang mag-aral at magsagawa ng tunay na makabuluhang pananaliksik sa lipunan at kalagayan ng masang mga manggagawa at magsasaka, na silang lumilikha at nagpapalago sa yaman ng bansa, ngunit silang dumaranas ng pinakamalalang kahirapan at gutom. Napakamakabuluhan ng pangkasaysayang yugtong kasalukuyang kinatatayuan ng Kabataang Makabayan at mga kabataang Pilipino. Katulad noong unang itinayo ang KM noong dekada 1960 at unang mga taon ng dekada 1970, inaasahan ng Partido ang KM na magsasalin ng bagong rebolusyonaryong dugo at maghahatid ng bagong sigla sa matagal pang pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang kalayaan. Sa okasyon ng ika-60 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan, malakas na nananawagan ang Partido at sambayanang Pilipino sa mga makabayan at rebolusyonaryong kabataan na magtungo sa kanayunan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at lumahok sa digmang bayan. Higit kailanman, kailangang kailangan ng mga kabataan, laluna ng mga kabataang manggagawa at mga kabataang intelektwal, na mag-ambag ng kanilang kakayahan sa pagpapalakas ng hukbong bayan, upang higit itong maging epektibong sandata ng paglaban at pagtatanggol ng bayan sa harap ng walang kapantay na terorismo ng reaksyunaryong estado. Hinihikayat ng Partido ang kabataan mula sa kalunsuran na magtungo sa kanayunan upang lumahok sa pagsulong ng rebolusyong agraryo, sa pagtatanim at pag-aruga sa mga binhi ng demokratikong gubyernong bayan at pagpundar ng panibagong sistemang panlipunan. Sa harap ng lalong paglala ng krisis sa ekonomya at pulitika ng naghaharing sistema, tiwala ang Partido at sambayanang Pilipino na kabilang ang mga kabataang Pilipino na magmamartsa sa unahan ng militanteng mga pakikibaka ng bayan laban sa nagtataasang presyo, mababang sahod, malawakang kawalan ng trabaho, at pang-aagaw ng lupa at kabuhayan ng masa sa kalunsuran at kanayunan. Dapat palakasin ang kanilang boses sa pagtuligsa sa papet, korap, pahirap at pasistang rehimeng Marcos. Kailangang-kailangan ngayon na tumindig ng mga kabataan at sambayanan upang labanan ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo, ang tatlong ugat na suliranin na ngayon ay nagdudulot ng walang kapantay na pagdurusa sa sambayanang Pilipino. Ang tuluy-tuloy na paglala ng krisis sa ekonomya at lipunan sa nagdaang apat na dekada, at ng pabulok nang pabulok na sistemang pampulitika, laluna sa ilalim ng nagdaang sagad-sa-butong bulok na rehimeng Duterte at kasalukuyang rehimeng Marcos, ay patunay na walang patutunguhan ang malakolonyal at malapyudal na sistema kundi lalong pagkaagnas, krisis at pagdurusa. Higit kailanman sa kasaysayan, dapat itaguyod ang diwa ni Bonifacio at isulong ang rebolusyonaryong pakikibaka para kamtin ang tunay na pambansang kalayaan at demokrasya. | 14:17:17 |
30 Nov 2024 | ||
prwc_info | * Pag-alabin ang rebolusyonaryong diwa ni Bonifacio at mga kabataang Pilipino Komite Sentral, Partido Komunista ng Pilipinas Kaisa ng bayang inaapi at pinagsasamantalahan ang Partido Komunista ng Pilipinas at lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa paggunita ngayong araw ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, dakilang bayani ng sambayanang Pilipino na namuno sa sandatahang pag-aaklas para sa pambansang kalayaan. Sa araw na na ito, gunitain din natin ang ika-60 taong anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM) at ipagdiwang ang anim na dekada nitong walang kapagurang pagbalikat ng tungkuling pukawin, organisahin at pakilusin ang mga kabataang Pilipino sa landas ng pambansa-demokratikong rebolusyon at matagalang digmang bayan. Sa okasyon ding ito, muling nagbibigay-pugay ang Partido kay Kasamang Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Kabataang Makabayan at ng Komite Sentral ng PKP, sa kanyang dakilang mga nagawa sa muling pagsindi ng diwang patriyotiko ng sambayanan at kabataang Pilipino. Utang ng kasalukuyan at darating pang mga salinlahi ng kabataan kay Ka Joma ang pamana niya ng walang pag-iimbot na pagmamahal at pag-aalay ng sariling buhay para sa pambasang kalayaan at tunay na demokrasya. Ang pagtatatag ng KM noong 1964 ang nagbigay-anyo sa naiipong poot ng mga kabataang Pilipino laban sa imperyalismong US at sa tiraniya ng reaksyunaryong mga naghaharing uri. Pinangunahan ng KM ang malalaking rali laban sa mga hindi pantay na tratado sa US noong 1965, ang mga welgang estudyante sa buong bansa noong 1967, ang paglahaok sa mga raling magsasaka noong 1969 at ang mga kilos protesta laban sa digmang agresyon ng US sa Vietnam. Tinuligsa nila ang pagpapakatuta ng papet na rehimen, binatikos ang katiwalian ng bulok na burukratang kapitalistang estado at nilabanan ang pasistang pang-aapi. Itinanghal nila ang watawat ng pambansang demokrasya at pinalaganap ang mga panawagan para sa tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, kulturang siyentipiko at pangmasang, demokrasyang bayan at iba pang mga kagyat na kahingian ng sambayanang Pilipino. Noong 1970, pinangunahan ng Kabataang Makabayan ang Sigwa ng Unang Kwarto kung saan nayanig ang buong naghaharing sistema sa dumadagundong na yabag ng laksang kabataang nagmamartsa at umaalingawngaw na sigaw na Rebolusyon! Ang Kabataang Makabayan ay nagsilbing malaking paaralan na nagturo sa kanilang suriin ang kalagayan ng lipunang Pilipino, yakapin ang hinaing at adhikain ng masang mga manggagawa at magsasaka, at makiisa sa kanilang pakikibaka para baguhin ang kanilang kalagayang inaapi at pinagsasamantalahan. Sa pangunguna ng mga proletaryong kadre sa hanay ng KM, hinikayat ang mga kabataan na magbasa at mag-aral ng mga libro at sulatin ni Marx, Engels, Lenin, Stalin, Mao at iba pang mga dakilang komunistang paham upang hasain ang siyentipiko, kritikal at pangkasaysayang pag-iisip ng mga kabataang Pilipino, at gamitin ang rebolusyonaryong teorya bilang gabay sa kanilang pagkilos para isulong ang rebolusyonaryong pagbabagong panlipunan. Sa pamamagitan ng KM, umusbong ang isang bagong salinlahi ng mga proletaryong rebolusyonaryong kadre na kalaunan ay naging bahagi sa muling pagtatatag ng PKP noong 1968. Ang mga aktibista ng KM na pinakatapat sa rebolusyonaryong adhikain ay sumapi sa Bagong Hukbong Bayan na itinatag noong 1969. Sa mga sumunod na taon, ang KM ay nagsilbing isang bukal ng mga kabataang proletaryong kadre, dahilan kung bakit ang Partido Komunista ng Pilipinas ay nananatiling masigla at masigasig. Sa nagdaang mga dekada, tuluy-tuloy na dumaloy mula sa KM ang mga rebolusyonaryong nagtungo sa kanayunan, at lumahok sa digmang bayan bilang mga Pulang mandirigma at mga kumander, at mga opisyal ng pulitika ng hukbong bayan. Kahit napilitang maging lihim na organisasyon ang KM kasunod ng pagpataw ng batas militar noong 1972, nagpatuloy pa rin sa landas ng rebolusyonaryong paglaban. Nagpunyagi ito sa propaganda-edukasyon at pag-oorganisa sa mga kabataan upang gabayan sila sa pagbagtas sa landas ng pambansang demokrasya. Nagsilbi itong matibay na gulugod sa paglaban para pabagsakin ang diktadurang Marcos, at sa paglaban sa sunud-sunod na pseudo-demokratikong rehimen simula noong 1986. Sa mahigit lima't kalahating dekada, ang KM ay mahigpit na katuwang ng Partido sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Ginugunita natin ngayon ang pangkasaysayang anibersaryo ng KM sa panahong isinusulong ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan ang isang kilusang pagwawasto upang ituwid ang mga pagkakamali at kahinaan sa ideolohiya, pulitika at organisasyon, at pangibabawan ang idinulot nitong mga pinsala at pag-atras sa larangan ng pagsusulong ng armadong pakikibaka at rebolusyonaryong kilusang masa. Kasalukuyang binabaka ng Partido ang iba't ibang mga hibo ng kaisipang petiburges na nanuot at nagpahina sa Partido, laluna sa harap ng walang habas na paghahasik ng terorismo ng pasistang estado sa ilalim ni Marcos. Humahalaw ang Partido ng inspirasyon mula sa una at ikalawang dakilang kilusang pagwawasto na pinamunuan ni Ka Joma para isulong ang puspusang pakikibakang pang-ideolohiya para muling palakasin ang Partido at rebolusyonaryong kilusan. Hinihikayat namin ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan na puspusang mag-aral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, upang kritikal na lagumin ang sariling mga karanasan sa nagdaang mga taon at dekada, tukuyin at iwasto ang mga pagkakamali't kahinaan at lahatang-panig na itaas ang kakayahang isabalikat ang kanyang rebolusyonaryong tungkulin. Dapat na matalas na kilalanin at labanan ang iba't ibang tipo ng kaisipang petiburges na nagpapalaganap ng repormismo, liberalismo, ultrademokrasya, anarkismo, pseudo-radikalismo at iba pang tipo ng kaisipang naglalayo sa kanila sa landas ng rebolusyon. Dapat puspusan nilang kontrahin ang mga kaisipang indibidwalista, kawalang pakialam sa lipunan at karuwagan na itinatanim ng mga imperyalista sa kanilang kamalayan sa pamamagitan ng masmidya, social media at ng kolonyal na sistema ng edukasyon. Layunin ng mga naghaharing uri na sirain o pahinain ang diwa ng sama-samang pagkilos ng mga kabataan at ilayo ang kanilang isip sa mga komun na inaadhika ng bayan na kalayaan at demokrasya. Tulad nina Bonifacio, dapat gawin ng KM ang lahat upang tuluy-tuloy na ilimbag ang Kalayaan bilang pahayagan na naglalaman ng bagong kritikal na mga artikulong matalas na nagsusuri sa napapanahong mga isyu at naglalatag ng rebolusyonaryong mga panawagan. Dapat kontrahin ang imperyalistang pagkontrol sa isip at kamalayan ng mga kabataang Pilipino at gisingin ang kanilang diwang rebolusyonaryo sa pamamagitan ng muling pagpapasigla ng rebolusyong pangkultura at kilusang propaganda para sa pambansang demokrasya. Ang mga kabataang intelektwal, laluna, na nakaluklok sa kanilang mga akademikong tore ay dapat himuking bumaba sa lupa, upang mag-aral at magsagawa ng tunay na makabuluhang pananaliksik sa lipunan at kalagayan ng masang mga manggagawa at magsasaka, na silang lumilikha at nagpapalago sa yaman ng bansa, ngunit silang dumaranas ng pinakamalalang kahirapan at gutom. Napakamakabuluhan ng pangkasaysayang yugtong kasalukuyang kinatatayuan ng Kabataang Makabayan at mga kabataang Pilipino. Katulad noong unang itinayo ang KM noong dekada 1960 at unang mga taon ng dekada 1970, inaasahan ng Partido ang KM na magsasalin ng bagong rebolusyonaryong dugo at maghahatid ng bagong sigla sa matagal pang pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang kalayaan. Sa okasyon ng ika-60 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan, malakas na nananawagan ang Partido at sambayanang Pilipino sa mga makabayan at rebolusyonaryong kabataan na magtungo sa kanayunan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at lumahok sa digmang bayan. Higit kailanman, kailangang kailangan ng mga kabataan, laluna ng mga kabataang manggagawa at mga kabataang intelektwal, na mag-ambag ng kanilang kakayahan sa pagpapalakas ng hukbong bayan, upang higit itong maging epektibong sandata ng paglaban at pagtatanggol ng bayan sa harap ng walang kapantay na terorismo ng reaksyunaryong estado. Hinihikayat ng Partido ang kabataan mula sa kalunsuran na magtungo sa kanayunan upang lumahok sa pagsulong ng rebolusyong agraryo, sa pagtatanim at pag-aruga sa mga binhi ng demokratikong gubyernong bayan at pagpundar ng panibagong sistemang panlipunan. Sa harap ng lalong paglala ng krisis sa ekonomya at pulitika ng naghaharing sistema, tiwala ang Partido at sambayanang Pilipino na kabilang ang mga kabataang Pilipino na magmamartsa sa unahan ng militanteng mga pakikibaka ng bayan laban sa nagtataasang presyo, mababang sahod, malawakang kawalan ng trabaho, at pang-aagaw ng lupa at kabuhayan ng masa sa kalunsuran at kanayunan. Dapat palakasin ang kanilang boses sa pagtuligsa sa papet, korap, pahirap at pasistang rehimeng Marcos. Kailangang-kailangan ngayon na tumindig ng mga kabataan at sambayanan upang labanan ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo, ang tatlong ugat na suliranin na ngayon ay nagdudulot ng walang kapantay na pagdurusa sa sambayanang Pilipino. Ang tuluy-tuloy na paglala ng krisis sa ekonomya at lipunan sa nagdaang apat na dekada, at ng pabulok nang pabulok na sistemang pampulitika, laluna sa ilalim ng nagdaang sagad-sa-butong bulok na rehimeng Duterte at kasalukuyang rehimeng Marcos, ay patunay na walang patutunguhan ang malakolonyal at malapyudal na sistema kundi lalong pagkaagnas, krisis at pagdurusa. Higit kailanman sa kasaysayan, dapat itaguyod ang diwa ni Bonifacio at isulong ang rebolusyonaryong pakikibaka para kamtin ang tunay na pambansang kalayaan at demokrasya. | 00:46:54 |
marie.chu.sg | Panoorin: Milyong Anak, mula sa himig ng digbay album ng Gintong Silahis, platung pangkultura ng Bikol🎵🔥✊ https://youtu.be/WmgcgFjPU6s?si=SMZxcCaITpedLRae | 11:20:21 |
prwc_info | WELGA AT PAKIKIBAKA: Balita ng kilusang manggagawa sa Ang Bayan (1969-2024) Sa paggunita sa ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio at Araw ng Masang Anakpawis, inihahandog ng Ang Bayan ang koleksyong Welga at Pakikibaka: Mga Balita ng Kilusang Manggagawa sa Ang Bayan (1969-2024). Laman nito ang mahigit 100 artikulo hinggil sa mga pakikibaka ng masang manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryong gawain ng Partido para isulong ang militanteng kilusang manggagawa sa nagdaang higit limang dekada. Laman ng koleksyong ito ang mahahalagang editoryal ng Ang Bayan na naglahad ng pagsusuri ng Partido Komunista ng Pilipinas at paglalatag ng mga tungkulin ng uring manggagawa sa pamumuno at paglahok sa bagong demokratikong rebolusyon. Kabilang rin dito ang ilan sa mga pahayag ng Partido sa paggunita sa Araw ng Paggawa o Mayo Uno na inilathala ng AB. Marami sa mga artikulo ay nagtampok sa mga welga, sama-samang pagkilos at lokal na paglaban ng mga unyon para sa dagdag sahod at iba pa nilang karapatang pang-ekonomya at kagalingan. Mababatid sa mga artikulo ang mayaman at masaklaw na karanasan ng mga unyon. Mabibigyang hugis rin sa ilang artikulo ang inilunsad na pambansang kampanya ng mga manggagawa para sa dagdag sahod na kanilang walang kapagurang ipinaglaban. Binaybay din dito ang tuluy-tuloy na paglantad at paglaban sa anti-manggagawang mga patakaran sa nagdaang mga dekada, kabilang ang kontraktwalisasyon at hambalos ng neoliberalismo. May mga artikulong naglalahad sa pamumuno ng mga manggagawa sa mga pakikibakang bayan laban sa panghihimasok ng imperyalismong US sa Pilipinas, mahigpit na pagtuwang nito sa uring magsasaka sa anti-pyudal na pakikibaka at paglalantad sa burukrata-kapitalismo. Laman din nito ang mga artikulo na naglalantad sa kabulukan ng burges na unyonismo at mga elementong nagtataguyod ng kontra-rebolusyonaryo at maling mga kaisipan sa hanay ng mga manggagawa. Layunin ng mga elementong ito na biyakin at pigilan ang proletaryado sa pagtataguyod ng rebolusyonaryong tungkulin nito bilang namumunong uri sa pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Itinampok rin sa koleksyon ang pag-oorganisa ng lihim na kilusan ng mga manggagawa sa pangunguna ng Revolutionary Council of Trade Unions at ang naging tungkulin nito sa pag-aambag ng bagong mga kadre at mandirigma sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang mga artikulo ay nakasalansan alinsunod sa bolyum at petsa ng pagpkakalathala. Nakasaad sa footnote kung saang bolyum at anong bilang ng Ang Bayan lumabas ang mga iyon. Haluan ito ng mga artikulo sa English at Pilipino. Sa mga artikulong lumabas sa kapwa wika, pinaburan ng mga patnugot na isama ang artikulong nakasulat sa Pilipino. Ang teksto ng ilang mga artikulo sa koleksyon ay muling tinipa mula sa mga digital facsimile ng mga lumang isyu ng AB. Wala kaming binago sa mga ispeling at salitang ginamit, kahit pa ang pagbabaybay ay naiiba sa kasalukuyang sinusunod na alituntunin ng AB. Mapapansin sa ilang bahagi ang simbolong […] na nagsasaad na hindi na mabasa o nawawala ang mga salita mula sa orihinal na kopya. Sinikap na maging masinop sa pagrepaso sa mga teksto. Kung mayroon mang pagkakamali, mangyari lamang na ipaabot sa amin upang iyon ay maiwasto. Ikalulugod naming matanggap ang inyong mga komentaryo o katanungan tungkol sa librong ito. https://philippinerevolution.nu/2024/11/30/welga-at-pakikibaka-balita-ng-kilusang-manggagawa-sa-ang-bayan-1969-2024/ | 11:53:16 |
Bandit Heeler | In reply to @prwc_info:matrix.orgmay lalabas ba ditong english version? | 15:06:08 |
prwc_info | In reply to @japethvernon:matrix.orgSome articles in the collection are in English. But Ang Bayan has yet to inform us in the PRWC if they will be publishing an all-English version of the book collection. | 15:08:06 |
1 Dec 2024 | ||
prwc_info | PRWC Compilation | 06:57:28 |
prwc_info | * PRWC Compilation November 2024 https://philippinerevolution.nu/wp-content/uploads/2024/12/PRWC-Compilation-November-2024.pdf | 06:57:49 |
prwc_info | Ang Bayan Ngayon Compilation November 2024 - Pilipino https://philippinerevolution.nu/wp-content/uploads/2024/12/Ang-Bayan-Ngayon-Compilation-November-2024-Pilipino.pdf Ang Bayan Ngayon Compilation November 2024 - English https://philippinerevolution.nu/wp-content/uploads/2024/12/Ang-Bayan-Ngayon-Compilation-November-2024-English.pdf | 07:03:55 |
3 Dec 2024 | ||
Manitou set a profile picture. | 12:17:42 | |
Xenzeku | Download 1000012028.png | 14:28:42 |
5 Dec 2024 | ||
kobamolotov | Hello What does Filipino comrades think of Iranian government? | 12:05:44 |
Manitou changed their profile picture. | 15:32:57 | |
8 Dec 2024 | ||
prwc_info | https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-pamilya-kabilang-ang-2-menor-de-edad-sa-negros-oriental-ginipit-ng-62nd-ib/ | 15:36:15 |
prwc_info | https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagbasura-sa-reklamong-impeachment-sa-presidente-ng-south-korea-lalong-ikinagalit-ng-mamamayan/ | 15:37:00 |
prwc_info | https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-kasapi-ng-nupl-binigyang-parangal-ng-ibp/ | 15:37:37 |
prwc_info | https://philippinerevolution.nu/angbayan/74-gulang-na-maysakit-na-bilanggong-pulitikal-sa-iloilo-giit-na-palayain/ | 15:38:01 |
prwc_info | https://philippinerevolution.nu/angbayan/lider-magsasaka-sa-ilocos-muling-ginipit-ng-5th-id/ | 15:38:19 |