Sender | Message | Time |
---|---|---|
8 Dec 2024 | ||
prwc_info | https://philippinerevolution.nu/angbayan/doh-pinananagot-sa-nag-expire-na-mga-bakuna-at-gamot/ | 15:38:28 |
prwc_info | https://philippinerevolution.nu/angbayan/doh-pinananagot-sa-nag-expire-na-mga-bakuna-at-gamot/ | 15:38:37 |
9 Dec 2024 | ||
MatalimSaKanluran | Israel invades the Golan Heights. Zionist land grabbers. | 11:24:40 |
10 Dec 2024 | ||
prwc_info | Hold Marcos accountable for inhumane treatment of political prisoner Tomas Dominado Marco L. Valbuena, Chief Information Officer December 10, 2024 The Communist Party of the Philippines and the Filipino people express the strongest outrage at the inhuman treatment and acts of humiliation against political prisoner Tomas Dominado. Dominado, who is 74 years old, has long been known as a revolutionary activist and fighter in the Panay island. He has served as consultant of the National Democratic Front of the Philippines in peace negotiations. He survived a stroke last year. He suffers from hypertension and heart enlargement, neurological deficits and other serious medical issues. He needs a wheelchair to move, and requires the constant assistance of a caregiver. Putting him in jail is outright inhuman. It is a virtual death sentence. On orders of Marcos and his top police and military officers, Dominado was arrested, along with his caregiver "Jofel," last December 5 from his place of residence in Iloilo City and brought to the police station where conditions worsened his health condition. For two days, he has been complaining of difficulty in breathing. Dominado's legal representatives and medical doctors insisted that he be brought to a medical facility. Following a call and medical certification from the Iloilo Doctor's Hospital, the police provided an ambulance to transport Dominado. But instead of bringing him to the hospital, he was brought to the Regional Trial Court of Mambusao, 100 kilometers away. Despite being clearly unfit for incarceration, Dominado was ordered by the court to be remanded to a local jail, which has no health facility. A local doctor issued a medical certificate without even taking vital signs. His daughter was not allowed to accompany him. His bags containing his medical effects were not allowed inside the Pototan prison facility. The treatment and acts of humiliation by the police and courts against Dominado grossly violates his basic democratic rights. We join the family and friends of Dominado for him to be brought to a hospital and be immediately released. The charges of murder against Dominado are clearly manufactured to depict him as a criminal. They desperately want to obscure the fact that he is a revolutionary who has dedicated his entire life to the people's national democratic aspiration, and punish him severely for serving the oppressed and exploited masses. The inhumane treatment and humiliation of Dominado over the past days is testament to the gross state of human rights in the Philippines under the US-Marcos fascist regime. This is what Marcos has to offer today as the Filipino people mark International Human Rights Day. In its desperation to silence the people and suppress their democratic struggles, Marcos is unleashing state terrorism all over the country, perpetrating extrajudicial killings, abductions and unlawful arrests against civilians who are being persecuted for being supporters of the revolutionary movement. We join Tomas Dominado's family, friends and lawyers in demanding that he and his aide, be immediately released from prison and brought to a medical facility where he could be given the necessary care that he fully deserves. | 05:25:57 |
prwc_info | Youtube links of AB Videos: AB Editoryal | Disyembre 7 2024 https://youtu.be/n91PXUts_aY AB Headlines | Disyembre 7 2024 https://youtube.com/shorts/nd_aZuYai1Y AB Sa Madaling Salita | Disyembre 7 2024 https://youtube.com/shorts/5EsysnPyfMQ | 06:27:57 |
11 Dec 2024 | ||
Scarlet Witch | Hi! Sino dito merong pirata ng Sison Reader Series books 16-28 | 07:07:49 |
Scarlet Witch | penge ples | 07:07:55 |
Scarlet Witch | https://drive.google.com/drive/folders/1FBA0g_OJDW9DXauIfy608IY8X4Xevgph?usp=drive_link | 07:10:34 |
Scarlet Witch | Books 1-15 lang ang meron ako. | 07:10:54 |
prwc_info | Mga kasapi ng Kabataang Makabayan sa Pampanga, nanumpa sa bandila Pinagtibay ng mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM)-Pampanga ang kanilang paninindigan at katapatan sa organisasyon sa inilunsad na muling panunumpa sa bandila ng KM noong Oktubre. Inilunsad ito sa isang hindi tinukoy na sakahan sa prubinsya ayon sa ulat ng espesyal na isyu ng Kalayaan noong Oktubre na inilathala ng KM-Central Luzon. Ang ginamit na bandila sa panunumpa ay magkakasama ring inihanda ng mga kasapi ng KM-Pampanga. Ipininta nila ang gintong tatsulok at ang simbolo ng KM tulad ng sa Katipunan sa isang pulang tela. “[Ang bandila ay] sumisimbulo sa ginintuang tungkulin ng KM na magmulat, mag-organisa at magpakilos ng kabataan para sa Demokratikong Rebolusyong Bayan,” ayon sa pahayagan. Pinagtibay din nila ang buong pusong pagtanggap sa linya, programa at patakaran ng KM, pagsusulong ng rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante sa probinsya, pag-aambag sa armadong pakikibaka at pagpupunyagi sa pambansa-demokratikong rebolusyon hanggang sa ganap na tagumpay. Ayon sa ulat, lumahok din ang mga kabataan sa kolektibong pagbubungkal sa sakahan. Isinagawa ito ng balangay para ilapit ang loob ng mga kabataan sa mga usapin ng uring anakpawis at hikayatin silang regular na lumabas sa kanilang mga pamantasan upang makilahok sa produksyon at panlipunang praktika. Ibinahagi ng KM-Pampanga ang kanilang naging pagsasaayos sa balangay sa nagdaang mga buwan para pangibabawan ang mga kahinaan sa ideolohiya, pulitika at organisasyon. Inihayag rin ng balangay ang kanilang mga pagsisikap para magwasto, alinsabay sa ipinanawagang kilusang pagwawasto ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 2023. https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-kasapi-ng-kabataang-makabayan-sa-pampanga-nanumpa-sa-bandila/ | 12:51:03 |
prwc_info | Unyon sa Nexperia Philippines, muling nagsampa ng pabatid sa pagwewelga Bago matapos ang 2024, muling nagsampa ng “notice of strike” ang mga manggagawa ng Nexperia Philipppines Inc sa pangununa ng unyon nitong Nexperia Philippines Inc. Workers’ Union-National Federation of Labor Unions-Kilusang Mayo Uno (NPIWU-NAFLU-KMU) noong Disyembre 10 sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region IV-A sa Calamba, Laguna. Tugon ito ng unyon sa isang taon nang pag-antala ng kumpanya at deadlock sa negosasyon para sa bagong collective bargaining agreement (CBA). “Ang isyu ng deadlock sa negosasyon ng CBA sa pagitan ng unyon at ng Nexperia ay isang malinaw na halimbawa ng pagsasamantala ng mga kapitalista sa kanilang mga manggagawa,” pahayag ng unyon. Noong pang huling linggo ng Enero nagsimula ang negosasyon. Umabot na ito sa ika-21 na serye noong Nobyembre 29 pero hanggang ngayon ay wala pa ring sinasang-ayunan ang kapitalista sa kahingian ng unyon. “Mula sa simula ng negosasyon, hindi ito (Nexperia) nagbigay ng makatarungang counter proposal. Sa halip, ipinagpatuloy ng kumpanya ang pagtanggi sa mga alok ng unyon,” paliwanag ng unyon. Ilang ulit na rin umanong nag-alok ang mga manggagawa ng “adjustment” sa CBA ngunit nananatiling barat at makunat ang kapitalista ng Nexperia at tumatangging sumalubong sa mga makatarungang pangangailangan ng mga manggagawa. Ipinako ng Nexperia Philippines sa baryang ₱17 ang alok nito na dagdag sahod kada araw at ₱15,000 na signing Bonus. Ang giit ng unyon, dapat itong itaas tungong ₱50 dagdag kada araw para maging katanggap-tanggap man lamang para sa kanilang kalagayan. Paulit-ulit na idinadahilan ng kapitalista na “mababa ang bolyum” ng produksyon kaya hindi ito pumapayag sa kahingian ng unyon. “Ang mga aktwal na numero at obserbasyon sa loob ng planta, tulad ng mataas na quota at pagtaas ng pagpasok ng raw materials at mga bagong customer, ay nagpapakita ng kabaligtaran,” pahayag ng unyon. Liban pa, kabi-kabilang panggigipit at mainobra ang tugon ng Nexperia sa paglaban ng mga manggagawa. Sa nagdaang mga buwan, namalas ng NPIWU ang malinaw na mga hakbang ng kapitalista upang durugin ang unyon. Sinampahan nito ng kung anu-anong mga kaso ang mga upisyal ng unyon tulad ng “obstruction” sa panahon ng pagpapatipon sa mga kasapi nito, pagbabawal na gamitin ang ilang pasilidad para mag-apdeyt sa kasapian at iba pang maniobra. Tagumpay ng unang planong welga Matatandaan na nagpasyang magwelga ang mga manggagawa ng Nexperia sa pangunguna ng NPIWU noong Hulyo 29-30 matapos makakuha ng mayorya ng boto para sa welga. Naghain sila noong Hunyo 26 ng “notice of strike” dahil sa hindi makatarungang mga kundisyon sa paggawa tulad ng pagtatanggal sa mga upisyal ng unyon, pansamantalang pagtanggal sa mga kasapi ng unyon at paglabag sa mga prubisyon na nakasaad at napagkasunduan sa dating CBA. Halos 600 ang mga manggagawang apektado ng naging serye ng mga tanggalan sa kumpanya mula noong 2023. Ginamit na dahilan ng maneydsment ang “automation” at “cost-optimization” para ipatupad ang maramihang tanggalan sa panahong iyon. Dahil sa kapasyahan ng unyon at mga manggagawa, naitulak nito ang kapitalista na galangin ang unyon at karapatan ng mga manggagawa sa katiyakan sa trabaho. Sa isang kasunduang naabot noong Setyembre 18, nangako ang kumpanya na ibabalik ang mga tinanggal, palalawigin ang mga benepisyo at palalakihin ang separation pay ng mga manggagawa. Naitulak din ng unyon ang maneydsment na mangakong wala nang magaganap na tanggalan hanggang katapusan ng taon at magtutuluy-tuloy na ang negosasyon para sa panibagong CBA. Dahil dito, iniatras ng unyon ang planong welga na pinagbotohan ng mga manggagawa. Sa kasalukuyan, determinado ang mga manggagawa na igiit ang makatarungang dagdag sahod at iba pa nilang mga karapatan. Isasagawa ang pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig hinggil sa “notice of strike” na pangangasiwaan ng NCMB sa Disyembre 12. “Ang mga hakbang ng Nexperia ay nagpapakita ng layunin nilang pabagsakin ang unyon at ang mga karapatan ng manggagawa, ngunit ang patuloy na sama-samang paglaban ng mga manggagawa ay mahalaga upang maprotektahan ang kanilang mga karapatan at makinabang mula sa kanilang pagod at sakripisyo sa paggawa,” ayon pa sa NPIWU. Ang Nexperia Philippines ay subsidyaryo ng kumpanyang Nexperia na nakabase sa The Netherlands. Nagmamanupaktura ito ng mga semiconductor sa mga pabrika nito sa Europe, Asia at US. https://philippinerevolution.nu/angbayan/unyon-sa-nexperia-philippines-muling-nagsampa-ng-pabatid-sa-pagwewelga/ | 12:52:58 |
prwc_info | Sigaw sa Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao: Duterte panagutin, Marcos, singilin! Nagtipon ang mga demokratikong organisasyon at progresibong partido sa Liwasang Bonifacio sa Maynila kahapon, Disyembre 10, para gunitain ang ika-76 Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao. Dala ang panawagang “Duterte panagutin, Marcos singilin,” inilahad nila ang kalunus-lunos na kalagayan ng karapatang-tao sa bansa sa ilalim ng dalawang magkasunod na rehimen. Nagkaroon ng parehong mga pagkilos sa iba’t ibang syudad sa buong bansa. Sa Liwasan, sinira ng mga raliyista ang isang effigy na tinawag nilang “Mamamayan vs Kasamaan at Kadiliman.” Inilarawan nito sina Ferdinand Marcos Jr at ang mga Duterte sa isang basurahan na sumisimbolo sa kanilang kabulukan. “Sa taong ito, ginugunita natin ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao sa harap ng muling pagtatangka ng rehimeng Marcos Jr na pabanguhin ang sarili nito sa gitna ng dumaraming paglabag ng mga tauhan nito sa militar at pulis sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas,” pahayag ng Karapatan. Sa mismong araw na iyon, inilunsad ng rehimeng Marcos ang huwad na Human Rights Action Plan, isang plano na binatikos ng mga grupo sa karapatang-tao na “hindi naglalayong tugunan ang mga pangunahing problema na nagdudulot ng mga paglabag sa karapatang sibil at pampulitika at internasyunal na makataong batas.” Sa halip, isa itong pakitang-taong plano para palabasing “maayos ang lahat” sa Pilipinas sa mata ng internasyunal na komunidad. “Dapat parehong panagutin sina Rodrigo Duterte at Ferdinand Marcos Jr sa bawat buhay na kinitil, bawat biktima ng sapilitang pagkawala, bawat nabilanggo nang walang kasalanan, bawat pinaghinalaang adik o pusher na pinaslang,” ayon sa Karapatan. “Dapat (ring) panagutin ang imperyalismong US, na siyang nagdidisenyo at nagpopondo sa mga madugong pakanang ito. Sadyang sinusuhayan ng US ang mga rehimeng sunud-sunuran sa mga patakarang pabor sa mga imperyalista at sumusupil sa karapatan ng mamamayang lumaban at maghimagsik sa mga mapanupil na papet na ito.” Sa Bicol, nagtipun-tipon ang mga grupo sa pamumuno ng Bayan-Camarines Sur sa Plaza Quinze Martirez sa Naga City. Samantala, nailunsad ng mga grupong demokratiko ang protesta sa harap ng panrehiyong upisina ng Commission of Human Rights (CHR) sa Legazpi City sa kabila ng panghaharang sa kanila ng mga pulis habang nagtitipon pa lamang sila sa Daraga, Albay. Ayon kay Nica Ombao ng Bicolana Gabriela, minultahan ng mga puis ang mag drayber ng dyip na sinasakyan ng mga raliyista sa kabila ng pagpapakita nila ng permit. Pinagsisigawan din sila ng mga pulis at pinagbawalang kumuha ng bidyo at litrato para sa dokumentasyon. Nagsampa na ng kaso ang Bayan-Bicol laban sa mga upisyal ng pulis na sina Azotea, Fradela, Esenar, Piamir, at dalawa pang nakadamit-sibilyan. Sa Cebu, hindi napigilan ng pag-ulan ang pagtitipon ng mga raliyista sa Metro Colon. Kasama sa mga lumahok si Bebe Allere, tagapangulo ng Cebu Urban Poor Women’s League, na nagbahagi ng mga paglaban ng maralitang lunsod sa militarisasyon sa mga syudad ng Cebu, Mandaue at Lapu-lapu. Nagbahagi rin si Nick Abasolo, pinuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Cebu hinggil sa militarisasyon sa mga komunidad ng magsasaka sa Cebu, pinakahuli ang pagkakampo ng militar sa Bonbon, Aloguinsan. Bahagi rin ng protesta ang Bayan MUna, Selda-Cebu at Piston-Cebu. Sa Iloilo, nagprotesta sa harapan ng munisipyo ang mga myembro ng Panay Alliance Karapatan. Sa Davao City, sa Freedom Park inilunsad ng grupong Karapatan-SMR ang paggunita. Sa Baguio, isinagawa ng mga progresibong grupo ang gabi ng sining at pagkakaisa sa Igorot Park. Sa espesyal na ulat ng Ang Bayan na inilabas doon ding Disyembre 10, umaabot sa 508,239 ang bilang ng mag biktima ng rehimeng Marcos mula nang umupo ito sa poder noong Hunyo 30, 2022 hanggang Disyembre 1 ngayong taon. Nakapagtala ang AB ng 232 biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang at 79 bigong pagpaslang, karamihan mga magsasaka; 233 biktima ng pagdukot at 488 iligal na pag-aresto at detensyon. Mayroong 179 biktima ng tortyur at 241 biktima ng pananakit. Dagdag dito ang 2,343 biktima ng pamimilit, 82,723 bikitima ng sapilitang pagbabakwit at dislokasyon ay 160,862 bikton ng pambabanta, panggigipit at intimidasyon. https://philippinerevolution.nu/angbayan/sigaw-sa-internasyunal-na-araw-ng-karapatang-tao-duterte-panagutin-marcos-singilin/ | 12:53:37 |
prwc_info | Panibagong ekstensyon sa konsolidasyon ng prangkisa ng dyip, desperasyon ng rehimeng Marcos Binatikos ng mga grupo ng karaniwang tsuper at opereytor ng dyip ang inilabas na Memorandum Circular No. 2024-043 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Disyembre 5 na naglalayong palawigin na namang muli ang palugit ng sapilitang konsolidasyon ng prangkisa ng mga dyip. Anila, ang hakbang na ito ay malinaw na nagpapakita sa desperasyon ng rehimeng Marcos at nagpapatunay ng malawakang kapalpakan ng anti-mahirap at makadayuhang Public Transport Modernization Program (PTMP, dating PUVMP). Ayon sa Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide), layunin pa rin nitong pilitin ang mga tsuper at opereytor ng mga tradisyunal na dyip na pumaloob sa konsolidasyon at PTMP. Iniusod ng LTFRB ang dedlayn hanggang Disyembre 31 at pinahihintulutan ang pagyahe ng mga mayrong “provisional authority o PA”. “Ang totoo, ‘di lang maamin ng LTFRB na palpak ang programa nila kaya puro pantapal lang na extension ang laging ginagawa nito,” anang grupo. Sa nagdaang dalawang taon, ilang beses nang nagpatupad ng pagpapalawig ng palugit ang LTFRB para ampatin ang malawakang krisis sa transportasyon na idinudulot ng kanilang bulok na PTMP. Ayon sa Piston, marami sa mga opereytor na napilitang mag-apply sa konsolidasyon na humabol sa dedlayn noong nakaraang taon ang hanggang ngayon ay hindi pa rin naipoproseso ng LTFRB. “Ang gusto kasi ng gubyerno, ay direktang isuko na ng maliliit na operator ang kanilang mga prangkisa sa malalaking korporasyon at kooperatiba para mamonopolyo nila ang mga rutang matagal na itinaguyod at pinakikinabangan ng mga ordinaryong Pilipino,” pahayag ng grupo. Ganito rin ang sentimyento ng grupong Manibela (Samahang Manibela Mananakay and Nagkaisang Terminal ng Transportasyon). Anang grupo, walang bago dito at patuloy na maraming nililinlang na karaniwang mamamayan ang pgorama. “Ngayon taon-taon na ang extension ng [provisional authority para sa pagbyahe] na dati ay limang taon ang validity ng ating mga prangkisa!” Sa harap ng lalo pang pagkakalantad sa kabulukan at mga kasinungalingan ng LTFRB at ng gobyerno ni Marcos, nanawagan ang Piston at Manibela na ipagpatuloy ang kanilang laban para sa karapatan sa prangkisa at kabuhayan. “Meron tayong sama-samang pagkilos na hindi kayang matibag ng sinuman sa kadiliman at kasamaan!” anang Piston. https://philippinerevolution.nu/angbayan/panibagong-ekstensyon-sa-konsolidasyon-ng-prangkisa-ng-dyip-desperasyon-ng-rehimeng-marcos/ | 12:55:53 |
prwc_info | Pababawas ng taripa sa imported na bigas, inaming inutil sa pagpapababa ng presyo sa merkado Ang Bayan Ngayon | December 11, 2024 Inamin ng mga upisyal ng National Economic and Development Authority (Neda) kahapon, Disyembre 10, sa isang pagdinig sa Kongreso na hindi naipababa ng pagbabawas ng taripa sa imported na bigas ang presyo nito sa merkado at bagkus ay ibinagsak nito ang pagbili ng lokal na palay. Ayon sa mga upisyal ng NEDA, bumaba nang 17.8% ang presyo ng bigas mula sa Vietnam mula Hunyo hanggang Oktubre ngayong taon. Pero, inamin nila na napakaliit–1.7% lamang o wala pang ₱2–ng ibinaba ng presyo ng bigas sa lokal na merkado. Ang malala, bumagsak nang 16.8% ang presyo ng pagbili ng bilihan ng palay sa mga magsasaka. Mula’t sapul, sinabi na ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na hindi ibaba ng dagdag na importasyon ang bigas, mula pa unang isabatas ang Rice Liberalization Act ng rehimeng Duterte noong 2019. Pinalala ito ng Executive Order (EO) No. 62 na inilabas ni Ferdinand Marcos Jr noong Hunyo na nagbagsak sa ipinapataw na taripa sa imported na bigas mula 35% tungong 15%. Ipinagmamalaki noon na magdudulot ito ng ₱5-₱6 pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado. Dapat lalo pa itong mababa dulot ng pagtaas ng halaga ng piso kontra sa dolyar. Sa kabilang banda, tuluy-tuloy na bumagsak ang presyo ng bilihan ng palay mula nang magsimula ang anihan noong Setyembre. Ayon sa KMP, bumagsak tungong ₱13-₱19 sa simula ng anihan sa Cagayan, Albay, Isabela at Laguna. Lalo itong bumagsak sa kasagsagan ng anihan. Sa Laguna noong Oktubre, nasa ₱15 na lamang kada kilo ang bilihan ng palay. Nang tumama ang bagyong Kristine, dumapa ang kanilang mga pananim at nalubog sa baha ang palay, dahilan ng lalo pang pagbabarat sa presyo tungong ₱10 na lamang kada kilo. Sa imbestigasyon din sa Kongreso, napag-alaman ring sobra-sobra ang suplay ng bigas sa Pilipinas dahil sa laki ng bolyum ng inangkat. Naging tampulan ng mga tanong ang grupo ng mga importer na tumanggi sa paratang na itinatago (hoard) nila ang suplay para pigilan ang pagbaba ng presyo sa merkado. Gayunpaman, dalawang beses nang napabalita ang pagkatambak ng milyun-milyong toneladang bigas sa mga daungan sa Luzon na sadyang hindi inilalabas noong panahon ng anihan. Ayon sa Bantay Bigas, sadyang pinahihintulutan ng Rice Liberalization Law at EO 62 ang malalaking komersyante at importer na tumabo ng malalaking tubo sa kapinsalaan ng mga magsasaka, ng lokal na produksyon ng palay at katiyakan sa pagkain. https://philippinerevolution.nu/angbayan/pababawas-ng-taripa-sa-imported-na-bigas-inaming-inutil-sa-pagpapababa-ng-presyo-sa-merkado/ | 12:57:49 |
prwc_info | Walang basehang reklamong inihain kay Rep. Castro sa Kongreso, pampulitikang paghihiganti Sunud-sunod na pagkundena ng mga demokratikong organisasyon, kabilang ng mga organisasyon ng Lumad at katutubo, ang sumalubong sa inihain ng huwad na grupong Lumad na pinatatakbo ng NTF-Elcac laban kay Rep. France Castro kahapon, Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao. Ayon kay Castro, isa na naman itong panggigipit sa kanya, tulad ng ikinaso sa kanya at sa Talaingod 13 dahil sa pagsaklolo nila sa mga guro at estudyante sa isang paaralang Lumad sa gitna ng militarisasyon. “Kilala namin ang mga taong nasa likod ng panggigipit na ito,” aniya. “Sila rin ang mga indibidwal na nabunyag na mga tagalabag sa karapatang-tao at mandarambong sa kaban ng bayan. Aniya, ginawa ito ng naturang mga indibidwal para “maghiganti at pagtakpan ang kanilang ginawang kasamaan laban sa mamamayan.” “Masyado kasing nalantad ang ginawang pagpatay sa ilalim ng pekeng drug war ni Duterte sa Quad com, at ang paglustay ng confidential funds ni VP Duterte at ngayon ay may impeachment na siyang kinakaharap at may International Criminal Court (ICC) naman ang matandang Duterte. Kaya ngayon ay kinakalampag nila ang mga kapwa red tagger nila sa NTF-ELCAC para harasin ang mga tulad namin na naglantad sa kanilang kalokohan,” aniya. “Pulitikal na paghihingante” rin ang tawag ni Atty. Karlos Zarate, dating kinatawan ng Bayan Muna Partylist, sa kasong isinampa ng huwad na organisasyong lumad laban kay Rep. Castro sa komite sa ethics ng Kongreso “Ang kasong ito ay isang pilit na iskemang ginawa at binuo ng pasistang mga pwersa at ang totoong layunin ay gipitin si Rep. Castro, na nanguna sa pagbubunyag at pagnawagan para sa pagbabasura sa confidential at intelligence funds na pawang pork barrel na mga pondo,” ani Zarate. Hindi rin ito makatatayo dahil hindi pa pinal ang hatol na nagkasala kay Rep. Castro sa mga gawa-gawang kaso, na nakaapela pa sa Court of Appeals, aniya. Sa gayon, hindi obligado o walang batayan ang komite sa ethics ng Kongreso na gumawa ng hakbang kaugnay sa petisyon. Batay sa sarili nitong mga tuntunin, kailangang ipagpapaliban ng komite ang anumang aksyon laban sa isang kongresistang may nakasampang reklamo hanggang pinal ang hatol sa kanya. “Malinaw na hindi aakto ang komite sa walang batayang reklamo dahit nakaapela pa ang usapin,” ayon kay Zarate. “Ang ganitong katawa-tawang akusasyon ay pantabing lamang sa karumal-dumal na mga krimen ng estado laban sa katutubong mamamayan, na deka-dekada nang binobomba, pinapatay at binubusalan dahil sa paglaban nila sa malalaking minahan at sa pag-agaw ng mga lupang ninuno,” pahayag ni Liza Maza, tagapangulo ng Koalisyong Makabayan at kandidato pagkasenador. “Ang dapat kasuhan at ibilanggo ay ang mga lumalapastangan sa karapatan ng mga Lumad, hindi ang mga nagtuturo, nagtatanggol, at naglilingkod sa kanila. Patuloy naming ipaglalaban ang karapatan ng mga katutubo at ang hustisya para sa Talaingod 13,” ayon kay Antonio Tinio, unang nominado ng ACT Teachers Party. “Patuloy kaming maninindigan para sa hustisya, hindi lamang para sa amin kundi para sa lahat ng mga Lumad na biktima ng pang-aabuso. Hindi kami titigil sa paglaban hanggang makamit ang katarungan,” ayon kay Castro. | 12:58:42 |
prwc_info | * Walang basehang reklamong inihain kay Rep. Castro sa Kongreso, pampulitikang paghihiganti Sunud-sunod na pagkundena ng mga demokratikong organisasyon, kabilang ng mga organisasyon ng Lumad at katutubo, ang sumalubong sa inihain ng huwad na grupong Lumad na pinatatakbo ng NTF-Elcac laban kay Rep. France Castro kahapon, Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao. Ayon kay Castro, isa na naman itong panggigipit sa kanya, tulad ng ikinaso sa kanya at sa Talaingod 13 dahil sa pagsaklolo nila sa mga guro at estudyante sa isang paaralang Lumad sa gitna ng militarisasyon. “Kilala namin ang mga taong nasa likod ng panggigipit na ito,” aniya. “Sila rin ang mga indibidwal na nabunyag na mga tagalabag sa karapatang-tao at mandarambong sa kaban ng bayan. Aniya, ginawa ito ng naturang mga indibidwal para “maghiganti at pagtakpan ang kanilang ginawang kasamaan laban sa mamamayan.” “Masyado kasing nalantad ang ginawang pagpatay sa ilalim ng pekeng drug war ni Duterte sa Quad com, at ang paglustay ng confidential funds ni VP Duterte at ngayon ay may impeachment na siyang kinakaharap at may International Criminal Court (ICC) naman ang matandang Duterte. Kaya ngayon ay kinakalampag nila ang mga kapwa red tagger nila sa NTF-ELCAC para harasin ang mga tulad namin na naglantad sa kanilang kalokohan,” aniya. “Pulitikal na paghihingante” rin ang tawag ni Atty. Karlos Zarate, dating kinatawan ng Bayan Muna Partylist, sa kasong isinampa ng huwad na organisasyong lumad laban kay Rep. Castro sa komite sa ethics ng Kongreso “Ang kasong ito ay isang pilit na iskemang ginawa at binuo ng pasistang mga pwersa at ang totoong layunin ay gipitin si Rep. Castro, na nanguna sa pagbubunyag at pagnawagan para sa pagbabasura sa confidential at intelligence funds na pawang pork barrel na mga pondo,” ani Zarate. Hindi rin ito makatatayo dahil hindi pa pinal ang hatol na nagkasala kay Rep. Castro sa mga gawa-gawang kaso, na nakaapela pa sa Court of Appeals, aniya. Sa gayon, hindi obligado o walang batayan ang komite sa ethics ng Kongreso na gumawa ng hakbang kaugnay sa petisyon. Batay sa sarili nitong mga tuntunin, kailangang ipagpapaliban ng komite ang anumang aksyon laban sa isang kongresistang may nakasampang reklamo hanggang pinal ang hatol sa kanya. “Malinaw na hindi aakto ang komite sa walang batayang reklamo dahit nakaapela pa ang usapin,” ayon kay Zarate. “Ang ganitong katawa-tawang akusasyon ay pantabing lamang sa karumal-dumal na mga krimen ng estado laban sa katutubong mamamayan, na deka-dekada nang binobomba, pinapatay at binubusalan dahil sa paglaban nila sa malalaking minahan at sa pag-agaw ng mga lupang ninuno,” pahayag ni Liza Maza, tagapangulo ng Koalisyong Makabayan at kandidato pagkasenador. “Ang dapat kasuhan at ibilanggo ay ang mga lumalapastangan sa karapatan ng mga Lumad, hindi ang mga nagtuturo, nagtatanggol, at naglilingkod sa kanila. Patuloy naming ipaglalaban ang karapatan ng mga katutubo at ang hustisya para sa Talaingod 13,” ayon kay Antonio Tinio, unang nominado ng ACT Teachers Party. “Patuloy kaming maninindigan para sa hustisya, hindi lamang para sa amin kundi para sa lahat ng mga Lumad na biktima ng pang-aabuso. Hindi kami titigil sa paglaban hanggang makamit ang katarungan,” ayon kay Castro. https://philippinerevolution.nu/angbayan/walang-basehang-reklamong-inihain-kay-rep-castro-sa-kongreso-pampulitikang-paghihiganti/ | 12:58:51 |
prwc_info | Madaliin ang paglalabas ng 'Writ of Kalayaan,' panawagan ng pamilya ng mga bilanggong pulitikal Ang Bayan Ngayon | December 11, 2024 Nagtipun-tipon ang pamilya ng mga bilanggong puliitkal sa harap ng Korte Suprema sa Maynila noong Disyembre 10, Internasyunal Araw ng Karapatang-tao, para ipanawagan sa korte ang kaagad na paglalabas ng “writ of kalayaan.” Ang naturang writ ay isang ligal na remedyo para paluwagin ang mga kulungan at tugunan ang karapatan ng mga bilanggo sa bansa. Unang iminungkani ang writ of kalayaan ni Associate Justice Marvic Leonen noong 2020 kasunod ng petisyon ng Kapatid, grupong sumusuporta sa mga bilanggong pulitikal, na palayain ang bulnerable sa sakit na mga bilanggo noong panahon ng pandemya. Kasabay ng pagkilos ng mga pamilya, isinumite nila ang isang apela sa Korte Suprema para pabilisin ang proseso ng paglalabas nito. Anang Kapatid, sana ay maging isang regalo ito ngayong kapaskuhan para sa mga bilanggong pulitikal at magsilbing pagkilala sa kanilang mga karapatang-tao at dignidad bilang mga preso. “Ang mga kondisyon sa mga bilangguan sa Pilipinas ay lubhang kakaawa-awa, na nagiging sanhi ng malupit at hindi pangkaraniwang parusa, at kahit hayagang pagpapahirap,” paliwanag ng grupo sa apela sa korte. Hinimok nila ang Korte Suprema na bumisita sa mga kulungan para masaksihan ang kalunus-lunos na kalagayang iyon. Noong 2022, mayroong tatlo hanggang apat na bilanggo ang namamatay kada araw sa mga kulungan ng Pilipinas. Hindi ligtas sa kalagayang ito ang mga bilanggong pulitikal. Sa ilalim ng rehimeng Marcos, walong bilanggong pulitikal na ang namatay sa mga sakit na pinalubha ng pinatagal na pagkukulong ng estado. Sa tala ng Karapatan, mayroong kasalukuyang 757 bilanggong pulitikal sa bansa kung saan 103 ay matatanda at 97 ang maysakit. Nasa 156 sa mga bilanggo ay kababaihan, habang 17 naman ay mga konsultant pangkapayapaan at istap ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Sa harap ng korte, isa-isang nagsalita ang ilang mga kaanak ng mga bilanggong pulitikal para umapela sa mga mahistrado. Kabilang sa mga nagtalumpati ang mga apo nina Lola Virginia Villamor, 73, at asawang si Alberto Villamor, 69. Ang mag-asawa ay inaresto noong Nobyembre 8, 2018 sa kanilang bahay sa Quezon City kasunod ng pinalalabas ng mga pwersa ng estado na pagkasamsam sa kanila ng mga armas at pampasabog. “Anim na taon na mula nang si Lola Virginia Villamor ay nakulong at halos hindi na siya makalakad ngayon. Labas-masok na siya sa ospital at natatakot kami sa lumalala niyang kalusugan,” pahayag ni Symone Villamor, kanyang apo. Dagdag naman ni Andrei Villamor, apo ng mag-asawa, “alam namin ang katotohanan…wala sa aming mga lolo at lola ang mayroong baril.” Ayon kay Fides Lim, tagapagsalita ng Kapatid, ang mag-asawa ay idinawit lamang ng mga pwersa ng estado sa pagkakakulong at pag-aresto kay Vicente Ladlad, isang konsultant pangkapayapaan ng NDFP. Dinampot si Ladlad sa bahay ng mga Villamor nang makaisang-panig na ibinasura ng dating rehimeng Duterte ang usapang pangkapayapaan at ipinag-utos ang pag-aresto sa lahat ng mga konsultant nito. Ibinahagi pa ni Lim na ang mag-asawang Villamor at si Ladlad ay kabilang sa 76 na biktima ng “search warrant factory” ni Judge Cecilyn Villavert. Halos lahat ng mga biktima ng mga mandamyento na ito na nagresulta sa iligal na mga pag-aresto ay naibasura na sa kasalukuyan. Umaasa sila at ang buong Kapatid na ipagkakaloob ng korte ang ligal na remedyong ito sa pinakamadaling panahon. “Kakapit kami sa kahit anong posibilidad na nagbibigay sa amin ng pag-asa,” ayon pa kay Lim. Samantala, binatikos ng grupo ang panggigipit ng Bureau of Corrections sa mga bilanggong pulitikal sa nagdaang mga linggo. Ayon sa grupo, pinagbabawalan ng BuCor ang pagpapasok ng water dispenser, mga rice cooker at electric fan para sa mga bilanggong pulitikal sa New Bilibid Prison. Malinaw umano itong porma ng diskriminasyon at panggigipit dahil pinahihintulutan naman nito ang ibang mga preso. https://philippinerevolution.nu/angbayan/madaliin-ang-paglalabas-ng-writ-of-kalayaan-panawagan-ng-pamilya-ng-mga-bilanggong-pulitikal/ | 12:59:36 |
prwc_info | 3rd ID at AFP, nanggalaiti sa mga poster ng KM sa mga unibersidad sa Iloilo Walang pagsidlan ang panggagalaiti ng 3rd ID sa pamumuno ng kumander nito na si Maj. Gen. Marion Sison sa mga poster at polyeto ng Kabataang Makabayan (KM) na ipinakalat ng rebolusyonaryong organisasyon sa University of the Philippines (UP)-Visayas at West Visayas State University (WVSU) noong nakaraang linggo. Ang mga poster at polyeto ay naglalaman ng mga panawagan ng KM sa mga kabataan na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) at pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo nito noong Nobyembre 30. Kaugnay ng anibersaryo ng KM, binati at pinagpugayan ng KM-Panay ang lahat ng mga balangay at kasapi nito sa buong isla. Nag-alay rin ito ng parangal sa lahat ng mga kabataang nagbuwis ng buhay at namartir bilang mga Pulang mandirigma ng BHB. “Malinaw pa rin sa atin ang ating tungkulin bilang mga kabataang mulat sa tunay na kalagayan ng ating lipunan: pukawin ang lahat ng kabataan, makiisa sa pakikibaka ng masang anakpawis at hikayatin sila sa daan ng armadong pakikibaka,” pahayag ni Ka Victoria Juven, tagapagsalita ng KM-Panay. Ayon pa kay Juven, hinaharap ng mga kabataan at kabataan-estudyante sa Panay at sa buong bansa ang napakaraming suliranin na siyang dahilan ng patuloy nilang pagtindig. Nariyan, aniya, ang mga isyu ng kakulangan ng pasilidad at guro sa mga eskwelahan, patuloy na represyon sa mga kampus kabilang ang Red-tagging, intimidasyon at pagbabawal sa mga progresibong organisasyon. Maging ang mga pribadong eskwelahan ay pinapasok ng mga pwersa ng estado at National Task Force-Elcac para sa kampanyang panunupil. “Desperado ang gubyerno sa pagpigil na maging kritikal ang kabataan at mamamayan,” ayon sa tagapagsalita. Aniya, hindi krimen ang pag-aalsa laban sa inhustisya at pakikibaka para baguhin ang isang bulok na sistema, at higit lalong hindi krimen ang pagiging rebolusyonaryo. Nanawagan ang KM-Panay sa lahat ng kabataan na ialay ang kanilang kaalaman at lakas sa pambansa-demokratikong rebolusyon sa pagsapi sa BHB. Ito lamang umano ang tanging paraan para makamtan ang isang lipunang ganap na malaya. Takot na takot ang 3rd ID Kasunod ng paglitaw ng mga poster, istiker at polyeto ng KM sa dalawang unibersidad sa Iloilo, nagpahayag ng labis na pagkabahala si Maj. Gen. Sison sa tinawag niyang “agresibong mga aksyon” ng KM laluna at “bulnerable ang mga estudyante sa ganitong mga taktika.” Dahil dito, inatasan niya ang 3rd ID at kinumpasan ang Regional Task Force-Elcac 6 na magsagawa ng imbestigasyon para tugisin ang mga nagpaskil ng poster at nagpalaganap ng materyal para sa rekrutment sa BHB. Isinusulong ng 3rd ID ang isang “koordinadong inter-ahensyang pagtugon para pigilan ang rekrutment ng [KM] sa mga kabataan.” Tulad sa nakaraan, hindi malabong humantong na naman ito sa isang kampanya ng Red-tagging sa mga ligal na organisasyon at samahan ng mga kabataan sa mga unibersidad. Itinulak rin ng 3rd ID ang mga upisyal ng unibersidad na “aktibong makipagtulungan” sa mga pwersa ng gubyerno laban sa sinasabi nitong kumon na kaaway na rebolusyonaryong organisasyon. Matatandaang noong 2021, ay nag-ikot ang mga sundalo at pulis sa mga unibersidad para “linisin” ang mga silid-aklatan nito at samsamin ang lahat ng tinagurian nitong mga “subersibong libro at dokumento. https://philippinerevolution.nu/angbayan/3rd-id-at-afp-nanggalaiti-sa-mga-poster-ng-km-sa-mga-unibersidad-sa-iloilo/ | 13:00:25 |
13 Dec 2024 | ||
MatalimSaKanluran | 2 A10 Warthog ng US Airforce ang namataang dumaan ng nay low altitude sa Sablayan, Occidental Mindoro ng mga residente | 02:42:59 |
marie.chu.sg | https://npasorsogon.wordpress.com/2024/12/13/ilitaw-si-gerald-gestole-dating-myembro-ng-npa-sorsogon/ | 12:20:40 |
14 Dec 2024 | ||
prwc_info | COA, hinimok na ilabas ang ulat sa paggastos ni Marcos Jr sa ₱4.57 bilyong CIF Hinamon ng Bagong Alyansa Makabayan (Bayan) ang Commission on Audit na maglabas ng ulat kaugnay sa paggastos ni Ferdinand Marcos Jr ng confidential at intelligence funds (CIF) ng kanyang upisina sa nakaraang taon. Ayon kay Renato Reyes, presidente ng Bayan, dapat masuri ito ng publiko tulad ng pagsuri sa CIF ng bise-presidente. Panahon na para tanggalin lahat ng klase ng confidential funds, kabilang ang pondo para sa presidente. “Sa ngalan ng transparency at accountability, dapat ilabas ng COA ang lahat ng nalalaman nito kaugnay sa CIF ng upisina ng presidente,” pahayag ni Reyes. Noong 2023, ginastos ni Marcos ang ₱4.57 bilyon na inilaan niyang CIF sa kanyang upisina, na halos kalahati ng kabuuang ₱10.4 bilyong CIF sa badyet. Mas mataas ito sa ₱4.5 bilyong CIF na ginastos ng Malacañang noong 2022. Ilang ulit itong mas malaki kumpara sa CIF ni BP Sara Duterte. Tinukoy ni Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation na katumbas ito sa ₱12.5 milyon kada araw sa loob ng 365 araw. Mas mataas ito sa ₱11.4 milyon kada araw na ginastos ni Duterte sa loob ng 11 araw. Inilarawan ito ni Reyes na “nakahihilong halaga.” (mindblowing amount). Batay sa mga ulat, ginastos ang naturang halaga sa sumusunod: ₱2.2 bilyon bilang confidential expenses; ₱2.3 bilyon para sa intelligence expenses; at mahigit ₱10 milyon para sa “extraordinary” at “miscellaneous” expenses. https://philippinerevolution.nu/angbayan/coa-hinimok-na-ilabas-ang-ulat-sa-paggastos-ni-marcos-jr-sa-%e2%82%b14-57-bilyong-cif/ | 05:19:05 |
prwc_info | Matandang inaresto sa Olongapo City, maling pinalalabas ng rehimeng Marcos na dating kumander ng hukbong bayan—PKP Pinasinungalingan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pinangangalandakan ng Philippine National Police at ng rehimeng Marcos na naaresto nito ang kumander ng Bagong Hukbong Baayan (BHB) na si Prudencio Calubid noong Disyembre 7 sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City. Ayon kay Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng Partido, hindi si Calubid ang inaresto dahil noon pang 2006 siya dinukot at iwinala ng rehimeng Arroyo. “Mahigpit naming tinutuligsa ang rehimeng Marcos…sa bulaang pahayag [at] kinukundena namin ang pag-aresto sa hindi kilalang matandang lalaki,” ayon kay Valbuena. Malinaw na motibo ng pag-aresto ang makubra ang ₱7.8 milyong ipinatong ng militar at pulis sa ulo ni Calubid, aniya. Ayon sa PNP, naaresto ang matanda sa ilalim ng “Oplan Pagtugis” at “Oplan Salikop.” Isang buwan umano ang kanilang iginugol para sa gawaing paniktik at pagmamanman para madakip ang matanda. Mayroon umanong kaso si Calubid na robbery with double homicide, damage to property, at 15 bilang ng pagpatay. “Si Calubid ay dinukot at winala ng mga ahente ng militar noong 2006. Kasama niyang dinukot ang kanyang asawa na si Celina Palma, sina Ariel Beloy, Antonio Lacno at ang kaniyang pamangkin na si Gloria Soco,” ayon kay Valbuena. Ang sasakyan ni Calubid at mga kasama ay hinarang sa isang di mataong bahagi ng haywey sa Sipocot, Camarines Sur habang bumibiyahe patimog. Nakita ng isang saksi kung paano sila pinosasan, piniringan, at pwersahang ipinasok sa iba’t ibang sasakyan. Noong Hunyo 26, 2010, pinarangalan ng Partido si Calubid at kanyang mga kasamang dinukot ng mga pwersa ng estado. Inilarawan sa espesyal na isyu ng Ang Bayan ang pinagdaanan ng mga biktima sa kamay ng mga berdugo. “Sa loob ng dalawang araw, ang lahat ng mga dinukot ay dumanas ng matinding tortyur sa safehouse ng militar. Narinig nila ang pagtortyur sa isa’t isa. Pero sa halip na tumiklop, walang takot nilang nilabanan ang mga pagpapahirap sa kanila,” ayon dito. Ang buong detalye ng karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo laban sa mga biktima ay naisalaysay ni Antonio Lacno (Ka Goyong), isa sa mga dinukot na nagawang makatakas sa kamay ng mga sundalo. Ayon kay Valbuena, “ang pahayag ng PNP ay naglalayong hugasan ang kamay ng Armed Forces of the Philippines sa krimen ng pagdukot at pagwala kay Calubid at sa Sipocot 5.” Pagdidiin pa niya, malaki itong insulto at pagkutya sa halos dalawang dekada nang paghahanap ng hustisya ng mga pamilya at ang kanilang pakikibaka na hanapin ang kanilang nawawalang mga mahal sa buhay. Dagdag pa ni Valbuena, bahagi rin ang palabas na pag-aresto ng koordinadong opensibang PR ng rehimeng Marcos upang desperadong lumikha ng larawan na sila ay ganap na nagtatagumpay sa paggupo sa armadong paglaban ng bayan. Kaugnay ito ng panibagong target ng rehimen na wakasan ang rebolusyonaryong kilusan ngayong 2024. https://philippinerevolution.nu/angbayan/matandang-inaresto-sa-olongapo-city-maling-pinalalabas-ng-rehimeng-marcos-na-dating-kumander-ng-hukbong-bayan-pkp/ | 05:20:27 |
prwc_info | AKAP, iba pang programang ayuda, binatikos Binatikos ng Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance (Tama Na) ang Ayuda sa Kapos sa Kita Program o AKAP na ipinanukala ng pamunuan ng Mababang Kapulungan sa pambansang badyet para sa 2025. Tinanggal ang pondo sa bersyon ng Senado pero ibinalik ng bicameral committee ang kalahati o ₱26 bilyon ng orihinal na halaga na ₱39 bilyon. Una itong tinutulan ng Senado dahil walang inilaan ang Kongreso para sa mga senador. Sa pinal na bersyon ng panukalang badyet, inilaan ang ₱21 bilyon sa Kongreso, at ang ₱5 bilyon para sa Senado. Ibig sabihin, kung paghahatian ng lahat ng kongresista ang bahagi nito, pangangasiwaan ng bawat isang kinatawan ang P83 milyong pondo. Kung hindi bibigyan ang mga kinatawan ng party-list, tataas tungong ₱103 milyon ang mapupunta sa mga kinatawan ng distrito. Bagamat mas maliit ang nakalaan para sa Senado, aabot sa ₱208 milyon ang mapupunta sa bawat isang senador. Sinasabing target ng AKAP na bigyan ng ayuda ang mga pamilyang mababa ang kita na apektado ng implasyon at iba pang sirkunstansya. Dagdag ito sa napakarami nang programang ayuda tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, Assistance to Individuals in Crisis Situations, TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, espesyal na pensyon para sa mahihirap na senior citizen, Sustainable Livelihood Program, Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients, at marami pang iba. Unang inilusot ang AKAP sa badyet para sa 2024. Kabi-kabilang pagbatikos ang inani nito laluna sa unang hati ng taon nang mabunyag na ginagamit ang pondo para itulak ang charter change o chaha sa pamamagitan ng People’s Initiative. Ayon sa Tama Na, ang AKAP at katulad na mga programang ayuda ay hindi naiiba sa naunang mga ginagamit ng mga kongresista at senador para sa sistemang padrino. Malaki ang papel nito sa pulitika lalupa’t paparating ang eleksyon. Sa nakaraan, lantarang ginagamit ang mga programang ayuda para ipansuhol sa mga kongresista at senador, at ipambili ng boto at impluwensya. “Katulad ng 4Ps, ang AKAP at ibang katulad na ayudang programa ng gubyerno para pang-ahon sa kahirapan, ay nagmumukhang nagbibigay ng kinakailangang alwan sa naghihirap na mga pamilya. Pero ang reyalidad, ang mga programang ito ay nag-eengganyo ng pagiging palaasa imbes na nagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan para makamit ang pangmatagalang istabilidad,” ayon sa alyansa. “Sintomas ito ng isang sistema sa pulitika kung saan ang ayudang pinansyal ay ginagamit pang-impluwensya sa mahihirap imbes na paraan para sa tunay na pag-unlad.” Ang tunay na kailangan ng mamamayan ngayon ay dagdag-sahod at mas maayos na trabaho, hindi subsidyo o ayuda, ayon sa alyansa. Pero imbes na ito ang atupagin, itinutulak ng Kongreso at Senado ng kani-kanyang mga programang ayuda, na walang iba kundi mga panandaliang remedyo. Tinitiyak ng mga programang nagtataguyod ng sistemang padrino na manatiling nakaasa ang mamamayan sa mga pulitiko, at sa gayon ay nakapailalim sa kanilang kontrol, ayon sa Tama Na. Dapat, anito, basagin ang sistemang ito para wakasan ang korapsyon sa gubyerno. Habang nakapagbibigay ng panandaliang alibyo ang mga subsidyo, hindi ito dapat ipampalit sa mga repormang panlipunan na nagtataguyod ng hustisyang pang-ekonomya, ayon sa alyansa. https://philippinerevolution.nu/angbayan/akap-iba-pang-programang-ayuda-binatikos/ | 05:22:32 |
prwc_info | Ordinansa na nagtatanggol sa mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao, naitulak sa Baguio City Pinuri ng mga grupo sa karapatang-tao at progresibong mga samahan ang pagpasa sa ikatlo at huling pagdinig ng Baguio City Council sa Human Rights Defenders Ordinance (City Council Resolution 763-2023) noong Disyembre 9. Ipinasa ito matapos ang higit limang taon na pagtutulak ng mga grupo para kilalanin ang karapatan ng mga nagtataguyod sa karapatang-tao at protektahan sila mula sa mga pang-aatake, tulad ng panggigipit, Red-tagging at iba pang porma ng intimidasyon at karahasan. “Sa harap ng kumikitid na espasyong sibiko, pinupuri at pinasasalamatan namin ang Baguio City Council sa pagpasa [ng panukala] na kumikilala sa kahalagahan ng trabaho para sa pagtatanggol sa karapatang-tao at pag-institusyunalisa ng proteksyon para [sa kanila],” pahayag ng Cordillera Human Rights Alliance (CHRA). Isinaad mismo sa panukala ang walang maliw na pangangampanya sa konseho ng Cordillera Youth Center, Tongtongan ti Umili, Youth Act Now Against Tyranny Baguio-Benguet, CHRA, at iba pang organisasyon simula pa 2018 para sa mga patakaran at programang magtatanggol sa mga nagtataguyod ng karapatang-tao. Dahil dito, naisad sa panukala ang komprehensibong balangkas para protektahan ang gawain sa pagtataguyod ng karapatang-tao sa syudad. Inilatag dito ang 19 na karapatan ng mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao. Laman din ng panukala ang pagtatayo ng mga sangtwaryo para sa mga nanganganib na tagapagtanggol ng karapatang-tao at mga biktima ng paglabag; pagbibigay ng ligal at psychosocial na tulong sa kanila; pagparusa sa Red-tagging; at pagsasagawa ng mga aktibidad para ipabatid sa publiko ang kanilang mga karapatang-tao. Isinaad dito na kaagad dapat iwasto o bawiin ng mga pwersa ng estado at mga pampublikong awtoridad kung magsasagawa sila ng Red-tagging. Sakaling hindi sumunod dito, maaari silang maharap sa mga kasong administratibo at kriminal. Pagmumultahin sila ng ₱1,000 hanggang ₱5,000. Nakasaad din sa panukala ang pakahulugan at saklaw ng Red-tagging. Kabilang dito ang pagbansag o pagtawag sa mga indibidwal o organisasyon bilang mga komunista, subersibo at terorista sa mga aktibidad sa eskwelahan, pagpapakalat nito sa social media at mga kampanya ng paninira na suportado ng gubyerno. Naitulak ito ng konseho ng Baguio City sa kabila ng matigas na pagtutol dito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga pampublikong pagdinig at debate sa nagdaang mga buwan. Isinumite na ng konseho sa upisina ni Baguio City Mayor Magalong ang panukala para mapirmahan at maging lokal na batas. “Kung hindi dahil sa kolekibong pagsisikap ng mamamayan, ang mga panukalang magtitiyak sa proteksyon ng ating mga karapatang-tao ay hindi maisasakatuparan,” pahayag ni Gabriel Siscar, ika-apat na nominado ng Kabataan Party-list na nakabase sa Cordillera. https://philippinerevolution.nu/angbayan/ordinansa-na-nagtatanggol-sa-mga-tagapagtaguyod-ng-karapatang-tao-naitulak-sa-baguio-city/ | 05:25:49 |
prwc_info | Banta ng demolisyon sa isang komunidad sa Davao City, kinundena Kinundena ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap)-Davao ang bantang demolisyon laban sa 47 kabahayan sa Dalat, San Roque, Davao City noong Disyembre 10. Ayon sa mga residente, nagmula sa upisina ni Atty. Elisio Braganza ang banta ng pagpapalayas sa kanila. Sa araw na iyon, lumapag sa komunidad ang mga tauhan ng Davao City Local Government Unit (LGU), sa partikular mula sa City Engineering Office. Labis na nangamba ang mga residente para sa kanilang mga tirahan at karapatan. Ayon sa Kadamay-Davao, lubhang pagbalewala ang banta ng demolisyon sa kapakanan ng komunidad at kasabay pang inilunsad sa paggunita sa Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao. “Mahigpit nating ipinananawagan na ihinto ang hindi makatarungang demolisyon at intimidasyon, at dapat bigyan ng tamang relokasyon at sapat na kompensasyon ang mga apektadong pamilya,” pahayag ng grupo. Hinimok nito ang mga kapwa maralita sa Davao na magkaisa at mag-organisa para ipahayag at ilantad ang kinahaharap nilang mga isyu at paglabag sa karapatang-tao. Samantala, nagpahayag ng pakikiisa sa mga maralita ang Gabriela Women’s Party-Southern Mindanao. “Manindigan kasama ang komunidad,” panawagan ni Dra. Jean Lindo, ikatlong nominado ng partido para sa eleksyong party-list sa 2025. https://philippinerevolution.nu/angbayan/banta-ng-demolisyon-sa-isang-komunidad-sa-davao-city-kinundena/ | 05:29:33 |
prwc_info | Mga guro sa Maynila, nagsampa ng kaso laban sa upisyal ng DepEd dahil sa panggigipit Nagpiket sa harap ng Office of the Ombudsman sa Quezon City noong Disyembre 10 ang mga gurong kasapi ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA) kasabay ng paghahain ng kasong administratibo laban kay Department of Education (DepEd) Manila Schools Division Superintendent Rita E. Riddle. Isinampa laban kay Riddle ang kasong grave misconduct at labis na pag-abuso sa awtoridad kasunod ng panggigipit at panghaharas niya sa mga guro. Ayon kay Hogier Villarias, presidente ng MPSTA, haharap sila sa Ombudsman para papanagutin si Riddle. Nakabatay ang kaso sa panggigipit ni Riddle sa may 200 guro na sumama sa isang pagkilos noong Mayo 15. Nagprotesta ang mga guro dahil isinantabi ng naunang Division Memorandum 219 s. 2024 ni Riddle ang 30-araw na day off ng mga guro para sa buwan ng Hunyo. Nagsampa si Riddle ng mga kaso laban sa 22 guro sa Professional Regulation Commission at Office of the Ombudsman. Ginamit niyang dahilan ang umano’y “paglabag sa etikal at propesyunal na pamantayan para sa mga propesyunal na guro.” Naniniwala ang MPSTA na ang pagkakaso ay isang malinaw na kaso ng pagsupil sa lehitimong karapatan ng mga guro na mag-organisa at magpahayag ng kanilang hinaing. “Kapag nagsalita ang mga guro para sa kanilang karapatan, bakit kailangang gantihan ng panghaharas at intimidasyon? Hindi krimen ang pagtatanggol sa karapatan ng mga guro at ng edukasyon,” ayon kay Villarias. Dagdag ng lider-guro, dapat nang mahinto ang pagturing na krimen sa pagtindig laban sa pag-abuso sa kapangyarihan. Ayon sa MPSTA, sinasalamin ng hakbang ni Riddle ang mas malawak pang padron ng pag-atake ng estado laban sa mga progresibong organisasyon at indibidwal na tumitindig para sa kanilang karapatan. “Sa panahon ng matinding krisis sa ekonomya at edukasyon, lalong kailangan ng mga guro na magsalita at ipaglaban ang kanilang karapatan. Hindi kami magpapatahimik sa mga taktikang ito ng intimidasyon,” pahayag ni Villarias. Bago ang protesta sa harap ng upisina ng Ombudsman, nagpiket ang mga myembro ng MPSTA sa tapat ng upisina ng DepEd Manila sa Arroceros St, sa lunsod para papanagutin ang dibisyon at mga upisyal nito. Nakiisa sa pagkilos at laban ng MPSTA ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) NCR Union at ACT Philippines. Nanawagan ang ACT Philippines ng suporta sa mga nasa sektor ng edukasyon, mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao at iba pang demokratikong organisasyon na suportahan ang laban ng MPSTA. “Ang karapatan mag-organisa at magprotesta ay hindi isang krimen,” ayon pa sa grupo. https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-guro-sa-maynila-nagsampa-ng-kaso-laban-sa-upisyal-ng-deped-dahil-sa-panggigipit/ | 05:32:02 |
prwc_info | Imperyalistang US, nakikialam sa South Korea para panatilihin si Yoon sa pwesto Ang Bayan Ngayon | December 13, 2024 Sa gitna ng mariing panawagan ng mamamayang Korean para sa pagpapatalsik ng kanilang presidente na si Yoon Suk-yeol, direktang nakikialam ang imperyalismong US para panatilihin siya sa pwesto. Si Yoon ay sunud-sunurang papet ng imperyalismong US laluna sa usapin ng panunulsol ng imperyalistang gera laban sa North Korea, China at sa East Asia sa pangkalahatan. Nabigo ang unang impeachment complaint laban kay Yoon nang mag-walkout at iboykot ng malaking bloke ng kanyang mga kapartido ang sesyon ng parlamento kung saan pinagbotohan ito noong Disyembre 6. Isinampa ang reklamo matapos ang tangka niyang pagpataw ng batas militar noong Disyembre 3. Ayon sa balita, tinutulan ng US ang impeachment dahil isa sa mga basehan nito ay ang pagpasok ni Yoon sa trilateral o tatluhang alyansang JAKUS, kasama ang Japan at US. Sinabi ng US hindi dapat “idawit” ang ugnayang panlabas sa kaso ni Yoon, sa kabila ng panawagan ng mamamayang Korean na itigil na ng kanilang estado ang panunulsol nito ng gera sa rehiyon. Mula’t sapul, ipinangako ni Yoon ang kanyang “lubos na katapatan” sa US sa “Bagong Cold War” at niyakap ang “hard line” o mariing paninindigan laban sa North Korea. Nang umupo siya sa pwesto noong 2022, tinawag siyang “visionary leader” ng presidente ng US na si Joe Biden. Sa ilalim ng pamumuno ni Yoon, lalong humigpit ang kontrol ng US sa ekonomya, pulitika at militar ng South Korea. Dumalas at lumawak ang mga war games na inilunsad hindi na lamang ng US, kundi pati ng Japan at iba pang alyado nito sa kalupaan, kahanginan at karagatan ng bansa. Pinahintulutan ni Yoon ang pagpasok ng submarinong nukleyar ng US sa teritoryo ng bansa, bagay na lalong nagpalaki sa posibilidad ng pagsiklab ng gerang nukleyar sa rehiyon. Ipinasok niya ang bansa sa mga alyansang militar na ikinagalit ng mamamayang Koreano, laluna sa JAKUS. Nananatiling mataas ang galit ng mamamayang Koreano sa imperyalistang Japan, na sa nakaraan ay sumakop sa Korea at gumawa ng karumal-dumal na mga krimen laban sa mamamayan nito. Pahayag ng partido ni Yoon na nagmamatigas laban sa impeachment: “Ang pananatili ng alyansang South Korea-US at ang trilateral na kooperasyon sa seguridad kasama ang Japan at US ay isang malaki at krusyal na tungkulin.” Umabot sa mahigit isang milyong katao ang bumuhos sa lansangan para ipanawagan ang pagbibitiw ni Yoon noong Disyembre 6. Nagkasa rin ng walang taning na pangkalahatang welga at pagtigil sa trabaho ang Korean Confederation of Trade Unions, na kumakatawan sa mahigit isang milyong manggagawa. Panata nila, tuluy-tuloy silang magpuprotesta at maghahain ng mga reklamo hanggang mapatalsik sa pwesto si Yoon. https://philippinerevolution.nu/angbayan/imperyalistang-us-nakikialam-sa-south-korea-para-panatilihin-si-yoon-sa-pwesto/ | 05:33:45 |
prwc_info | Pagbawas ng ₱12 bilyon sa badyet para sa edukasyon, kinundena Ang Bayan Ngayon | December 13, 2024 Kinundena ngayong araw, Disyembre 13, ng ACT Teachers Party ang pagbawas ng bicameral committee ng ₱12 bilyon na pondo sa Department of Education. Nakalaan ang malaking bahagi sa tinanggal na pondo (₱10 bilyon) sa pagbibigay ng mga serbisyong digital sa milyun-milyong estudyante sa mga pampublikong paaralan. Mula sa ₱748.6 bilyon na ipinasa pareho ng Kongreso at Senado, ibinaba ng bicameral committee ang badyet ng kagawaran tungong ₱737.6 bilyon. Sa kabilang banda, ibinalik ng komite ang pondo para sa Ayuda sa Kapos sa Kita Program o AKAP na una nang tinanggal ng Senado. Kasabay nito, pinalaki rin sa badyet ang probisyon para sa “unprogrammed funds” tungong ₱531.66 bilyon. Nasa presidente ang kapangyarihan kung saan ilalaan ang unprogrammed funds na ito. “Ang makabuluhang kaltas na ito (sa edukasyon) ay pipinsala nang malaki sa akses ng ating mga estudyante sa mga serbisyong digital at magpapalala lamang sa agwat sa pagkatuto,” ayon kay Vladimir Qetua, chairperson ng Alliace of Concerned Teachers (ACT). Sa mga pagdinig sa Kongreso, isa ang programang digitalization sa prayoridad na pangangailangan ng kagawaran. Lubhang atrasado ang programa dahil sa samutsaring anomalya sa pagbili ng mga gamit para rito, at kainutilan ng pamamahala ni Vice President Sara Duterte noong siya pa ang kalihim ng DepEd. “Mukhang sinasamantala ng adminstrasyong Marcos Jr ang galit ng publiko sa maanomalyang pagggamit ni BP Dara sa confidential funds para tahimik na ilusot ang pag-ako ng mas malaking pondo para sa sariling korapsyon,” pahayag naman ni Antonio Tinio, unang nominado ng ACT Teachers Party. Ipinakikita lamang nito ang sistematikong korapsyon sa loob ng ating gubyerno, kung saan ang pagbubunyag ng maling gawi ng isang upisyal ay pinagsisilbi para takpan ang sariling (maling gawi), aniya. https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagbawas-ng-%e2%82%b112-bilyon-sa-badyet-para-sa-edukasyon-kinundena/ | 05:38:12 |
prwc_info | Mga tauhan ng NTF-Elcac na sina Badoy at Celiz, pinagbabayad ng danyos na ₱2.08 milyon dahil sa Red-tagging Ang Bayan Ngayon | December 14, 2024 Panalo ang mamamahayag na si Alfonso Tomas “Atom” Araullo sa kasong sibil na isinampa niya sa isang korte sa Quezon City laban sa mga tauhan ng National Task Force-Elcac na sina Lorraine Badoy-Partosa and Jeffrey Celiz dahil sa Red-tagging ng mga ito. Pinagbabayad sina Badoy at Celiz ng kabuuang ₱2.08 milyon bilang danyos sa perwisyong idinulot ng kanilang aksyon kay Araullo. Kinatawan siya sa korte ng mga abugado mula sa Movement Against Disinformation. Isinampa ni Araullo ang naturang kaso noong Setyembre 2023 kaugnay ng walang tigil na paninira at pagkakalat ng kasinungalingan nina Badoy-Partosa at Celis tungkol sa kanya at kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanilang programa sa telebisyon ng SMNI at social media. Sa kasong isinampa ni Araullo, sinabi nitong lumabag ang dalawa sa pangangalaga sa karapatan ng mga indibidwal, sa usapin ng relasyon sa kapwa tao at dignidad na humantong sa seryosong kasiraan at pinsala sa kanyang reputasyon, kapayapaan sa isip at mga personal na relasyon. “Walang basehan ang kanilang mga paratang. Malinaw na layunin nila ang takutin, siraan, at udyukin ang galit ng publiko laban sa akin at sa aking pamilya sa pamamagitan ng paghahasik ng intriga,” naunang ipinahayag ni Araullo nang isinampa ang kaso. Aniya, nakikita niya ang mga pag-atake at Red-tagging bilang bahagi ng mas malawak na panggigipit at panunipil sa malayang pamamahayag. Sa 27-pahinang desisyon ng korte noong Disyembre 12, sinabi ni Judge Dolly Rose Bolante-Prado ng Quezon City Regional Trial Court Branch 306 na ang karapatan sa malayang pamamahayag ay inabuso ng dalawang nasasakdal sa pag-red-tag kay Araullo. Ito ang kauna-unahang desisyon ng isang korte ng ganitong tipo. Ginamit ng huwes bilang batayan ng hatol ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema sa kasong Deduro v. Maj Gen. Vinoya, na nagsasabing ang “red-tagging, paninirang-puri, pagbansag, at pagtratong maysala dahil sa pagkakasangkot ay nagiging banta sa karapatan ng isang tao sa buhay, kalayaan, o seguridad.” Idineklara ng korte na nabagabag ng Red-tagging ang relasyon ng pamilyang Araullo sa pagdudulot ng kahihiyan kay Atom at kanyang ina na si Carol Pagaduan-Araullo. Si Carol ay tumatayong chairperson emeritus ng Bagong Alyansang Makabayan. Nagsampa rin ng ₱2.1 milyong reklamo si Carol laban sa dalawa noong Hulyo 2023. Saad pa ng korte sa desisyon nito, “ang Red-tagging, bilang banta sa batayang mga karapatan ng isang tao ay malisyoso sa kaibuturan.” Anito, nasa sibil na kasong isinampa ni Araullo ang lahat ng elemento ng paninirang-puri. Malinaw umanong isinapanganib ni Badoy at Celiz ang buhay ni Araullo sa pagdawit sa kanya sa “terorismo.” Nang isinampa ang kaso, ipinabatid ni Araullo na hindi siya magsasampa ng kasong kriminal laban sa dalawa. Binigyang diin niya ang pagtutol sa kriminalisasyon ng kasong libel dahil nagagamit ito upang gipitin ang lehitimong midya. Binati ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang naging tagumpay ni Araullo sa kaso. “Liban sa moral na tagumpay at pagbibigay-matwid, ipinakita ng pagkapanalong ito sa korte—tulad ng paulit-ulit na sinabi ng mga aktibista at tagapagtanggol ng karapataong-tao—na ang Red-tagging ay nagdudulot ng aktwal na pinsala at panganib,” ayon sa grupo. Dagdag pa nito, nagbibigay direksyon din ang kaso sa posibleng landas para humingi ng pananagutan ang puu-puong indibidwal at organisasyon mula kina Badoy-Partosa at Celiz at katulad nila sa kanilang malisyosyong Red-tagging at pag-akusa sa telebisyon at social media. https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-tauhan-ng-ntf-elcac-na-sina-badoy-at-celiz-pinagbabayad-ng-danyos-na-%e2%82%b12-08-milyon-dahil-sa-red-tagging/ | 05:38:56 |
16 Dec 2024 | ||
Bandit Heeler | hello! May lalabas bang statement ukol sa kalagayan ng Syria soon? | 10:09:44 |